CHAPTER 44: PART 2

1745 Words

UMUWI kami ni Papa sa bahay at kʼwinento ko kay Mama ang about sa condo unit na pinili ko. Pinakita ko rin ang iilang pictures na kinuhanan ko kanina. Katulad din ni Papa kanina ay pumayag din siya nang makita niya iyon kahit sa picture lamang. “Kailan ka lilipat, Aurelia? Dapat ayusin mo na ang iilang gamit na dadalhin mo doon!” sabi ni Mama sa akin. Aba, gusto na yata niya ako palayasin dito sa bahay namin. “Um, baka po sa Sabado na lang, Mama! Tulungan niyo po ko para makita niyo rin iyong condo unit ko po,” sabi ko sa kanya. Nasa dining na kami at kumakain ng dinner. Nakita ko ang pagtango niya sa akin. “Aba, oo, tutulungan kitang maglinis at mag-ayos doon sa unit mo, Aurelia! Baka ibalibag mo lang iyong mga gamit mo roon!” sabi niya sa akin, kaya napangiwi ako sa kanyang sinabi. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD