Danilo's POV Hanggang sa gumabi na at dumating muli si Alex na ganoon pa rin ang suot; naka-shades kahit gabi na. Gustong-gusto ko talaga na magsalita dahil, nam-miss ko ang boses niya, sobra pero para siyang pipi na galaw lang nang galaw ngunit hindi nagsasalita. Pinaghanda kami ng makakakain na pinakbet at adobo at nakisabay na rin si Melo at Veronica. "Alex, ikaw? Hindi ka ba makikisabay sa amin?" tanong ni Melo. "Hindi muna, Kuya papakainin ko si inay bago ako kumain para mahugasan din ang plato na pinagkainan," sabi niya. Ang sarap talaga sa tainga; ang sarap pakinggan ng boses. Paos na may pagkalalim, naaalala ko 'yong SOP namin, kung paano siya umungol na tila naaakit ako sa boses niya at paano niya ako sabihan ang i love na kinahihinayang ko. Kaagad ulit pumasok si Alex sa kuw