Nina Ricamonte
'Go home early.'
Message sa akin ni Christian.Aaminin kong kinilig ako,eto kasi ang unang beses na nag-text sa akin ang mahal ko.
Hindi mapawi ang ngiti ko habang naglalakad lakad dito sa buong restaurant.Napapatingin nga sa akin yung mga costumers dahil ang lapad ng ngiti ko,yung iba nga nahahawa pa sa kasiyahan ko.
Kahit kasi simple lang and text nya,sapat na ito para makumpleto ang araw ko.
************
"Ahm sir---este Ethan,salamat sa paghatid."masaya kong turan kay Sir.Kahahatid nya lang kasi sa akin,ngayon ay nasa gate na kami .
Ngumiti ito sa akin then he pat my head.."Its my pleasure sweetie."
Napangiti ako.He always do that to me.Patting ny head,then call me sweetie.Sa halos mag-lilimang na buwan na pamamalagi ko sa restau nya,nakasanayan ko na yan....
Bago sya tuluyang pumasok sa kotse nya ay hinawakan nya muna ang tiyan ko at kinausap si baby,at yan,isa pa nyang hobby,ang makipagbonding sa baby ko.May time kasi na hinimatay ako sa mismong restaurant nya at sinugod ako sa hospital ,doon nagsimula ang sobrang pag aalaga nya sa akin
As usual,wala lagi si Christian,busy sa iba't ibang bagay, kaya di ko na sya iniistorbo.Kaya heto,si Ethan na ang nag aasikaso sa lahat related sa pagbubuntis ko. Sya narin ang kumuha mismo ng OB ko.Sya na rin ang sumasama sa akin sa mga check up ko.
Well,masaya ako sa pinapakita nyang kabutihan sa akin.Bawat araw na dumadaan nagiging mas close kami.Sa madaling salita,almost Best friends na kami.
Kapansin-pansin rin na panay Ethan na lang ako at hindi na Sir.Eh kasi sabi nya dati Tawagin ko na lang sya sa Name nya.Nung una ,awkward pa para sa akin pero sabi nya friends naman kami so anong mali doon.?
Malimit kong pinagmamasdan ang pag alis ni Ethan ng may napansin akong kotse na huminto ilang layo mula sa bahay ni Christian.
Napatakip ako sa bibig ng mapagsino ang nasa loob ng kotse na yun.Si Monique!Ang Girlfriend ni Christian.
And malala,may kasama itong lalaki at parang mga asong naghahalikan sa loob nito!Hindi tinted ang mga bintana ng kotse .Kitang kita sa loob ang kalaswaan nila!
Biglang nangilid ang mga luha ko.Biglang pumasok sa isip ko si Christian.Paniguradong masasaktan sya pag nalaman nya ang mga kagaguhang ginagawa ng pokpok nyang nobya 'pag nakatalikod sya!
Oo,sanay na ako sa set-up namin.May Girlfriend sya at hindi ako nag protesta,tikom ang bibig ko.Kahit masakit tinanggap ko dahil doon sya masaya.Sobrang mahal nya si Monique .Ramdam ko yun,at nakikita ko.
Pero ito!Kitang kita ko ang kalandian na ginagawa ni Monique ngayon!
Hindi.Hindi ako papayag na lokohin lang si Christian ng malanding ito!
Agad kong kinuha ang phone ko.Dahan dahan akong naglakad malapit sa pwesto nila!
Putcha!Halos hubad na sila!Ang kapal ng mga mukha,dito pa talaga nila ginagawa iyan?
Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko.Nanggigigil ako sa kanila!Ang bababoy!Lakas ng loob nilang gawin ang kakatihan nila sa harap mismo ng pamamahay ni Christian.
Gustong- Gusto ko syang sugurin,god knows!Pero syempre,iniisip ko ang kalagayan ko,ayaw ko namang isugal ang kaligtasan ng baby ko .
Pero,Huh!tingnan ko lang kung may mukha pa kayong ihaharap paglabas nyo sa kotseng yan!
Napangiti ako.Ipo-post ko sa Fb.Ita-Tag ko si Christian.buwahahahhaha!
Agad akong kumuha ng magandang angulo.Siniguro ko na makikita ang makapal na mukha ng babaeng ito na nanloko sa mahal ko.Kumuha ako ng maraming shots,para mas maraming pruweba!
Pagtapos kong gawin ang balak ko ay mabilis akong pumasok sa bahay.Hinanap ko si Christian sa bawat sulok ng bahay pero wala sya!Saan sya nagpunta?Baka di nya maubutan ang eksena kung nagkataon!
Oo nga pala!May mga pictures ako!Ipapakita ko na lang mamaya sa kanya.
Napagpasyahan ko na lang na umupo.Mamaya,may posibilidad na magkahiwalay na sila.Sa oras na malaman ni Christian ang kalandian ni Monique,may tendency na hiwalayan nya ito at magkalapit kami.Hindi ko maiwasang mapangiti..
ILANG minuto ang nakakalipas.Sunod sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto.Kumabog ang dibdib ko.Malamang si Christian na yun!
Halos lumipad ako sa pinto at mabilis itong binuksan.Pero napaatras ako ng mapagsino ang taong kumatok sa pinto.
Si Monique!
Ramdam ko ang pag init ng tenga ko nang nakita ko ang pagmumukha ng malandi na to.Gusto ko syang sabunutan!sampalin!Right NOW!
Pa-plastik itong ngumiti sa akin at nag-crossed arm pa.
"Hey,desperada.Nandyan ba ang asawa ko?"
Putik na!Hindi mo nga sya asawa!Hindi!At isa pa,parang naging hobby na nya ang pagtawag sa akin ng desperada!
Eh sya nga pokpok!
Umayos ako ng tayo.Hindi nag pahalata ng kahit anong tense."Wala sya dito."cold kong sabi.
"Oh,ganon ba?"pagkadismaya nito."Well,buti pa hintayin ko na lang sya,chupi!"Pagtaboy nito sa akin.Pero syempre,hindi ako nagpatinag.
Nagsukatan kami ng tingin.Bitch,ang kapal ng foundation!Ibuburol na ba ito?
Ang kapal ng Eyeliner sa eyebrow,Bakekang lang?Ang kapal ng lipstick parang namamaga na ata ang mga labi,halimaw ata ang kahalikan nya kanina eh!
Napukaw ang tingin ko sa suot nyang damit.Heh,Naghihirap na ba to?Bakit kapos-kapos ang telang suot nya?konting ikli pa ay labas na ang retokada nyang dibdib !
Speaking of that.Pansin kong medyo tabingi ang Bra nito.Hindi rin naka sara ng maayos ang zipper ng maong short nito.AT PARANG HINDI SYA MAKATAYO NG MAAYOS!NANGHIHINA ANG MGA TUHOD NYA!Ibig sabihin,mukhang nag enjoy talaga sya kanina!
"Hoy,pikotera.Oo alam kong maganda ako,kaya pwede ba,stop staring at me."sabay irap nito.
Napatawa ako Ng malakas dahil sa sinabi nya.
"Hoy!bat ka ba tumatawa?!is that any laughing?"
Buwahahahhahha!!! 'is that any laughing?' seryoso ba sya?Hindi ako judge mental pero lord!Patawad!Ang lakas makabobo ng babaeng ito!Eh parang kailan lang nagyayabang sya na college degree kuno sya!Hanep!
"EXCUSE ME!!!"inis nitong sabi.
Hindi kasi ako maka-get over at wala akong nagawa kundi tumawa!hahahhaha.
"P-pwedeng paki s-spell !!!hahha!"
"Anong spell-spell ang sinasabi mo dyan!"
"Eh ikaw kasi!komedyante!"
"Alam mo,nababaliw ka lang!back off!dadaan ako!"
Tangka na naman itong papasok pero hinarang ko ang katawan ko sa pinto.Binigyan ko sya ng Pang asar na ngiti,at inilibot ang mga mata ko sa buong katawan nya,syempre nagtaka sya!
"Sige,papasuking kita,basta iayos mo yang paling na bra mo,isabay mo na rin yang zipper mo sa p*k-p*k short mo na yan."
Nanlaki ang mga mata nito nang mapatanto kung ano ang ibig kong sabihin.Mabilis nyang iniaayos ito.
"Sabihin mo,nasarapan ka ba?"sabi ko.Bahagya itong napatigil sa ginagawa.
"W-what do mea---"
"Wag ka ngang mag maang-maangan,kitang kita ko ang pagiging aso mo kanina."
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo?!"namumulang Sabi nya.
"Maang-maangan ka pa?Huh.Tinatawag mo pa akong desperada,eh ikaw nga isang makati!"matapang Kong Saad.
"You!"pagduro nya sa akin,mukhang galit na ito."How dare you ha?!Sino ka para akusahan ako?!Bakit ,may ibidensya ka ba?!"
Napangiti ako sa kanya."Iyang itsura mo pa lang ,ebidensya na.What if pa kung ipakita Ang picture nyo Ng kalandian mo?"
Agad kong ipinakita Ang mga larawan kuha kanina sa kanila.Nanlaki Ang mga mata nito at namula rin dahil sa kahihiyan.
"Ngayon?Kumbinsido ka na ba?"pang asar ko sa kanya.
"Hindi mo pwedeng ipakita iyan kay Christian!"Muntik nyang inagaw ang cellphone sa aking kamay ,buti na lang at naiwas ko agad ito.
"Ibigay mo sa akin yan!"
"Ano ako ?Tanga?Hindi mangyayari iyon!" Sigaw ko sa kanya."Ipapakita ko ito Kay Christian!"
"Hayop ka!"akma na sana akong sasampalin ni Monique nang biglang may narinig kaming pamilyar na boses.
"Anong nangyayari dito?"Ani Christian.
Nabuhayan ako Ng loob Ng Makita ko si Christian, magkakaroon ako Ng chance na ilabas Ang baho ni Monique.
"Christian! May Ipapakita ako say---"
"NO!" Sabay hatak sa akin ni Monique.
Pinilit Kong kumawala sa pagkakahatak nito at agad Naman akong nagtagumpay dahil naitulak ko sya.
Nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan nya at akma na Ipapakita Ang Ang mga larawan ..
"Niloloko ka Ng babaeng iyan Christian!Tingnan mo ,nakita ko siya sa labas Ng bahay mo at nakikipaglandian sa ibang lalaki!"
"Anong Sabi mo?"malamig na tugon nito sa akin.
"Nanlalalaki Ang girlfriend mo---"
Hindi ko na naituloy Ang sasabihin ko Ng bigla nya akong sinampal.Nangirot Ang pisngi ko sa sakit. Dahan dahan Kong binalingan Ng tingin si Christian na noo'y nangngangalit at Ang Sama Ng tingin sa akin.
"C-Christian.."
"Unang una,Wala kang karapatang saktan si Monique!"Bigla ako nitong hinawakan sa magkabilang pisngi.Napapikit ako sa sakit.
"At pangalawa,Hindi kita pinaniniwalaan!Alam Kong ginagawa mo lang ito para Magalit ako Kay Monique,but no,not a chance.."
"Pe-pero--"
"Wala akong pakialam Kung may ebidensya ka dahil Hindi ko pa rin paniniwalaan yon!"Nanggagalaiting tugong nito.
Agad Namang umeksena si Monique at pinagilan si Christian kuno.
"Babe,tama na,buntis sya!" Maamo nito Turan Kay Christian.
Tsk. Pakitang tao!
Marahas nyang binitawan ang mga pisngi ko at halos matumba ako.Ni hindi man lang nya inintindi na buntis ako!
"Sa susunod,wag kang mangigialam Kung ayaw mong masaktan!"
Sabay na umalis Ang dalawa sa harap ko upang pumunta sa kwarto.
Habang ako ,naiwang tulala habang pumapatak Ang mga luha.