"Grabe, Aniq! Hindi ko akalaing gano’n magparusa ang 7 Demons! Akala ko hanggang pananakit at panto-trauma lang ang ginagawa nila! Grabe! Kawawa ‘yung mga babaeng naparusahan!" Pailing-iling pa si Nika habang naglalakad kami patungo sa elevator. Alas siete na ng gabi at kagagaling lang namin sa cafeteria ng 7 Demons building. Kung ako ang papipiliin, ayoko na sanang pumasok at matulog pa ulit sa silid ko dahil baka may multo o aswang na namang pumasok mamaya kagaya kagabi. "Ah, Nika, pwede bang makitulog sa room mo? Naninibago kasi akong matulog mag-isa kasi nasanay akong may katabi," pakiusap ko sa kanya. Tinignan niya ako nang may babala. "Aniq! Hindi mo ba alam na bawal matulog sa hindi mo silid? Isa ‘yun sa ibinigay na rules noong ibinigay ang mga room number natin." Nadidismayang na