Kabanata 10 Nightmares Malalakas na sigaw ang pumukaw sa'kin habang mahimbing na natutulog. Mabilis akong bumangon at sumilip sa may bintana. Mula dito ay tanaw kong bukas ang ilaw sa kamalig. Maingay din ang mga kabayo kaya tiyak na may tao doon. Napakislot ako nang makarinig na may nabasag na kung ano sa ibaba. Agad na gumana ang utak ko, baka may magnanakaw. Ginawa ko ay hinila ko ang roba para suotin at mabilis na bumaba sa hagdanan. "Dad?" tawag ko. Ngunit patay ang ilaw sa buong salas kaya minabuti kong tukuyin kung saan nanggagaling ang ingay. Sa opisina ni Daddy ako dinala ng mga paa ko. I stood still on my feet because of fear. Baka nga may magnanakaw. "Pagkatapos ng ginawa ko saiyo, ganito ang igaganti mo sa'kin?!" Narinig kong sigaw ni Daddy. "Alam mo kung bakit? Dah