- -SEVENTH CHAPTER-Date in the Forest- ROCKY's POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagtaka pa ako dahil sa sarili kong kama ako nakatulog. Ang pagkatanda ko nasa Bar ako kagabi. Naglakad ako patungong kwarto pero nabagsak ako. Pagkatapos no'n hindi ko na alam ang nangyari. Ang pagkakaalam ko para akong nanaginip na kasama ko si Gracielle. She kissed me, Yes! She kissed me or should I say we almost kissed the way lovers do. Bahagya akong bumangon, ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Nasobrahan at napadami ang nainom kong alak kagabi. Pumunta ako ng Banyo to take a Shower then pagkatapos nang lumabas ako may biglang kumatok sa pinto. Nakatapis lang ako ng tuwalya nang bumungad ang magandang binibini. Nanlaki ang kaniyang m