LINGGO, unang araw ng pagiging boyfriend and girlfriend naming dalawa. Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami naʼng dalawa! Bumangon ako na malaking ngiti ang nakapaskil sa aking labi. Nag-unat-unat ako at nakita kong may text message sa akin si Gurang, pinalitan ko ng DG ang name niya rito para walang makahalata sa name niya. “Good morning, my beautiful and sexy baby! Have a great day, okay? See you tomorrow sa office! Can't wait to see you!” basa ko roon sa text message niya sa akin, na siyang kinangiti ko lalo. Sobrang ganda ng umaga ko! “Good morning too, daddy Gurang ko po! Canʼt wait to see you rin po! Eat your breakfast na po, okay?” reply ko sa kanya at binaba na muli ang phone ko and chinarge. Nakalimutan kong i-charge kagabi dahil tumawag si Gurang kagabi. P