Kabanata 8 Wishing well Maaga akong nagising kinabukasan at bumaba ako para tumulong kay Manang Gloria na maghanda ng almusal. Subalit ang totoo ay hindi ako nakatulog. Hindi kasi mawala sa isip ko ang esksenang nangyari kagabi. I saw Ellwood in his half naked body last night. Hindi lang isang beses, kundi dalawa pa. And it's because of my stupidity. Dalawang beses na rin akong pumapasok sa silid niya na walang paalam. Baka isipin niya ay talagang gawain ko iyon, kaya kahit gustohin ko nang matulog ay hindi ko magawa. "Venice, kumukulo na 'yang mainit na tubig!" Napalundag ako nang marininig ang boses na iyon ni manang. "Pasesnya na po." Nagmamadali kong pinatay ang kalan. "Ayos ka lang? Ako na nga d'yan. Baka kung mapano kapang bata ka." Ito na ang humila ng takure para isalin sa