CHAPTER 1
DHIANNA's POV:
“Dhee sa galing mo sa lahat ng bagay pero ang bagal mong kumilos kapag magpaparty tayo.”
Pagtataray ng kaibigan ko sa akin. Magpapasama na nga lang ito minamadali pa ako.
“Well!? You may move ahead, and I will stay here if you're in a hurry.” Sarkastiko kong saad sa kanya. Ang bruhang ito minamadali pa ako sarap pektusan.
“We need you there in case someone takes advantage of us.” Iritadong sagot ni Lara, na matalik kong kaibigan simula pa noong kolehiyo kami. Sa bar kami magkikita ng ibang mga kaibigan namin noong kolehiyo kami hanggang ngayon. Pagkatapos ng tatlong taon napag pasyahan naming mag-get together at mag party. Madalas ay sa bahay lang ng mga kaibigan ko kami mag ba-bonding.
Kung ganda lang naman ang usapan hindi naman ako magpapahuli, kong alindog lang din ang pag uusapan pwede akong gawin trophy girlfriend. I wore a black leather top, leather trousers and jacket, and black heels. Inilugay ko ang lampas balikat kong buhok at kinulot ko ang dulo. It was a perfect curl.
Lumaki ako na pinahahalagahan ang importanteng bagay at tao sa buhay ko. My sister Daniyah, she worked as a nurse in Dubai UAE. My job and my friends are my priorities.
Ang ate ko ang tumayong ama at ina sa akin simula nang pumanaw ang mga ito. Kasama ang malapit na kamag anak namin sina Tiyo Kanor at Tiya Melba ko. Hindi ko naman binigo ang Ate Daniyah. I gave my utmost effort and achieved the highest honors and grades. My sister was very proud of me for what I accomplished. I reached my goals alone through dedication and diligent work. Nagtatrabaho ako bilang paramedic sa isang hospital sa Taguig. I find it more challenging to work as a paramedic than as an ordinary ward nurse. Walang thrill at boring job. I had an active lifestyle, from sports and outdoors activities.
“Ano na tulala ka na naman, let’s go.” Untag ni Lara sa akin. I rolled my eyes and followed her.
“Ito na nga.” Sagot ko naman sa kanya. Gusto ko siyang sabunutan na lang. Pinilig ko ang aking ulo dahil ang layo na pala ng pag balik tanaw ko sa aking buhay. I drove the car and our travel was quiet at pinag pasalamat ko ‘yon. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nakarating kami sa bar kong saan kami magkikitang magkakaibigan. I looked around to check for a vacant parking space, but I was unable to find one.
“Mauna kana besh walang available parking sunod na ako once may bakanteng pagparadahan na.” Sabi ko sa kanya para hindi siya maghintay.
“Are you sure? Baka hindi ka papasok Dhee” May pagdududa sa boses nito at wala ata itong tiwala sa akin. Tinirikan ko siya ng aking mga mata, kasabay ng pagtaas ko ng aking kilay.
“Do you see any available parking?” Pagtataray ko sa kanya, alam naman niyang hindi ako nagbibiro at hindi ko naman sila kayang iwan doon. Besides I am already here.
“Okay! Okay!" Taas kamay na sagot nito. Hindi naman ako ‘yong tipong nang-iiwan ng kaibigan sa ere. Kulang-kulang bente minutos din akong nag hintay sa bwisit na bakanteng parking ‘yan. And thank goodness, may umalis na rin.
Matapos kong ipinarada ang sasakyan ni Lara. Bumababa na ako at tinungo ko ang entrance ng exclusive bar dito sa Quezon City. Pagpasok ko pa lang lahat ng mga mata ng mga kalalakihan ay sa akin naka tutok hindi sa pagmamayabang. But my beauty is a head turner and an eye catcher. I am well aware of the attention I am getting and see admiration in their eyes. I can’t blame them though. Too much confidence can bring trouble Dhianna, my mind reminded me.
I headed toward the bar counter and ordered a glass of margarita. Madalas na ganito ang eksena ko but still nakakainis minsan. If they like me huwag naman sana obvious.
"Hi, I am Miguel at your service, madam. What can I get you?" Tanong ng bartender sa akin, and I quickly glance at him. Amusement is all over his face.
“Margarita.” Wala sa loob kong sagot at hindi na tumingin pa kahit ilang segundo. Ayaw kong mag bigay nang atensyon lalo pa ay hindi naman ako interesado.
To Gorgeous Lara:
[Beshie saan kayo banda? Hindi ko kayo makita.]
Pinindot ko na ang sent button. Binalik ko rin agad ang aking telepono sa likod ng aking bulsa, at dinampot ko na ang aking order. Palinga-linga pa ako para makita ang mga kaibigan ko but still I can't see them. I stayed there for a bit. I was bored waiting for Lara to text me back and still nothing. Siguro hindi nito hawak ang telepono nito kaya walang reply. I was annoyed. A guy out of nowhere approached me.
"How are you, Ms.?" He smiled from ear to ear as he asked, "Pretty." I looked at him, and it was not bad at all, me itsura ito. But not my type. I think he has expensive perfume, too, which mixes with his alcohol. He placed his palm on my thigh. I was shocked; my eyes widened, and suddenly, my rage rose. Isa sa pinaka ayaw ko ‘yong babastusin ako nang kausap ko not knowing who I was and what I am capable of.
“If you love your handsome face, you better back off and get your filthy hands off me." Kung ayaw mong baliin ko ‘yan at mamimilipit ka sa sakit or kong ayaw kong manghiram ng mukha sa aso, your choice." I hissed and give him a deadly look.
“Whoa!!! So, you think I am handsome taray mo, naman miss.” Ngisi nito sa akin na lalong nag painit ng ulo ko. Lahat ng lalaki at customers nag sitinginan sa amin and I smelled trouble immediately. Pati ang dalawang bartenders sabay napalingon at naki-usyoso amin. I saw someone giving a sign thingy ngunit binalewala ko ito. Most of them were waiting for what would happen next. This is gonna be fun.
CLHYDE's POV:
We were enjoying our night when my eyes darted to a sexy woman walking towards the bar counter. I saw her curves and how she walked gracefully. I felt strange right away. One guy approached her, biglang uminit ang ulo ko ng wala sa oras.
Walang may lumapit sa kanila pati ang bouncer sa bar. Nag bigay ng sign na hold si Rafael ito ang may ari ng bar kong saan kami madalas mag kikitang magkakaibigan. Dylan pulled me to sit down, stay put and watch the show. Sinamaan ko siya lang tingin. Gusto ko sanang bigwasan ng very light. Hindi ako mapakali. Why do I care that much anyway? Takang tanong ko sa aking sarili.
“Chill, bro. She can handle herself. Just wait and see.” Mayabang na sagot ni Dylan, sabay kindat at nakangisi pa ito na may kasamang pang aasar. Lalo tuloy uminit ang ulo ko. I look at Dylan, halos mag pantay na ang kilay ko. Nag kibit balikat lang ito. Agad kong binalik ang mga mata ko kong saan ko nakita ang magandang babae sa bar counter kanina. I can't look away from her. At lalo akong nainis when she removed her jacket exposing her flawless fair shoulders. Uminit agad ang pakiramdam ko, hindi ako sigurado kong dala ng alak o dahil sa ganda ng babaeng nakikita ko ngayon. What’s her name?” I asked myself. She is gorgeous no doubt about that… I kept staring at her. Gusto kong ilayo siya sa bar na’to. Hindi ito nababagay sa kanya. I heaved out because of my reaction. I am doomed. This is bad, really bad.
DHEE POV
Inaasar ako ng lalaki, may paglalagyan ka mamaya kapag hindi ka tumigil. Bulong ko sa aking utak. Hahawakan sana nito ang makinis kong balikat, mabilis ang mga kilos ko umiwas ako at hinawakan ang kamay nito pinaikot sa likod at binigyan ng isang high kick at tumama sa likod ng ulo nito ang sipa ko. Bumagsak ito at nilinis nang mukha niya ang sahig. Ngunit agad din itong nakabawi at agad tumayo dahil sa napahiya ito sa ginawa ko. Nagulat ang lahat sa ginawa ko at nakita kong napatakip ng bibig ang mga babaeng customers. Lahat ng customers nakiusyoso na sa amin akala nila may shooting. Iba-iba ang reaksyon ang nababakas ko sa mga mata ng nanonood. Amusement and curiosity.
“Is that all you got mister?” Galit na galit kong bulyaw sa bastos na lalaki. Hindi ako ang tipong kayang bastusin ng kahit na sino. No one dares to do that to me.
“f**k!” Mura ng lalaking ito. Akmang undayan ako ng suntok ngunit mabilis akong umilag, hinawakan ko ang kamay niya pumatong ako sa tuhod nya at pumulupot sa leeg nito at itinumba ang bastos na kaaway ko. Sinakal ng hita ko ang leeg nito at pinilipit ko ang braso niya, napahiyaw at namilipit ito sa sakit. Hindi ko bitawan ang kanyang braso na naka lock sa gitna ng hita ko. Halos sa pelikula mo lang ito makikita o di naman kaya sa mix martial art sa tv napapanood, at lahat napahiyaw sa ginawa ko. A tapped on my shoulder caught my attention. It was the two bartenders. I let go of his hand and stood up. I flip my hair at umupo ulit ako sa high chair na parang walang nangyari. Pero kita ako ang ibang customers na nakatutok ang camera phone nila sa akin. I don't care at all. It was self-defense anyway.
“f**k! You hurt me. You're a b***h, aren't you? You dislocated my shoulder blade. "Who the hell are you woman?” Buti nga yan lang inabot niya sa akin. Namimilipit pa rin ito sakit at nakahiga ito s a sahig sa pangalawang pagkakataon. Inalalayan ito nang dalawang bartenders.
“I'll sue you for physical abuse, you witch!!” Sigaw ng lalaki sa akin, ngumisi lang ako at tinaasan siya ng kilay.
"Yes, go ahead, mister, don't worry. It would be an honor for me to put you in jail myself for s****l harassment.
Ganting sagot ko dito. Hindi ako natatakot sa pa sue, sue niyang banta, aba siya ang nauna tapos ako kakasuhan, niya beside daming witness and for sure this place has CCTV.
"Dhee!!!!!” Tiling ni Lara na umalingaw sa loob nang bar kaya dinig na dinig mo kasi walang music. Sakit sa tenga besh.
“Bleh buti nga sayo. Next time kilalanin mo muna ang babastusin mo baka hindi lang yang ang maranasan mo.” Mataray na sabi ni Lara. Puno ng kantiyawan at hiyawan ang loob nang bar.
“Kaya pala ang tagal mo Dhee kasi gumawa ka naman ng shooting dito.” Sabay hagikhik ng kaibigan ko. Inikot ko na lang ang aking mga mata. Sarap din pektusan kung pwede lang.
“Eh paano nagtext ako sayo hindi ka naman nagrereply kaya sa bar ako dumiretso.” Sarkastikong sagot ko. Para alam niyang nasira ang gabi ko.
“Sorry Dhee hindi ko napansin ang text mo.” Inosenteng sagot nito at hinila na ako patayo sa bar counter at tumungo kami sa table kong saan sila naka pwesto. Ang lapad ng ngiti nito na lalong nagpaasar sa akin. Ginigil ako ng babaeng ito.
“Ladies and Gentlemen, the show is over. Let the party begin! Ms. Lady in Black, you’re awesome. All your orders are in the house.” Tilian ang mga kaibigan ko. Ayon sa DJ ng bar. Hiyawan ang lahat. Pumailanlang na ang disco music, na parang walang nangyari. Hindi ko na rin alam kong saan na ‘yong lalaking sinampulan ko tonight. Dinig ko pa ang masigabong palakpakan sa akin. Nagg kibit balikat lang ako...