Game 28

1082 Words
Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan ko ang pc ko. Habang nag aantay naman ako sa desktop PC ko matapos mag start up ay pumunta na ako sa aking banyo at kumuha ng toothbrush. Magsisipilyo kasi sana ako dahil kakagaling ko lang kumain, para din malinis ang bibig ko at hindi mabaho. Ng matapos na ako mag sipilyo ay pinunasan ko muna ang aking mukha sa lahat ng tubig at toothbrush. Pagkatapos ay pumunta agad ako sa desktop PC ko at ka agad ko hinanap ang launcher ng laro na Dynasty Hunters. Nang mahanap ko na ay ni launch ko ang app at nag log in na rin ako sa laro. Nang maka log in na ako ay kaagad ako nag check sa character ko sa inventory ko kung may nawawala. Mabuti na lang ay wala rin naman nawawala na bagay. Dumiretso agad ako sa guild house, binati naman ako ng reception NPC. “Good Morning and Welcome to the Guild!” Bati nito sa akin. Hindi ko naman siya kina usap at pumunta na agad ako sa quest board. As usual ay kumuha na ako ng napakaraming hunting missions at kung may sobrang slots pa ako ay kumuha na rin ako ng mga extermination mission para makompleto ang mga max quest na pwede ko kunin. Pumunta agad ako sa harap, sa receptionist NPC at binigay ang mga quests na dapat ko gawin, at inaccept nya naman ito. Kahit nag namamadali ako ay pumunta muna ako sa blacksmith para irepair ang mga items na suot ng saganon ay hindi ito masira at maiwasan ang pag bili ng mga bagong equipment at weapons. Pumunta rin ako sa potion shop para mag refill ng isang stack ng health potions at mana potions. Tumingin tingin din ako kung may nakita ba ako na gusto ko bilhin ngunit as usual wala naman. Pagkatapos nito ay dumiretso na agad ako sa Green Mountain para simulan ang mga quests ko.  Lumipas ang ilang sandali ay may nakita akong isang video na parang kakaiba. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nararamdaman akong mali sa video na ito. Nagdadalawang isip pa nga ako na pindutin ang play button ngunit kailangan ko tatagan ang loob ko. Paano ko malalaman ang katotohanan kung magpapadaig lamang ako, hindi ba? Kailangan ko ang totoo, kailangan ko ang impormasyon na makakatulong sa akin na mabuhay ng matiwasay. Kailangan ko malaman kung ano ang dahilan kung bakit naging ganito na ang mundo. Kung bakit bigla na lamang nagbago ang lahat at kung ano ba talaga ang simula ng lahat. Huminga ako ng malalim atsaka inayos ang suot-suot kong headset tsaka pinakinggan ang video. Ang laman lamang ng video ay hinahalintulad kung ano ang mundo namin noon sa mundo namin ngayon. Labis ang aking gulat nang may makitang isang clip na kung saan ay pinapatay na ng ibang tao ang kasama nila para lamang makuha ang pera. Hindi na yata ito makatarungan. Patuloy lamang ako sa panonood hanggang sa makarating sa isang video na pinapaliwanag na ang mundo namin ngayon. “The world, the earth, and everything on it—has turned into a game. A game that you never wished to have in real life, why? Because it is matter of life and death. It will determine if you are strong enough to survive the rough road of your life.” A game, yeah, just what the news reporters says. This world totally has turned into a game. A game that no one can explain on how to play properly. Hindi ito katulad sa mga nalalaro ko na kung saan ay mga tutorial pa bago ka sasabak sa labanan, sa larong ito, kailanga mo turuan ang sarili mo para malaman kung paano ito lalaruin. Pigil hininga kong pinatuloy ang pakikinig sa video. “Survival of the fittest would be the right term for this. However, there is no need to be scared of. No person in this planet cannot grow rapidly and that depends on your status.” Status? Kaparehong-kapareho lang talaga ito sa mga nalalaro ko online, walang palya. Magbabase ang lahat sa skills at iba pa. Kung alam ko lang sana na ganito pala ay aayusin ko na ang buhay ko. “For now, the statuses in your screen may increase by doing some simple tasks but, mind you all, this is just a temporary task and sooner or later, the real threat of the planet will show in your door step and I promise you, some of you may die—and will never be back.” Ramdam na ramdam ko ang seriousness sa boses nito. Alam ko rin na hindi nagbibiro ang lalaking nagsasalita. Ngunit, ang tanong ko lang, saan niya nakuha ang mga impormasyon na ito? At paano niya na sabi na temporary lamang ang lahat? May koneksiyon ba siya sa gobyerno o may alam ba siya sa pwedeng mangyari sa mga susunod na araw? Isa pa, ano ba iyong sinasabi niyang totoong threat sa earth? Hindi pa ba talaga tapos ang lahat? Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman gayong sobrang punong-puno na ang aking isipan ng mga impormasyon. Kung kanina ay halos mawalan na ako ng pag-asa dahil hindi man lang ako nakahanap ng kahit ni isang impormasyon, ngayon naman ay halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa dami ng nalaman ko. Kumuha ako ng isang notebook at ballpen at sinimulang mag-take note ng mga bagay na sigurado akong magagamit. Habang nakikinig sa sinasabi ay patuloy lang din ako sa pagsusulat. “A player like you or like any other of us, can grow and earn experience by doing simple tasks. For students, doing school activities and home chores.” Biglang dumaan sa aking isipan ang aking narinig na usapan ng dalawang estudyante habang patungo ako sa mall. Isa nga ito roon. “For the workers, just by doing their daily routines at work, they can also earn experiences and grow. However, players will not earn experiences by killing someone. They may have the money of the player but the authorities will surely catch them. Such as these videos.” Bigla na lang may lumabas na isang video na kung saan ay mayroong lalaking nakayuko lamang na naglalakad sa isang tabi nang bigla itong binangga ng isang malaking lalaki. Sa isang iglap lamang ay bigla na lang nagkaroon ito ng posas sa kaniyang mga kamay na labis kong ipinagtataka. How did he do that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD