After five months… “HINDI ko ibibigay sa ’yo ang langit, bituin, at buwan, Trixie. I’ll surrender that line to the ones who believe they can give them to someone.” Bahagyang lumayo si Trixie mula sa pagkakasandal sa dibdib ng boyfriend na si Alaric. Napatingala siya sa mukha nito habang abala naman ang binata sa pagtanaw sa mga bituin sa kalangitan. Kasalukuyan silang nakaupo sa bubong ng kotse nito. Sa loob ng ilang buwan na nakasama ni Trixie si Alaric, na-realize niyang isa ang stargazing sa mga hilig nito. Magiliw niyang nginitian si Alaric. “Ano palang kaya mong ibigay sa ‘kin kung gano’n?” Saka pa lang ito tumingin sa kanya. May masuyong ngiting naglalaro sa mga labi ng binata. Wala sa loob na nahaplos niya ang dimples na lumitaw sa pagngiti nito. Alaric caught her hands an