Ano kayang pakiramdam na mapunta sa ibang mundo? E ang pakiramdam kaya na mapunta sa ibang oras at panahon? Lahat 'yan ay naranasan bigla ng kambal na magkapatid na sila Erris Lily at Eicine Lirah, matapos nilang maglaban sa isang digmaan dahil sa impluwensya ng masamang mahika ng kalaban, nagising sila sa nakaraang isandaang taon na panahon ang lumipas. Natagpuan ng kambal ang ibang mga kaibigan ngunit ang iba ay hindi makaalala. Ang katayuan sa bayan ng bawat isa ay kakaiba rin. Maging ang problema sa pag-ibig ni Erris Lily ay naisama sa paglipat nila ng panahon.
Kasama ni Erris Lily ang libro na kulang ang bawat pahina. Ano kaya ang silbi ng libro sa panibagong kwento?
Panibagong mundo, panibagong oras at panahon ang pinaglagyan sakanila ng Goddess of Life. Ang dahilan ay para subukin ang kambal kung karapat-dapat pa sila sa Magic Paradise bilang legendary princesses.
Pero anu-ano nga ba ang mga haharapin nilang pagsubok at labanan para magtagumpay? Ano ang kailangan gawin sa hawak nilang libro?
Samahan ang magkapatid na Everild sa kwento ng pagwasak at pagbuo.
Magic Paradise 2: Another Life.