“ANIM na buwan at apat na araw kang nawala. No letters, no phone calls, no emails, or text messages. And now at long last, here you are, and all you could do is look at me? Are we really going to just waste our time like this?” Napalunok si Trixie. Punong-puno ng sarkasmo ang boses ni Alaric nang magsalita ito. Nangingiming napayuko siya. Hindi niya na nakayanan ang nagyeyelong mga titig ng asawa. Malaki ang pasasalamat niyang nakaupo siya nang mga sandaling iyon. Dahil kung hindi, siguro ay kanina pa bumigay ang mga tuhod niya. Kahit na ipinaghila siya ni Alaric ng upuan nang magkita sila sa restaurant ay para bang estranghera pa rin kung ituring siya nito. Bukod sa kalamigan ay wala na siyang mabasa pang ibang emosyon sa mga mata nito. Ipinagpapasalamat niya ring sa isang mataong luga