Game 13

1104 Words
Nakatingin lamang ako sa kanila na abala sa pakikipaglaban sa isang malaking elf. Sa sobrang laki nito ay parang hindi ko yatang kaya makipaglaban sa kaniya. Sobrang talas ng kaniyang mga pangil at may dala-dala pa itong sandata na sobrang tulis. Kailan pa naging possible ang ganitong boss sa isang laro? Bakit ang overpowered naman yata ng mga bosses dito sa Hunter Dynasty. Hindi naman ito ganito noon ah? Simple lamang sila noon at sobrang friendly sa mga bata. Bakit parang bigla yatang naging hard corer ang mga ito. Napapailing na lumapit ako sa kanila habang nakatingin pa rin sa kanilang pag-atake. Sa bawat skill na binibitawan nila ay parang mas lalong lumalakas pa ang kalaban. Hindi ko alam pero parang inaabsorb yata nito ang kapangyarihan nila. Mas lalong lumalakas pa nga ang kakayahan nito. I think immune ito sa mga atake mula sa apoy and bilang grupo na puro apoy ang kapangyarihan. Nasa disadvantage ang mga ito. Isang nakakakilabot na sigaw ang maririnig sa buong silid na naging dahilan ng pag-atras nila. Hindi yata nila inaasahan na magiging ganito kalakas ang kanilang kalaban. Panigurado, sobrang hina pa nito bago sila pumasok. Hindi ko sila masisisi, hindi kasi nila inaaral ang kilos ng kalaban bago sila umatake eh. Ang nasa isipan lamang ng mga ito ay ang matapos ang misyon at matanggap ang dapat nilang matanggap. Isa iyan sa malaking pagkakamali sa oras na maglalaro ka. Dapat unang-una sa lahat ay alamin mo muna kung anong klaseng laro ang iyong pinili. Pangalawa, hangga’t hindi alam kung ano ang kakayahan ng iyong kalaban, manatiling kalmado at obserbahan muna ang skills at kinikilos nito. Pangatlo, aralin ang kahinaan niya bago umatake. Huwag din basta-basta na lang susugod. Isipin din kung oras na ba para umatake o hindi pa. Timing is Everything. Umupo ako sa isang malaking bato na nandito sa gilid habang nakatingin pa rin sa kanila. Abala pa rin ang mga ito sa pag-aatake pero heto ako at tahimik na minamasdan ang kanilang kinikilos. Sa ginagawa ko ay malalaman ko na ang dapat kong gawin o hindi dapat bago umatake. Salamat sa kanila. “Fire!” Sigaw ng kanilang leader. Ngayon ko lang na pansin na babae pala ang kanilang pinuno. Naka-bukas ang kanilang mic kung kaya ay rinig na rinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung bakit may ganito akong kakayahan ngunit, sa tingin ko ay dahil ito sa isang misyon ko noon. “We can’t defeat it, Clan Leader. Let’s retreat!” Sigaw naman ng kaniyang kasama habang ginagamot ang isa nitong kasama na isang atake na lang at mamamatay na. Mabuti naman at na isipan mo na isigaw iyan. Mabuti rin at mayroong marunong makiramdam sa kanila hindi iyong puro atake na lamang. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanila kung nagpatuloy pa rin ang mga ito. Kung iisipin pa rin ng kanilang leader na ipagpatuloy ang pag-atake sa nilalang na iyan, sigurado akong matatalo sila at baka mamatay pa. Mas mainam na gurong umalis na lamang sila at ibigay itong nilalang na ito sa akin. May mga bagay talagang hindi para sa inyo kung kaya ay huwag ng pilitin pa. Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanila o ano. Napatingin ako sa kanilang leader upang malaman kung ano ang magiging desisyon niya. Nakatingin lamang ito sa halimaw na nasa kanilang harapan bago na isipan na tumalikod. “Umalis na muna tayo rito at magpagaling,”sambit ng leader nila at umalis na. Kahit papaano ay napabilib ako ng leader nila. Hindi ko inaasahan na iyon ang kaniyang magiging desisyon sapagkat, karamihan sa mga ganitong grupo ay uunahin pa ang premyo kaysa sa kalagayan ng kanilang mga kasama. Mabuti na lang at inuna pa nito ang kaniyang kasamahan. Nakangiting nakatingin lamang ako sa mga ito habang papaalis sa loob ng silid. Nang tuluyan na silang makalabas ay siya naman ang pagtayo ko at pagtanggal sa aking stealth. Nakatingin ng masama ang elf na nasa aking harapan habang ako naman ay taas kilay lamang na nakatingin din dito. “I am really sorry,”sambit ko, “But I already killed someone like you, a boss.” Mabilis akong tumakbo patungo sa kung nasaan ang halimaw at agad na umatake. Hindi naman nagpatalo ang halimaw at tumakbo rin papalapit sa akin, kaso, pasensiya na siya. Hindi mahika ang gamit ko, wala siyang mahihigop sa akin kaya magiging mahina siya sa aking harapan. Agad akong tumalon at inilabas ang aking dagger at pinatama sa kaniyang mata. Nang makawala sa aking mga kamay ang daggers ay agad kong inilabas ang dalawa kong katana. Habang hawak-hawak ng halimaw ang kaniyang mga mata ay tsaka ko pinugot ang kaniyang ulo. Agad naman na umulan ng berdeng dugo at ang pagkawala nito. Lumabas ang isang congratulations window at ang items na makukuha ko. Ang angas. Ang inakala kong wala akong mapapanalunan sa oras na magsimula ang event ay mali pala. Kahit nasa kalagitnaan ka pa rin ng laro, sa oras na mapatay mo ang isang halimaw mapapasaiyo pa rin ang items nito. Two out of three bosses and I am done here. Maari na akong umalis at magsimula sa simpleng mga misyon tulad na lang ng ilang pagkolekta ng herbs. Pagkatapos ko makolekta ang mga items doon ay agad akong umalis sa lugar na iyon at lumabas na. Laking pasasalamat ko sa mga taong iyon at nang dahil sa kanila, natutunan ko kung paano kumilos ang nilalang na iyon at napanalunan ko kaagad ang dapat kong mapanalunan. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dati kong grupo. Abala sila sa pagpatay sa isang boss. Hindi ko alam kung anong klaseng boss ito pero sa tingin ko naman ay malakas. Aalis na sana ako ng bigla na lang may nagsalita. “You are here,”saad ni Dragoon. Nanatili akong tahimik at hindi umimik sa sinabi nito. Wala akong plano na sagutin siya o kausapin siya. Magsama sila sa grupo namin na walang ginawa kung hindi ay ang traydurin ako. “Mazy,”tawag ng isang familiar na boses sa akin, “I know you can hear me. Talk to us.” Talk to us? For what? Para bolahin niyo na naman ako tungkol sa mga bagay-bagay? Huwag na lang, masaya na ako mag-isa. Tuluyan na akong tumalikod at blocked na sila sa end ko. Ayaw ko na muling makita ang mga ito, mas lalo lamang akong nagagalit sa oras na nagpaparamdam sila. Tinigil ko muna sa paglalakad ang character ko at ipinikit ang aking mga mata. Uminom muna ako ng tubig at sinubukan na pinakalma ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD