Magnus' POV Kinakabahan ako sa oras na ito, I know that there's no turning back right now, that there's no reason to back-up some plans. Nakatayo ako sa kwarto habang tanaw ang whole body mirror. Malalim ang iniisip ko sa oras na 'to. Mabuti na lang at nandito sina Vittos, Peruvian at Aries na kakarating lang. Ang sabi rin ni Austin ay susunod siya. They are fully supported to my choice. Nagsalin pa si Vittos ng inumin sa babasaging baso at iniabot sa'kin. "Drink, bro. Kanina ka pa walang kibo riyan, baka malimutan mong magsalita mamaya. Just calm down." Si Vittos na tinapik pa ako. Nasa couch naman si Aries na naninigarilyo. "So, tell me, man... what's the plan now?" Nilingon ko ito. "Not now, Aries." "You must celebrate now, Magnus. Saka na 'yang kompanya mo, marami ka namang