WEDNESDAY, araw ng promotion video ni Micah sa Beach Resort ng mga Smith. Alas-kʼwatro pa lang ng madaling araw ay aalis na kami dahil almost 4 to 5 hours ang byahe papunta roon. Depende pa sa traffic, baka makarating kami sa mismong resort ng mga 11AM or 12NN na. Ang mga kasama namin ngayon sina Gurang, Sir Salvatore, Miss Mariam, Miss Lanie, Micah, ako and tatlong lalaki na siyang kukuha ng promotion video kay Micah. Lahat sila ay may kotse kaya ang ending kay Gurang ako sasabay. Siya nga ang nagsundo sa akin kanina sa bahay. Ang aga niyang mambulabog. Napatingin ako sa driver seat nang bumukas iyon. Nakita ko si daddy Gurang na pumasok. “Kumpleto na tayo?” saad ko sa kanya. Hindi na ako lumabas dahil inaantok pa ako. “Yes, baby, kumpleto na tayo,” saad niya sa akin at hinaplos ang