bc

Ang Paglalakbay Ni Bogart

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.0K
READ
reincarnation/transmigration
system
arrogant
comedy
straight
male lead
swordsman/swordswoman
magical world
kingdom building
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Inaanyayahan ko po kayong magkomento sa kada chapter upang magkaroon ng tsansa na manalo ng 200 bonus.

RISE FROM THE ASHES: KING FROM NOBODY ENTRY

*Superpower/System

Fantasy/Adventure

Isa sa pinakamayaman sa Cavite si Bogart Ledesma. Ngunit kung gaano siya kayaman ay ganoon naman kasama ang kaniyang pag-uugali.

Sa hindi inaasahang pangyayari, natagpuan ni Bogart ang sarili sa Noda, isang mundo kung saan mga nakakatakot na nilalang ang kaniyang makikilala. Upang makabalik sa dating mundo, kailangan niyang mahanap ang kristal na nawawala na siyang bumabalanse sa mundong iyon kasama ang tagapagbantay ng nawalang kristal—isang kakaibang hayop na doon lang niya nakita.

Kakayanin ba ni Bogart na magtagal sa mundong iyon kung saan walang kuwenta ang kaniyang kayamanan? Sa pagkakataong iyon, matutunan na ba niya na ang lahat ay hindi kayang tumbasan ng pera? Higit sa lahat, mailigtas kaya niya ang Noda sa matinding kapahamakan at makabalik pa kaya siya sa mundong kinagisnan?

Samahan si Bogart sa kaniyang paglalakbay kasama ang nakakatakot ngunit nakakaaliw na tagapagbantay ng nawalang kristal!

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Bogart Ledesma Kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon. Nakahawak lang ako sa aking ulo dahil parang mabibiyak ito. Nasobrahan na naman ako ng inom kagabi—o mas tamang sabihing kanina. Kanina lang naman kasing alas tres ako umuwi galing sa paborito kong bar. At alas siyete pa lang nang umaga ngayon. Ganito ako tuwing weekends lang naman. Tuwing weekdays ay hindi ako masyadong naglalasing dahil sa tungkulin ko bilang may-ari ng Ledesma Paper Manufacturing Corporation. Tumihaya ako ng higa at saka ko idinilat ng dahan-dahan ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang kisame na kulay rainbow. Pero ang alam ko, puti ang kisame namin. Dala marahil ng matinding hilo ko pa rin kaya nagkulay rainbow ang kisame. "Hooh!" sumigaw ako nang malakas saka ako tuluyang bumangon. Mahilo-hilo akong tumayo at naglakad papuntang banyo. Naghilamos ako at saka ako tumitig sa salamin. Napangiti na lang ako dahil kahit anong hilo o lasing ko, kitang-kita ko pa rin ang aking kaguwapuhan. Katamtaman lang ang ang aking mga mata na binagayan ng may kakapalan kong kilay at mahahabang pilikmata. Medyo makapal din ang aking labi at medyo mapula ang mga ito. Wala pa akong naging kahalikan na kusang humiwalay sa labi ko. May bigote at balbas din ako dahil mas nakakaguwapo sa akin ito. Marami na akong naririnig mula sa mga babae na ayaw nila sa lalaking may bigote pero kapag nakita naman ako, exempted daw. Well, hindi naman nila pagsisisihan dahil sigurado akong sa bigote pa lang, solve na sila. Siyempre, nakakakiliti at nakakadagdag iyon ng sensasyon sa balat nila. Nag-e-enjoy pa ako sa pagsipat sa aking kaguwapuhan sa salamin nang marinig ko ang malakas na ring tone ng cellphone ko. Dali-dali akong lumabas sa banyo at mabilis na dinampot ang aking cellphone. Biglang nawala ang hilo ko dahil sa excitement. "Hello?" pagsagot ko. "I'm here na. Waiting for you. I'm not wearing anything na..." ang malambing na boses ng babaeng nasa kabilang linya. Pakiramdam ko ay may biglang tumalon sa ilalim ng aking shorts. Kaagad ko naman iyong pinisil upang kalmahin. "Okay, huwag mo ng isuot ulit iyong damit mo dahil malapit na ako," pagsisinungaling ko sa kaniya. Baka kasi kapag nalaman niyang hindi pa ako ready ay biglang magtampo. "Sure! Pero can I make a request muna?" maarte pa rin ang boses nitong sabi. "Ano? Sabihin mo lang, anything for you, baby!" mabilis ko namang sagot nang walang pag-aalinlangan. Ganoon dapat. Kailangan magaling kang mambola para kumagat ang mga babae. "Can you pagupit your hair first? Kasi I want to see your face clearly, eh," wika niya. Napatigil naman ako sa pagsuot ng pantalon ko. Akala ko pa naman, may ipapabili lang siya. Like jewelries. Gold necklace o kaya mamahaling pagkain. Kahit pa nga kotse. "Please? Your hair is so messy kasi," hirit pa nito sa akin. Walang paalam kong pinindot ang end button. Ayaw ko sa lahat iyong inuutusan ako at higit sa lahat, iyong may ipinapabago sa akin. Ugali man 'yan o itsura. Muli akong bumalik sa paghiga at hindi ko na pinagkaabalahan pang tanggalin ang pantalon ko. Naisuot ko na kasi ang sa kabilang paa habang ang isa ay hindi pa. Bigla uling tumunog ang cellphone ko at alam kong ang babaeng iyon ang tumatawag. Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan ang screen ng cellphone at basta ko na lang pinindot ang cancel nang hindi tumitingin. Pagkatapos ay mabilis kong pinindot ang power button. Tinanggal ko kaagad ang sim card at mabilis iyong pinutol. Saka ko ito inihagis sa basurahan na nasa gilid ng kama. Sobrang dami na ng mga putol na sim card na nasa basurahan. Lahat iyon ay mga ginamit ko sa iba't-ibang babae. Ang kausap ko kanina ay wala pang isang linggo kong nakikilala. Sa isang bar ko siya nakilala pero hindi roon sa bar na madalas kong puntahan. Balak ko lang siyang makatabi sa kama at pagkatapos ay tapos na. Ganoon ang madalas na ginagawa ko sa mga babae na natitipuhan ko. Karamihan ay sa mga bar ko nakikilala kaya naman halos puno ng condom ang drawer dito sa bahay. Mayroon namang iba na matitino ring mga babae na nakukuha ko pero kapag pinagsawaan ko na ay hindi na ako nagpapakita. Kaya maingat ako pagdating sa address ko. Hindi ko ito sinasabi sa kahit na kanino sa mga babaeng nakakasama ko. Tungkol naman sa bar na madalas kong puntahan, hindi ako kumukuha ng babae roon. Para iyon sa peace of mind ko kapag wala ako sa mood sa kahit na kaninong babae. Basta inom lang ang ginagawa ko roon. Ilang sandali pa ay nagpasya akong bumangon muli. Kesa magmukmok ako rito, mas mabuti pang magpunta na lang sa golf club kung saan ay miyembro ako. Pagkalabas ko sa bahay ay inabot ko pa ang isang halaman sa hardin para lang lapirutin. Habang naglalakad na ako sa labas ay pinagtitinginan na naman ako ng mga kapitbahay. Well, ako lang naman si Bogart Ledesma. Isa sa pinakamayaman dito sa buong Cavite. "Hi, Bogart! Ang guwapo mo naman sa araw-araw!" dinig kong sabi ng isa sa mga babaeng naroon sa tindahan ni Aling Bebang. Napangisi na lang ako at napahawak sa aking bigote. Kakaiba talaga ang aking karisma. Bukod kasi sa mayaman na ako, lingunin din ako ng mga babae. Ngunit wala akong balak mag-asawa kaya kahit na trenta'y sais na ako, nananatili akong single. Para sa akin ay mas okay na ang ganito. Ang aking mga magulang ay sa States na naninirahan at isang beses sa isang taon lamang sila magpunta rito. Dati pa nila akong pinapasunod doon ngunit ako lang ang ayaw. Mas okay na ako rito. "Bogart!" Kaagad na nawala ang aliwalas ng aking mukha nang makita ko si Virgilio palapit sa akin. Mukhang alam ko na kung anong kailangan nito. "Bogart, baka naman may cash ka na riyan," kakamot-kamot sa ulong ani Virgilio. "Pasensiya ka na, Virgilio. Wala talaga. Hindi kasi ako naghahawak ng cash talaga. ATM lang ang ginagamit ko pambayad sa mga pinagkakagastusan ko," sagot ko sa kaniya. "Ganoon ba? B-baka puwedeng mamaya pagbalik mo, kahiya-hiya man... B-baka puwedeng mag-withdraw ka? Babayaran ko rin naman," bakas ang pagmamakaawa sa mukha niya. Ang kaso, hindi naman ako naaawa sa mga kagaya niya. Halos araw-araw niya na akong sinasalubong at nagsasabing pautangin ko raw siya. Pero hindi uubra sa akin ang mga paawa niya. Ang pagkakaalam ko lang, may sakit ang kaniyang ina at mukhang wala silang pampagamot o pambili man lang ng gamot. "Sige, susubukan ko, Virgilio. Pero sabi ko nga, hindi ko maipapangako dahil marami akong ginagawa," katulad ng dati, iyon pa rin ang isinagot ko. Pilit na ngumiti sa akin si Virgilio kahit na lungkot na lungkot ang mukha niya. "Sige, alis na ako. Baka nasa labas na ang driver ko at kanina pa naghihintay," paalam ko na sa kaniya. Taas noo akong naglakad palabas doon sa lugar namin. Pagdating ko sa kanto ay bigla akong nayamot. Wala pa rin pala ang sundo ko. Nakaka badtrip! Bakit ba hindi magtrabaho nang ayos ang mga tao? Kagaya ng driver ko, natawagan ko naman kaagad siya kanina pero wala pa siya rito! Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas dahil din sa kanila! Higit sa lahat, kaya sila nananatiling mahirap dahil hindi inaayos ang trabaho! Nang lumingon akong muli sa bandang kanan ko ay doon ko na natanaw ang aking sundo. Kung tatanungin ako kung bakit wala siya sa bahay upang mas maging madali sa akin ang pag-alis, iyon ay dahil sa gusto kong naglalakad palabas sa bahay at pinagtitinginan ng mga kapitbahay. Gustong-gusto kong nakikita ang inggit sa mga mukha nila. Iyong napapa sana all sila. Higit sa lahat, nag-eenjoy ako sa mga babaeng halos tumulo ang laway sa akin. Iyan ang dahilan kaya ang sasakyan ko ay nasa isang lugar kung saan nandoon din ang iba ko pang mga sasakyan. Sports car, custom-built van, at iba pang sasakyan. Well, collection lang naman para sa kagaya kong mahilig sa sasakyan. Pinili ko rin na tumira pa rin dito sa lugar na ito kahit na kaya ko namang bumili ng bahay o magpatayo ng bahay sa ibang lugar. Wala lang, gaya nga ng sabi ko, para makita ng mga kapitbahay namin. Sige, sabihin na nating para may role model sila at nang magsumikap din sila. Lalo na ang mga kaklase ko noon na hanggang ngayon ay nanatili na lamang sa pagiging mahirap. Kagaya ni Virgilio. Well, para sa akin, para sa akin lang naman... Dapat kasi ang mga magulang niya ay kumayod nang mabuti noon para nagkaroon siya ng magandang buhay. Mabuti pa ang mga magulang ko, nagsumikap sa buhay kayo eto ngayon ang katayuan ko sa buhay. Ang Mama ko naman talaga ang mayaman, si Papa ay sakto lang. Ngunit natatandaan ko noong walong taong gulang ako, nanalo si Papa sa lotto at ginamit iyon ni Papa para mapalago at magkaroon ng business na naging successful naman. Sige na, sabihin na nating swerte. Pero at least, hindi nila winaldas lang basta-basta, 'di ba? "At saang lupalop ka naman nanggaling? Late ka na naman!" singhal ko kay Ryan, ang aking driver. "Pasen—" "Puro na lang pasensiya!" putol ko sa kaniya bago ako tuluyang sumakay. Nakakabadtrip ang araw ko ngayon. Una, iyong babaeng pinapakialaman pati buhok ko! Pangalawa, itong si Virgilio na hindi na tumigil o napagod kakasalubong sa akin tuwing umaga para lang umutang ng isang libo! Pangatlo, itong driver kong makupad at tatamad-tamad!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook