NAPAKUNOT ang noo ko nang may maramdaman akong kamay sa aking tiyan. Sobrang bigat nuʼn kaya nagising na ako. Nanlalabo pa ang aking mga paningin nang idilat ko ang aking mga mata at halos magulat ako nang makita ang isang malaking kamay sa aking tiyan, hindi lamang iyon ang kinagulat ko dahil kita ko ang aking magkabilang dibdib na nakabalandara. Nangingintab ang magkabilang n****e ko! Nanlalaki ang aking mga mata at napatingin ako sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nakita ko ang may sala. “B-bakit siya?” nauutal kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa lalaking natutulog sa tabi ko. Binuhat ko ang kanyang kamay na nakapatong sa aking tiyan at nilayo iyon. Umalis ako sa kama at napaupo rito sa lapag, kinuha ko rin ang kumot at tinabing iyon sa hubad kong katawan. Wala akong