Alex's POV
Simula noon, hindi ko na ni-reply-an pa si Zoro A.K.A Danilo. Hindi ko na rin sinabi kay kuya kasi magagalit si kuya na may pangalawa na namang mukha akong ginagamit.
In-enjoy ko muna ang moment ko sa GF ko na si Veronica, ngunit dumating ang araw na pinakaayaw ko.
Isang gabi, habang umuulan ay nasilayan ko ang isang politician na matandang lalaki at kasa-kasama si Veronica papasok sa motel.
Galit na galit ulit ako sa naramdaman ko. Kaya kinagabihan pagkatapos niya dumalaw sa computer shop para dalhan ako ng pagkain ay sinalubong ko siya ng sampal na ikinagulat ng lahat.
"Ano 'to?" sabi ko. Ipinakita ko ang picture na nakuhanan ko, kasama niya ang politician na lalaki sa motel.
"I'm sorry to tell you, pero babe, nagtatrabaho ako as an escort service. Sana tanggapin mo ang pagkatao ko. Tinatanggap ko lang naman na mga customer ay mayayaman. Hindi ako basta-bastang bayarang babae na inaakala mo dahil may mga pangalan ang mga customer ko," pakiusap niya at lumuhod pa sa harapan ko na huwag ko siyang iwan, pero sira na ang tiwala ko sa kaniya.
"Puta pa rin tawag sa 'yo kahit gaano pa kataas ang standards mo! Break na tayo! Ayaw ko na sa relasyong ito! Nandidiri ako sa 'yo!" sabi ko at nilayasan ko siya habang umiiyak.
Medyo ikinabagsak ng business ni kuya Delo ang nangyari dahil wala na si Veronica.
Nalulungkot ako sa kapalaran ko dahil palagi na lang akong naloloko sa pag-ibig. Akala ko si Veronica na ang huli, aampon pa naman kami ng bata at magpapakasal. Ang bait kasi niya, pero ayaw ko sa katulad niya na gamit na gamit pa ng mga lalaking may asawa at mga may anak.
Simula noon, ginamit ko ulit ang picture niya para gantihan siya at bumalik ulit sa anime forum para mang-troll.
Nagulat na lang ako at ang dami ng naka-miss sa akin na mga ibang lahi.
"We missed the way you crack jokes!"
"I need more courage to laugh for your stupid post."
"The troll stupid Asian s**t is back."
"The end is near."
Kung anu-ano na ang natatanggap kong comments.
Masayang-masaya rin si Melo sa pagbabalik loob ko sa website forum kung saan ako nagp-post ng sandamukal na topic thread.
Inuna ko munang i-post ang picture ni Veronica na naka-topless na halos kulang na lang ay lumitaw ang u***g niyang black. Sinabi kong ako ito saka ko hinanap si Danilo. Nanghihinayang ako dahil hindi siya nagp-post sa mga thread topics ko, pero panay ang post siya sa thread topics ng iba. Hindi niya pinapansin ang message ko sa kaniya.
Hindi na ako magkukunwari pero miss na miss ko na rin siyang kausap, kaya humanap na lang ako ng paraan kung paano siya ma-contact, kasi hindi ko talaga alam kung ano ang problema niya.
Naisip ko bigla ang f*******: account kung saan kami nagc-chat.
Ako: Hoy! Langya ka! Bakit di ka na nagp-post sa mga thread topics ko at sa comeback thread ko sa forum! Ni hindi ka nagr-reply sa message ko!
Danilo: Because I want it here.
Ako: Ano ibig mong sabihin?
Danilo: I need a friend. Official friend. I hate it that our conversation only exist on the anime forum's private message. Let's take it more personal. Please add me or else, I won't talk to you anymore.
Wala akong nagawa kaya in-add ko siya. Nakita niya ang ibang picture ni Veronica. Mga friends' picture; baby pictures at lahat kaya napaniwala siya na ako talaga si Veronica. Pakyu siya. Wala na lang akong imik kasi nangyari na e. Alangan namang sabihin ko ulit na gumagamit ako ng pangalawang tao sa pagiging poser ko.
Ini-stalk ko ang f*******: account niya pati ang mga photos niya. Ang cute talaga niya, tisoy kasi. Ang ganda ng mata niya. Ang buhok niya na may bangs ay tila emo cut. Na-trip-an ko talaga ay ang abs niya kasi may beach picture sila ng mga kaibigan niya at napa-wow ako. Hunk pala ang kausap ko. Six packs.
Sa huli, nakita ko na rin ang hitsura ng GF niyang pinay, magkasama sila sa iisang litrato. Mataba ito at hindi ganoon kaganda kaya nag-comment ako.
Alex:
Wow! bagay.
Nag-like naman si Danilo, pero ang napansin ko na biglang nag-comment ang girlfriend niya at ang mga kaibigan nito. Kinukulit nila si Danilo na pumunta silang lahat sa sinehan at libre ni Danilo, pagkatapos ay magpapalibre pa sila ng popcorn kasi may bagong palabas daw ngayon. Naisip ko tuloy na parang pareho lang kami ni Danilo, piniperahan ng mga taong mahal nila.
Pinakita ko na rin kay Danilo ang Call of Duty, LOL at Dota online accounts ko. Nag-send din ako ng picture ng motor ko.
Danilo: Wow! That's amazing. I think I began to like you more. We have a lot of similarities, Alex.
Ako: Yes! Of course, I have one more account in dota. Maybe you want to buy it.
Danilo: Wow! That's great. How much? And what rank level?
Nag-print screen ako at ipinasa sa kaniya kaya gulat na gulat siya.
Ako: Here, take a look.
Danilo: Dayyuummm, baby! I want to buy it. Do you have a credit card or PayPal?
Ako: Western Union only ok. No have that.
Danilo: How about the motor bike? How do you use that?
Ako: Why? You want to buy?
Danilo: Nah, just curious.
Ako: Okay, it's easy. Step on the gas and move and grip and ready to go. Don't forget the balance. I can't explain in English that much sorry.
Danilo: Oh...maybe someday you could ride on me too.
Medyo nainis na naman ako sa green jokes niya kaya sinakyan ko na lang. Hindi lang naman siya ang marunong ng kaberdehan.
Ako: Are you sure? Because I'm so tight maybe you'll lose control hahaha!
Danilo: Oh man! I think I am getting a boner here.
Nagtaka ako kung ano ang boner, kaya nagpanggap na lang ako na alam ko.
Ako: Yeah! I am like a dog and will bite your boner. hahahahaha
Bigla siyang nag-reply ng walang kuwenta.
Danilo: Mmm... go swallow it. It's all yours baby.
Nagtaka ako kaya itinigil ko na lang.
Ako: Can you pls stop it? I'm so confuse.
Danilo: Damn, I feel like you're hot. Can we do SOC?
Hindi ko talaga alam pinagsasabi ng lalaking ito kaya napatanong ako.
Ako: What SOC? SOCO, killer killer murder game?
Danilo: No! Hahaha! You keep on making me laugh. I mean SOC. s*x on chat. Sexting.
Ako: What the hell! You have a girlfriend! Are you crazy! Now I will block you pervert!
Danilo: Oh my god, I am sorry. I am just open minded. Yes, I am sorry I forgot my girlfriend. I hope you're my girlfriend. Pls don't block me. I still need you for the p*****t transaction.
Kumalma na lang ako noong nag-please siya hanggang sa na-send na niya ang pera pambili sa account ng dota ko. Tuwang-tuwa na naman ako kaso itinago ko muna ang pera.
Si kuya Melo naman, panay pa ang asar. Kakadiri nga e, pero naguguluhan din ako kasi parang masaya ako palagi kapag kausap si Zoro A.K.A Danilo dahil bumalik na naman kami sa dati na nagc-chat palagi. Chat at bati siya simula umaga hanggang gabi. Lahat ng gagawin niya sa buhay ay ipapaalam pa o sasabihin niya sa akin sa chat. Napalapit na ang loob ko sa kaniya. Ang masama pa nito, medyo nahuhulog na rin ang loob ko sa kaniya kasi ang kulit niya. Hindi siya mapakali kapag hindi ako nakakapag-online. Nagiging komportable ako kapag siya palagi ang ka-chat ko buong magdamag. Haist!