NASA kasagsagan ako nang pagcheck sa mga emails ko nang mag-ring ang telephone sa table ko. Dinampot ko iyon at nilagay sa aking tenga, inipit ko ang telephone sa pagitan ng aking kanang tenga and kanang balikat. Ang magkabilang kamay ko kasi ay nasa keyboard and mouse, sobrang busy ko talaga ngayon. “Hello, this Miss Aurelia Samonte, Secretary of Mr. Desmond Laurier of Holy Laurier Media Entertainment. May I help you?” saad ko sa kabilang linya. Hinintay kong may sumagot sa kabilang linya pero ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa ring nagsasalita. “Hello? Are you still there? What do you need from the company?” tanong ko ulit sa kanya. Nangunot ang noo ko nang marinig kong may tumawa sa kabilang linya. “Hello? Hindi po ako nakikipagbiruan! Ano pong kailangan niyo? Ang dami kon