s**t! Ansakit! Napapaluha na ako dahil sa sakit ng inilagay sa akin ng lalaking iyon. Natatakot akong hawakan dahil baka mapunit ang balat ko roon. Walanghiya siya! Pagkatapos niyang iparamdam sa akin ang masarap na pakiramdam kanina, ito pala ‘yung tinutukoy niyang hirap. Sabagay ito naman kasi ‘yung pinili ko. Pero, demonyo talaga siya. Hindi ko inaasahang ganito kasakit ang gagawin niya. At talagang doon pa niya inilagay! Argh! Namimilipit tuloy ako ngayon sa sakit. Naninigas din sa sakit itong kaliwang balikat ko na tinusukan ng karayom kanina. Kumbakit pa kasi ako nabuyong sumali sa gang na iyon. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Napatingin ako kay Nika na kinikipkip ang dalawang hita niya. Hindi man niya ikuwento at hindi ko man nakita, alam kong may ginawa ding kawalanghiyaan sa kan