Sa isang barangay sa pook ng probinsya; sa isang internet café, nakatira ang tatlong magkakapatid.
Magkakaiba sila ng ama sa iisang ina. Una ay si Delo Banua, ang panganay; pure pinoy siya at palabiro; siya ang nagtatrabaho at ang breadwinner ng pamilya dahil ang ina nila ay may Alzhemier na; siya ang may ari ng internet shop, at siya rin ang may ari ng isang kilalang salon; isa siyang bayot o bakla, pero kahit ganoon siya ay mahal na mahal siya ng mga kapatid niya at tanggap kung ano siya. Hindi siya nagsasawang tulungan sila sa pamamagitan ng pagpapaaral sa kanila.
Pangalawa naman ay si Melo Banua; siya ang pangalawa, 23 na at ang ama niya ay isang African American kaya siya ay n***o, ngunit fluent na rin siya mag-Tagalog dahil sa nasanay na ito, sapagkat iniwan na siya sa nanay niya at lumaki sa Pilipinas gaya ng mga kapatid. Hindi rin niya alam kung nasaan ang tatay niyang marine. Straight siyang lalaki, medyo matino, at maraming pangarap sa buhay.
Pangatlo ay ang protagonist na babae ng istoryang ito. Siya si Alexandra Banua na 18 taong gulang; siya ang bunso sa magkakapatid; half Japanese siya kaya maganda siya, pero isa siyang lesbian o kaya ay tibo, t-bird. Madalas nakatali o kaya nakatirintas ang buhok at nakasuot ng sombrero, malaki ang hinaharap kaya palagi na lang niya itong nilalagyan ng strap band na puti upang ito'y maging flat. Kilos lalaki talaga siya, parang isang siga. Silang dalawa ni Melo ang tumitingin sa internet shop. Tuwing nandoon siya, t-shirt na maluwag ang kaniyang suot dahil na rin sa init. Kahit tomboy siya ay hindi niya pinapabayaan ang ulyanin niyang ina, kaya malinis siya sa pangangatawan. Siya ang nagpapaligo rito, nagpapalit ng damit, nagpaparumi sa banyo, at lahat dahil napakasipag niyang babae.
Isang gabi, pagkatapos palitan ni Alex ang mama niya at tuluyang pahigain sa kama ay naisipan niyang mag-abang ng latest episode ng paborito niyang Japanese anime cartoons, dahil sa napakahilig din niya manood ng mga Japanese cartoons; proud dahil nga sa half Japanese siya na trying hard mag-japanese minsan.
"Nandito na pala si pards," sabi ng mga madalas niyang customer na mga binatang sina Alfred at Steve sa internet shop na mga naglalaro ng Dota.
Nakipag-apir siya sa mga ito.
"Mayro'n na bang latest episode ngayon ang Naruto?" tanong niya.
"Mga alas singko pa raw mar-release, Kuya Alex," ani ni Alfred.
"Sige, dito na ako matutulog para maghintay at mag-abang," sagot ni Alex.
Nang umabot ng ala una ay may pumasok na isang kakaiba at misteryosong lalaki. Noong una, walang pakialam si Alex. Dahan-dahan itong pumasok at nagpanggap na mag-i-internet, humingi ito ng papel at binigyan naman ni Alex.
Pagkalipas nang ilang minuto'y biglang tumayo ang lalaki at naglabas ng baril.
"Hold up 'to." Nataranta na ang lahat, lalo na si Alex. "Akin na ang mga pera niyo," sabi ng lalaki. Kaagad namang takbo si Alex sa counter habang sigaw pa rin ng sigaw ang lalaki at kinukuha ang mga cellphone ng customer sa shop.
Hindi pala alam ng lalaki na biglang binunot ni Alex ang baril na nasa tabi ng counter; ikinugulat ng lalaki iyon lalo na nang biglaan itong binaril ni Alex sa binti nang tatlong beses, kaya nadapa na ang holdaper at hindi na nakatakbo.
Ganiyan si Alex. Gamer kasi ng call of duty, kaya dare devil talaga; kaya hilig niya mamaril kahit hindi naman kaniya ang baril kung hindi kay Melo. Wala talaga siyang takot at para talaga siyang lalaki kahit ipinanganak na babae. Kaya idol na idol din siya ng mga madalas na customer nila, hanggang sa kinaumagahan.
"Alex naman, bakit mo naman binunot ang baril ko? Mabuti hindi nalaman ng police dahil nakapangalan sa akin ang lisensya," sisi ni Melo.
"Kuya naman! Kawawa naman 'yong iba nating customer e. Alangan namang magpaapi ako sa hayop na 'yon. Ang sarap kaya mag-shooting. Feeling Jill ng resident evil," mayabang na sabi ni Alex.
Biglang dumating si Delo at binatukan bigla si Alex. "Naku, bata ka! Pano na lang kung napahamak ka? Ano ba naman 'yan! Kung ganito lang din, magh-hire na ako ng security guard," pagwawala ni Delo na nagbigay ng mga ulam. "Tara, kain tayo! Sarap ng ulam oh!" imbita niya.
Bago sila lahat umupo sa mesa ay hinalikan nila isa't isa sa ulo ang kanilang inang ulyanin; si Alex ang nagpapasubo rito.
"So, Kuya Melo kumusta na pala ang date mo? Ano'ng nangyari?" pangungulit ni Alex.
"Ahm...na-busted na naman ako, bunso dahil daw sa kulay ko e," malungkot na sagot ni Melo.
"Naku! Kasi naman kayo, pag-aaral muna ang atupagin bago ang pag-ibig. Lalo ka na, Melo. Tingnan mo nga, late na kita pinag-aral kaya humabol ka. Alam kong kaya mo 'yan dahil matalino ka," sermon ni Delo.
"Hindi ko alam kung bakit ang malas-malas ko sa inyo. Gusto ko talaga makapunta ng States balang araw para hindi ako kakaiba. Gusto ko rin hanapin ang papa ko," sabi ni Melo.
Hindi na lang umimik si Delo at Alex habang kumakain.
Pagkalipas nang isang araw ay masayang-masaya si Alex na pumasok sa shop na ikinagulat ng mga customer at ni Melo.
"Kuya, may motor na ako! Brand new pa, tingnan niyo dali!" sigaw niya sa tuwa.
Biglang lumabas ang mga matatalik niyang kaibigan gaya ni Alfred at Steve, na-curious din si Melo bago tiningnan ang labas. Isang motor na kulay blue na kumikintab pa ang nakita niya.
"Sa'n mo naman 'yan nakuha, Alex? Sa'n ka kumuha ng panggastos?" tanong ni Melo na gulat pa rin.
"Sabihin mo muna kung maganda siya, Kuya. Bagay ba sa akin?" tuwang-tuwa na tanong ni Alex.
"Baka naman Ibininta mo na ang laman mo ha," biro ni Melo hanggang na-high blood na si Alex at muntikan nang suntokin ang kapatid sa mukha, ngunit dumating si Delo.
"Ano na namang kaguluhan 'to, Alex?" tanong nito.
"Bastos kasi 'tong si kuya! Ang pangit magbiro. Ito pala ang bago kong biniling motor. Nakuha ko sa paglalaro ng dota. Ibinenta ko ang account ko sa mayaman na gamer kaya nagpadala siya sa Western Union. 'Di ba astig?" mayabang na wika ni Alex.
Biglang sumingit ulit sina Steve at Alfred, "Wow! Idol ka talaga namin. Posible pala 'yo. Mas lalo pa kaming magd-dota sa internet shop niyo," masiglang suggestion ng mga ito at kinindatan naman ni Alex si Melo at Delo bago pumasok.
Nang gumabi ay kinausap ni Delo si Melo. "Malakas dumiskarte sa buhay ang kapatid mo, dapat gumaya ka sa kaniya, mautak. Hindi ba sabi mo gusto mo pumunta sa States?" Biglang napaisip si Melo.