"Wahahahaha! Wahahaha! Sa totoo lang? Multo?! Wahahaha!" Halos mahulog na si Nika sa paggugulong dahil sa sobrang pagtawa. Nakakainis naman. Para sinabi ko lang ang paniniwala kong may multo sa kuwarto ko sukat ba namang pagtawanan pa ako. "Totoo ang sinasabi ko! Sa katanuyan nga -----." "Ano? Kinalabit ka kagabi? Tinawag ang pangalan mo? Sinitsitan ka? Multo-multo! Aniq, akala ko ba matalino ka? Ano ka ba naman?! Nasa kabihasnan ka na. ‘Wag mo namang dalhin ‘yang pamprobinsyang paniniwala mo sa multo-multo na ‘yan. Siguraduhin mong wala kang pagkukuwentuhan niyang kawirduhan mo kundi tiyak na pagtatawanan ka lang. Ayokong magkaroon ng kaibigang luka-luka." Pagputol ni Nika sa ano pa mang sasabihin ko. I'm deeply offended. Kaya kahit gusto kong ipakita sa kanya ang mga chikinining pinagh