Warning Mature Contents!!!
"Malabo talaga. Matakot? Tss. Wala sa vucabularyo ko ang salitang takot, Miss Chong.
"At isa pa, is your choice. Sabi nito at nilampasan na siya ngayon. Habang sinusundan naman niya ito ng tingin ngayon. Nakita niyang huminto ito sa isang malaking kabinet na yari sa bakal na may pintong salamin, na puro ibat ibang klasi ng mg high-in na mga kalibre ng baril ang nakalagay. Na ang iba ay ngayon niya lang nakita sa tanan buhay niya. Marahil ito ang bagong labas na mga baril sa ibang bansa.
"W-Wait bakit ako nadamay? Sa usapan? Kung lahat ng mga ito ay kagustuhan mo at ikaw lang naman ang may gawa? Umasin na ang mukhang tanong niya rito ngayon.
"It's your choice kung isusuplong mo ba ako sa mga owtoridad ng makita mo na ngayon ang malaking ebedensyang magpapatunay na elegAl nga ang gawain ko. Baliwala ng sabi nito at ikinalaki naman ng mga mata niya.
"Ikaw? Sabi niya rito. Akmang lalapitan niya ito ng mapatid siya. Sanhi para mapahalik na siya sa sahig na mamol ngayon.
"Alam mo nagdududa na ako saiyo kung pulis kaba talaga o nantritrip ka lang sa buhay. Sabi nito na kamuntik niya pang mabaliukan sa sarili niyang laway ng marinig ang sabi nito.
"O dikaya lampa ka lang talaga. Dagdag pang sabi nito. Na ikinasama na ng tingin niya rito.
"Natisod lang lampa na kaagad? Hindi ba pweding nawalan lang ng balanse. Sabi niya rito.
"Tsk. Tabi nga riyan! Hasik nito ng dumaan na naman ito ngayon sa kinatatayuan niya.
"Gago ang luwag luwag ng kwartong ito at dito kapa talaga dumaan sa kinatatayuan ko na masikip na? Sambit na lang niya rito. Nang maramdaman mas lalo pang nasisik ang katawan niya sa kanto ng mesa nito.
"Anong pake mo ,eh, sa gusto ko dumaan sa mga masisikip na daan, eh. Pabalang naman na sagot niyo sa kaniya ngayon, habang nakataas na ang kilay na taas baba ang tingin sa kabuuan niya. Ewan parang may gustong kumawala na kung anong pakiramdam sa katawan niya ngayon. Sa paraan ng pagkakatitig nito. Hindi niya lang mapangalanan. O baka greenminded lang talaga siya magisip.
"B*stos! Hindi na mapigilan bulalas niya rito ngayon. Nang makita na naman itong nakatingin na ito sa mga paa niya ngayon.
"Ano? Naguguluhan ng tanong nito sa kaniya at nakita niyang umupo sa swivelchair nito ngayon.
"Ang sabi ko ang bastos mo! Lumalaki na ang matang sabi niya rito ngayon. Na nakita niyang ikinapula agad ng buong mukha nito.
"Tss.. Wala pa nga akong ginawa saiyo? Sige nga, sabihin mo nga saakin, paano naging b*stos iyon? Pabalang naman na sagot nito sa kaniya ngayon.
"Wala nga pero kung makatingin ka sa paa ko wagas.
"Talagang titingin talaga ako sa paa mo. Dahil may kinuha kang isang bagay na pagaari ko, na tinago mo riyan sa likuran mo ngayon. Nanguuyam ng sabi nito.
"Huh? Gulat naman sagot niya rito.
"Akala mo hindi ko nakita? Paguulit nitong sabi nito sa kaniya ngayon, na ikinalikot ng mga mata niya. Ang tinutukoy nito ang shotgun na kinuha niya sa mesang nakadisplay nito ng tumalikod ito sa kaniya kanina.
"Pang self depends lang. Walang paligoy ligoy ng sabi niya rito, na nakita niyang ikinangisi na nito ngayon. Malay niya ba, kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kahit ano't anu pa man, kriminal itong kaharap niya. Mabuti ng maingat lalong lalopuwa't nasa teritoryo siya nito ngayon.
"Tsk! Papatay ka na nga lang, iyong wala pang bala ang kinuha mo. Pangaasar na sa kaniya nito ngayon. Yamot naman niyang tinapunan lang ng tingin ngayon at nagsalita.
"Bakit ba? Pwede ko naman itong ipang pukpok sa ulo mo pagnagkataon na may gagawin ka nga talagang hindi maganda sa akin ngayon.
"At isa pa marami kanang napatay. Paguulit niyang sabi na rito.
"Dapat nga pasalamatan pa ako ng mga pulis eh, dahil may pagkukusa na akong magligpit ng mga kalat ko. May pagmamalaki ng sabi nito sa kaniya ngayon. Na ikinaismid niya.
"Ilan kayo? Wala sa sariling tanong na niya rito ngayon.
"Tsk. Gusto mo tlagang malaman? Sabi lang nito at may kinuha na isang blue invelop sa drawer nito. At inihagis iyon sa kaniyang harapan ngayon. Daling dali naman iyon kinuha at binuksan. Habang nakikita ng prente na itong nakaupo ngayon sa swivel chair.
Doon nakita niya ang buong listahan ng mga kaibigan nito ngayon na kasangkot. At sampu roon ay hindi niya pa kilala. Marahil ay personal nitong mga tauhan o higit pa sa iniisip niya sa mga ito.
"This is confidential information. Bakit sa akin mo ipinapakita ito. Hindi kaba natatakot na baka isuplong kita at ang mga kaibigan mo? Nalilito ng tanong niya rito ngayon. Na ikinangisi naman nito sa huli.
"Tingin mo Miss Chong? Matapos mong malaman ang lahat ng mga kasapi sa buong orginasasyon namin ay mabubuhay kapa pagkatapos nito? Balik naman tanong na nito sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niyang nakatingin dito ngayon.
"Anong ibig mong sabihin? Lito ng tanong niya rito ngayon.
"Tsk. Are you really a police officer? Or what? Sa halip ay kunot ang noong tanong na nito sa kaniya ngayon.
"Huwag kanang madami pang satsat. Ang tanong ko ang sagutin Mr Yamamoto. Katulad nito ay medyo naiinis na rin ng sabi niya rito.
Tinitigan muna siya nito saglit, na may ngisi ng nakapaskil sa mga labi nito ngayon.
"Fine. Nakita niyang umayos muna ito ng upo ngayon bago nagsalita. Sa oras na makakalabas ka rito ay wala ng balikan. Sa madaling salita makakalabas ka lang dito pag nakakahon kana.
"A-Ano? Gulat naman tanong niya rito.
"Yeah. Miss Chong, this is the rule of the organization. Deretsyahan ng sagot na nito sa tanong niya.
"S-So, kaya ba dinala mo ako rito at pinakita itong lahat sa akin, dahil may balak ka talagang p* tayin ako? Nanhihitakutan ng tanong niya rito ngayon. Nang mapagtanto ang lahat.
"Sa wakas natumbok mo rin, Miss Chong. Ang ibig kung sabihin. Kaagd naman sagot nito. Na sa huli ay ikinangiwi niya.
"W-Wala ka bang balak na magbago? Ang ibig kung sabihin, ay umalis sa gawain ito? At magsimulang muli ng bagong buhay. Na walang baril na hahawakan. Pasikali ay tanong na niya rito. Baka sa ganitong paraan ay mahikayat niya itong tumiwalag na sa organisasyon.
"Impossible iyang sinasabi mo Miss Chong. Ang kagaya kong kriminal ay wala ng pagasa pang magbago. At isa pa hindi ko pa nagagantihan ang mga taong may atraso sa akin. Sabi nito at itinutok na sa kaniya ang baril na hawak nito ngayon. Na ikinaatras naman niya sa ginawa nito. Nakikita niya kasi sa mga mata nito ngayon ang labis na galit roon.
"H-Hindi mo ba sila pwedeng patawarin at ipapasadiyos na lang ang kasalanan nila. Madamdamin ng sabi niya rito.
Dahilan para mapatawa ito. Habang hindi na mapigilan nang mapahawak na ngayon sa tiyan nito.
"Ngayon ko lang nalaman magaling ka palang magpatawa Miss Chong? Sabi nito at tinuloy pa ang pagtawa. Hanggang sa kinalma na nito ang sarili.
"Seryuso? Iyan talaga. Masyadong malalim ang iniwan nilang sugat. Para kalimutan ko na lang iyon Miss Chong. At ikaw na rin ang nagsabi sa akin, na hindi dapat kinakalimutan ang ginawa ng tao saiyo maganda man o hindi. Kailangan mo iyong ingatan at pahalaghan. Para sa bandang huli na magkita kayo ay kahit papaano ay magantihan mo siya. Kaya heto na, ito ang gusto kung pamamaraan ng makaganti. Mahaba ng sabi nito ngayon sa kaniya. Na ikinalunok niya ng paulit ulit na ngayon.
"Oo, nasabi ko nga iyon noon. Pagaamin niya rito. Pero, hindi sa ganitong paraan. Gulo ang isip ng sabi na rin niya rito ngayon. Hindi niya aakalain iba ang pagkakaintindi nito sa sinabi niya noon.
"Ano naman paraan ang gusto mong gawin ko, Miss Chong? Tanong na nito.
"Ang kalimutan na lang ang ginawa nila sa akin? No. Hindi pa ako nahihibang para patawarin sila. Sabi nito na ikinabukas sara naman ng bibig niya ngayon ng nakatingin na niya rito ngayon.
"Makakaalis ka naman dito. Ngunit sa isang kundisyon. Mayamaya ay dagdag ng sabi nito sa kaniya.
"A-Ano? Tanong na niya rito. Wala naman mawawala kung isang beses ay makipagdeal siya rito ngayon para sa buhay niya.
"Simple lang naman ang gusto kong mangyari.. Iyon ay huwag muna akong sundan pa. Seryuso ng sabi nito sa kaniya, na nagpatigil naman sa kaniya sa kinatatayuan niya ngayon.
"S-Sigurado ka bang iyan lang talaga ang kundisyon mo? Naguguluhan pa rin niyang tanong na rito ngayon. Hindi makapaniwalang ito lang ang gusto nitong mangyari. Pero kumalma rin ng may mapagtanto. Tama ayaw nitong sinusundan niya ito dahil sa negosyo nito. At baka magkabulyaso pa.
"Sumasang-ayon ako sa gusto mong mangyari. Sabi na niya rito ngayon at nakitang may kung anu ng pinindot ito sa loptop nito ngayon. At bigla ay bumukas na ang malaking pintuan ngauon. Pero ang kinagulat niya. Hindi ang pintuang pader ang pinasukan niya kanina siya dadaan kundi deretsyo na siya sa labas ngayon.
Nakita niyang tumayo naman ito ng umungot ang swiverlchair na kinauupuan nito kanina. At roon wala na itong imik na naglakad na palabas ng kuwarto ngayon kung nasaan siya. Bago umalis inilapag na muna niya ang hawak na shotgun ngayon at sumunod na rin dito. Nang makalabas ay nakita niya ang babaeng nakita niya kanina sa condo nito, na may kasama na ngayong isang lalaki na ngayon niya lang nakita. Na masaya ng nagtatampisaw ngayon sa pool nito.
"Hon! Tawag nito ng makita nitong paparating ang binata sa mga ito ngayon. Habang siya ay sinundan lang naman ito ng paglakad ngayon.
"Hindi masyadong malamig ang tubig. Come take a bath with me. Rinig niyang pagaaya na nito sa binata.
"Tsk! Rinig niyang sabi lang nito at hindi na pinansin ang nag-aayang babae. Nang makita
niyang baliwalang nilampasan lang nito ito ngayon.
Sa inasal ng lalaki, nakita niya naman napahiya ito sa kanilang dalawa ng makitang namumula na ang mukha nito.
"Hmp! Ang sungit talaga! Hasik niya at bago umalis ay binati niya muna ang mga ito.
Halos tatlongpung minuto rin siyang, nasa malaking gate na siya ng bahay nito ngayon. Ngunit kahit anong pihit niya ayaw pa rin nitong bumukas. Kaya wala na siyang ibang choice kundi akyatin na lang ang bakod nito ngayon. Na hindi inaasahang bigla itong bumukas.
"Gago kang gate ka! Pinagod mo pa ako, bubukas ka rin pala. Gigil ng sabi niya at daling dali ng bumaba nakamuntikan pa niyang ikahulog ng biglang tumigil ang pagbukas ng pintuan ng bakod nito.
Mature Contents!!
Babylove POV
Huwag kang lalapit Yamamoto! Banta nito kay, Alexis. Habang nakatotok na ang baril nito sa kaniya. Kung ayaw mong madurog ang mga buto nitong shota mo! Nanhihitakutan ng sabi na nito ngayon habang umaatras na. Nangmapansin nitong lumalapit na si Alexis dito ngayon, na katulad nito ay may hawak rin baril na nakatotok rin sa lalaki. Nasa lumang poultry building ng mga baboy kasi sila. Habang hawak siya ng armadong lalaki ngayon. Naalala niya pagkalabas kasi ng hotel niya para manood ng event. Ay bigla ay may humablot na lang sa kaniya at tinakpan ng panyo ng ilong niya, kaya heto siya nagising na kaharap ang binata at hawak na siya nito.
"Hindi ko siya girlfriend. Kunot noo ng sabi na nito kay manong ngayon.
"Tsk. Kahit kailan talaga pagdating sa akin. Hindi talaga ito marunong makisabay man lang sa trip. Usal ng isip niya.
"Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga pinagsasabi mo. Naloko mo na ako dati pa yamamoto pero hindi na ngayon. Matagal ko na itong hinihintay na gantihan ka. Kaya ngayon, subra akong natuwa." Tumigil muna ito sa pagsasalita at tumawa na parang nasisiraan na ng bait.
"Sa katauhan ng girlfriend mong ito sa wakas ay makakaganti na rin ako saiyo. Sabi nito sabay ipit ng leeg niya ngayon.
"Ackk! Daing niya. Manong hindi ko siya boyfriend, malayong malayo siya sa mga lalaking tipo ko. Ani niya naman dito.
"Tumahimik ka! Hasik nito na nagpatikom naman ngayon sa kaniya sa sigaw nito.
"Ano na, Yamamoto? Ibibigay mo ba sa akin ang hinihingi ko o ihuhulog ko itong shota mo? Rinig niyang tanong na nito ngayon kay Alexis. Na prente lang nakatayo sa hindi kalayuan. Ang tinutukoy nito ay ang perang nasa organisasyon nilang makakaibigan at sa mga iba pang kasapi ng groupo na pinagbintahan ng mga smuggling na baril. Na gusto nitong makuha lahat. Buti na lang at nalaman kaagad niya ang binabakak nito. Kaya wala itong nagawa kundi bumaba ito sa puwesto nito bilang bangking manager nila.
"Edi ihulog mo. Katulad mo matagal na rin akong inis sa babaeng iyan. Kaya kung ako saiyo, huwag mo ng patagalin pa ihulog mo na iyan. Malamig ang boses na utos na nito sa taong may hawak sa kaniya nagyon. Na ikinabato balani niya.
" Woaahh...T--Teka? Wala naman ganyanan.. Mr Yamamoto. Nanhihintakutan niyang sabi naman dito na ang mga mata ay nasa ibaba ng building ngayon.
"Pasensya kana, Miss Chong. Mukhang kailangan mong magsakripisyo sa organisasyon namin. Padadalhan na lang kita ng paburito mong bulaklak sa burol mo. Ayus ba? Dagdag pa nito. Na ikinanginit ng mukha niya sa galit rito ngayon.
"Gago...H-Hoy walang hiya ka talaga! Bakit ako ang kailangan magsakrispisyo? Eh, ikaw lang naman itong may atrasao kay manong! Huwag kang maniwala riyan manong ginagago ka lang ng lalaking iyan! Hindi talaga iyan mabubuhay kapag wala ako sa tabi niya. Kaya kung ako saiyo! Sa aming dalawa ako ang paniwalaan mo ngayon. Padyak na sigaw na balik niya naman sa lalaking may hawak sa kaniya ngayon.
Kunot noong napatingin lang naman si Alexis sa kaniya ngayon. Oh ano ka ngayon. Singit naman ng isip niya.
"Bakit hindi ikaw? Nandiyan kana, kaya lubos lubusin mo na lang Miss Chong. Ikaw rin minsan lang iyan dumating ang pagkakataon sa buhay mo. Sabi na nito habang hindi pa rin maalis ang malawak na ngisi sa mga labi nito ngayon.
"H*das ka! Minsan nga, pero patay naman ako pagkatapos nito! Makikita mo, kapag ako talaga nakawala rito, bubunotin ko talaga iyang lahat ng buhok sa katawan mo gamit ang nail cutter! Sigaw niya rito. Na nagpaburyo na sa lalaki ngayon.
"Lovebird quarrel. Sabat naman ng taong may hawak sa kaniya ngayon.
"Yaman din lang na wala kang pakinabang sa kaniya edi ihuhulog na lang kita. Sabi nito at akmang babarilin na siya nito, saka ihuhulog. Nang maunahan ito ni Alexis. Sapul na ang ulo nito. Sabay bumulagta na kaagad ito sa sementadong sahig ngayon. Dahil sa nangyare ay nabitawan naman siya nito. Dahilan para mahulog siya, mabuti na lang at mabilis ang repleks ng binata. At nahawakan siya ngayon nito sa kamay.
"Kumapit ka! Madiin ng sabi na nito sa kaniya ngayon at pilit ng hinahatak siya. I change my mind sa baba na lang tayo mag kitang dalawa, Miss Chong. Mayamaya ay bigla ng sabi na nito sa kaniya at pilit na siyang binibitawan nito ngayon. Pero tulad ng isang tuko kapit na kapit talaga siya sa kamay nito ngayon.