With all the remaining strength my body has, sinabi ko sa kanya ang nilalaman ng puso ko. "I love you." Natigilan siya sa ginagawa niyang paghalik sa akin. Gumaan din ang katawan niyang nakadagan sa katawan ko. "Again," utos niya. His voice was turning heavier. Cold. Nag-umpisa akong kabahan. Hindi ba niya nagustuhan ang sinabi ko? "M-mahal kita. Mahal na kita." Now I feel frustrated. Kumbakit ba kasi kailangan pa niyang takpan ang mga mata ko? Gusto ko siyang makita. Gustung-gusto ko nang makita ang itsura ng lalaking nagpapatibok ng puso ko. "You love me?" Bumalik ang atensyon ko sa kanya dahil sa nagyeyelo niyang tinig. Bakit ganito? Nagkamali ba ako sa pagsasabi ng nararamdaman ko? "Oo." Tumawa siya nang pagak. Nagsimulang manlamig ang katawan kong kanina lang ay parang tinutupok