Magnus' POV Nakarating na kami sa private helipad sa Aklan sa oras na 'yon, maghihintay na lang kami sa aming sundo. Napansin kong tahimik lang si Vanna at parang wala sa mood. Katabi ko naman si Ysay na nahimbing dahil sa sobrang pagod. Pinagpahinga ko muna ito dahil may oras pa naman. Pumunta ako sa gilid ni Vanna at tumabi. "Hey, are you still upset?" Hindi siya tumingin, nanatili lang siyang nakatingin sa kawalan. "I'll help you, I ask my friend about your brother's name. Pinapahanap ko na siya." Sa sinabi ko'y medyo nakuha ko ang atensyon niya. "Really?" Medyo wala sa timplada ang mukha niya. "Yes. Now, if you want me to help you, please treat me better, h'wag mo akong simangutan." "Fine. Madali naman akong kausap." Sabay ngiti nito nang kontodo-todo. Madali niyang kinul