Chapter 1

1139 Words
"Lucas, bakit ngayon kalang dumating?" Tanong ni Leah sa binata na kararating lang. "Sampong minuto palang akong late Leah." Angal naman ng binata sa dalaga. "Dapat sumabay kana kasi sa akin kanina, nagiinarte kapa kasi." "Sus gusto mo lang tyansingan ako kaya gusto mo na palagi ako aangkas sa motor mo." Sagot naman ng binata sa dalaga. "Eh ano naman, ayaw mo pa nun? ikakasal din naman tayo eh dami mong arte." Natahimik ang binata saka dumiritso nalang sa staff room. Pariho silang dalawa nagta trabaho sa convenience store, kailangan nila mag trabaho kahit nagaaral para makapag tapos sila ng kolehiyo. Si Leah ay mahirap lang ang pamilya kaya kailangan niyang kumayod para sa mga pangarap niya, gusto niyang iangat sa kahirapan ang magulang niya, nagiisa lang siyang anak. Samantalang si Lucas ay ulila na sa ama ilang taon palang ang nakakaraan, kaya kailangan niyang mag double kayod para sa pangangailangan nilang mag ina. Pagka tapos mag bihis ay agad pumuwesto ang binata sa cashier area, at nag umpisa na siyang mag open ng kaha dahil humahaba na ang pila sa kabilang counter at naka busangot na ang mukha ni Leah dahil late na naman ang binata. Magkasama sila sa trabaho at palaging pariho ang schedule nila ng pasok na pang hapon, nagaaral sila sa umaga at nagta trabaho sa hapon. Sabi ng supervisor nila ay bagay daw sila magkasama dahil maganda ang benta palagi. "Lucas! Gusto mo ba magpa sabay? Bibili ako ng pagkain nagugutom na ako eh." Tanong sa kanya ng dalaga. "May baon ako, saka wala ako pambili." Sagot sa kanya ng binata. "Gusto mo bang ilibre kita?" "Dami mong pera yata, sige ikaw bahala." Sambit ng binata sa dalaga. "Ok sige utang mo nalang ha, alam muna kung ano ang ibabayad mo." Malapad ang ngiti na tumalikod ang dalaga at nagpaalam sa gwardya na bibili muna ng pagkain. Huminga nalang ng malalim ang binata saka inasikaso ang costumer na kanina pa pala naghihintay sa harap ng counter, agad naman binilisan ng binata ang galaw nito dahil may iba pang naka pila sa likod ng babaeng costumer. "I receive one thousand ma'am." Sambit niya sa babae at ngumiti naman ito sa kanya. Mabilis na lumipas ang oras. "Lucas sumabay kana sakin, wag kana mag inarte at may utang ka sakin." Gamit ang dalawang daliri at tinuro ni Leah ang mata ng binata at ibinalik din ito sa sarili niyng mata, saka ngumisi na parang kontrabida sa pilikula. Si Leah ay masayahing babae at lantad ang pagka gusto sa binata, hindi ito nahihiya na sabihin sa binata na gusto niya ito at balang araw ay magpapakasal naman daw sila. Samantala ang binata ay iwas na iwas na mahulog sa dalaga, special din sa kanya ang dalaga pero gusto niya na matupad muna niya ang mga pangarap niya bago siya umibig at mag asawa. "Baka kung saan muna naman ako dalhin, maaga ako uuwi may sakit ang nanay kaylangan ko siyang asikasuhin." Reklamo niya sa dalaga. "Sige, basta sasabay ka sakin at ikaw ang mag drive." Kinilabutan nalang ang binata dahil alam na niya kapag siya ang magmaniho ng motor, dahil kapit na kapit ang dalaga mula sa kanyang likod na parang tuko. Maya maya lang ay nagsidatingan na ang dalawang papalit sa kanila sa duty. Hindi mapigilan na mairita ng binata dahil sa mahigpit ang kapit ng dalaga sa kanya, halos lahat ng mga tao sa lugar nila ay tinutukso silang dalawa dahil narin sa lantad na pagka gusto ng dalaga sa binata. Kaya bago paman pumasok sa lugar nila ay bumababa na ng motor ang binata dahil nahihiya ito tuwing tinutukso silang dalawa at tinatawag na lovebirds. "Nay? Nakauwi na po ako." Tawag ng binata sa nanay nito. Agad naman tumugon ang nanay sa tawag ng binata. "Andito ako sa kwarto anak" "Kumain at uminom kana po ba ng gamot?" Tanong ulit ng binata sa ina nito. "Oo anak." Pagkapasok ng binata sa kwarto ay agad nilapitan ang ina at kinapa ang nuo nito. "Ok kana po ba nay, kasama ko po si Leah dinalhan ka ng makakain, andun po siya sa sala." Agad naman natuwa ang ina nito at sabay tumayo at ang tungo sa sala. "Nay, binilhan po kita ng pagkain, ano po ba nangyari sayo nay?" Nagaalalang tanong ng dalaga sa nanay ng kababata. "Maayos na ako anak, wag moko alalahanin iha baka napadami lang ang nilabhan ko kahapon kila kapitana mas malakas pa ako sa kalabaw." Habang napapakamot nalang sa ulo ang binata sa tinuran ng ina nito. Paglalabada ang trabaho ng ina, hindi ito mapigilan ng binata kaya hinahayaan nalang ito. "Akin nayan anak at mamaya kona yan kakainin, busog pa kasi ako dahil kaka kain kolang bago kayo dumating." Iniabot naman ng dalaga ang pagkain. "Nay aalis na ho ako, baka hinahanap narin po ako ng nanay ho." Paalam naman ng dalaga sa matanda. "Ay sige ining ikumusta mo na lamang ako kay mareng Lorna." Sagot ng matanda sa dalaga. "Lucas, wag mo kalimutan bukas ha pag labas natin sa school? Wag kana mag dahilan at alam kong wala ka naman gagawin bukas, day off natin kaya pwedi mo nang bayaran utang mo." Ngumisi na naman ang dalaga sabay umalis na ito. "Ang landi talaga ng babaeng yun." Reklamo naman ng binata nang nawala na sa paningin niya ng dalaga. "Atleast sayo lang ako lumalandi!" Sigaw ng dalaga sa labas ng bahay, nagulat pa ang binata dahil hindi niya akalain na hindi pa pala nakaka alis ang dalaga. Narinig pa niyang humahalakhak ang dalaga sa labas ng bahay nito. "Ligawan muna kasi si Leah anak, mabait naman ang batang yun eh." Sambit ng ina nito na mas kinikilig pa kisa sa kanya. "Nay, alam mo naman na ayuko pa sa mga love love nayan." Sagot naman ng binata sa ina. "Saka nay alam mo rin na ayuko sa babae na pinapangunahan ako, ang gusto ko yung ako ang manliligaw, gusto ko rin yung mahinhin na babae. Napaka landi kaya ni Leah." Mahabang pàliwanag ng binata sa ina nito. "Anak pinapakita lang ng batang yun na gusto ka niya kaya hayaan muna." Sagot naman ng ina sa anak. "Bahala kana nga nay, magpahinga ka kaya muna nay para mahimasmasan ka, parang ginayuma ka na yata ng babae nayun eh." Pang aasar naman ng binata sa ina at agad na humawak sa likod ng balikat ng ina at dahan dahan itinulak ang ina para maglakad papunta sa kwarto. Hindi na nag reklamo ang ina nito at nagpatianod nalang, pinahiga ng binata ang ina sa kama. "Ayan magpahinga ka muna at matulog, gigisingin nalang kita mamaya para kumain at para uminom ng gamot, wag kana magpasaway nay para gumaling kana lalo." Agad naman na lumabas ng kwarto ang binata at humiga ito sa upuang gawa sa ratan, hanggang sa dinalaw ito ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD