Alex's POV Pagkagising ko ay hapon na, kaya imbes na tingnan ko ang reply ni Danilo ay pumunta muna ako sa computer shop para maghintay ng customers hanggang gumabi. Pinapasok ko muna sina Steve at Alfred para kumuha ng beer at pulutan habang nanonood ng basketball dahil ngayon ang finals. Bigla ring lumabas sa kuwarto sina Lexi at Arnaldo. "Alex, where the f**k is our food? We've been eating breakfast and lunch outside 'cause you're locking yourself in your room!" sigaw ni Arnaldo. "Tang-inang 'yan. Parang alalay ka lang nila ah?" bulong ni Alfred. Dahan-dahan kong inikot ang ulo ko sa dalawa at nagtaas ng kilay. "You want dinner? Okay, will give you," sabi ko. Kaagad akong bumulong kay Alfred at Steve. Inutusan kong bumili ng something at naghintay ako na puno ng galit at inis d