Hacienda Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ellwood kung bakit niya pinasyang dito magpalipas ng gabi. Oo nandoon na ako sa nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero wala ito sa napagusapan namin. "Dito ka muna ang magiging silid mo ngayong gabi." Tinulak ko ang pinto ng isa sa mga guest room at pumasok. Katabi lamang ito ng aking silid at pinalinis ko na sa mga kasambahay bago kami umakyat. "Your house is neat and clean. I am more fascinated by this kind of place. Peaceful and quiet," anito at naglakad para buksan ang bintana. Ang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa amin. Tumayo ito doon at bahagyang binisita ang likod bahay kung saan tanaw mula rito ang malawak naming lupain. "Kahit sino, magkaka-interes kung ganito kaganda at kalaki ang ari-arian naiwan sai