Chapter 4

1062 Words
Chapter 4 Laugh "TULUNGAN ko na p-- I mean kayo" Sabi ko. Nakita kong umiling siya. Pinagbuksan naman siya ng dalawang guards niya at nakahanda na ang wheelchair niya sa labas ng kotse. Wala na akong nagawa kaya lumabas na lang ako. At pinuntahan si Sir. "Ako na lang po" Sabi ko dun sa dalawang guard. Nagtinginan yung dalawang guards at sabay na humarap saakin at tumango. Weird. Buti naman at nasa maayos na lugar kami nakatira. Dahil na rin siguro sa sipag at tyaga ko noong nagtratrabaho pa ako dun sa ospital kaya napatayo ko ng bahay sila Mama. Binuksan ko ang gate namin at agad akong pumunta sa likod ng wheelchair at ako na ang tumulak. "Sir, sorry di masyado kagandahan tong bahay namin" Sabi ko. Nahihiya ako, anlayo nito sa mansyon nila. "Nah, besides I'm sure its still beautiful" Natahimik naman ako. Tanga ko, di pala makakita si sir. Nakahinga naman ako ng maluwag atleast di niya makikita yung bahay naming er. "Nay?" Tawag ko kay Mama. Bumukas naman ang pinto at nakita ko ang mga kapatid ko. "Ate!!!" Sabi nila. Ngumiti naman ako. "Ah, nandito Sir ko. Baka pwede papasukin niyo muna kami" Sabi ko. Tumingin naman sila kay Sir na nakaupo sa wheelchair. "Ay sorry po Boss ni Ate" Nilakihan nila ang bukas ng pinto at pumasok na kami. "Sir, gusto niyo po bang umupo sa sofa?" Tanong ko. "No need, go to your Mom. I will be fine and remove your 'po' " Sabi niya. "Erm" Tumikhim ako "Sige Craize, puntahan ko muna si Nanay" Tumingin ako sa dalawang kapatid ko na namesmerize ata kay Sir. "Venice at Victoria, kayo muna mag-entertain kay Sir Craize. Pupuntahan ko muna si Nanay" Pumunta ako sa kwarto ni Nanay at nakita ko siyang naglilinis. "Nay!" Lumapit ako at yumakap sa kanya. Nabigla naman siya at niyakap ako pabalik. "Juskong bata ka, baka magkaroon pa ako ng heart attack dahil sayo. Kamusta ka na? Jusko, akala ko kung ano na nangyari sayo" Sabi niya. Ngumiti naman ako. "Nay, okay lang ako. Atsaka nasa labas boss ko. Baka gusto niyo siyang makilala" "Ay talaga ba. Anak, kukuha ng mga damit mo? Inayos ko na pala para saya. Labas muna ako, anak" Tumango ako at ngumit. "Sige nay. Salamat dito" Lumabas na si Nanay kaya pinagpatuloy ko na lang ang pag-ayos niya sa mga damit ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay napahiga ako sa kama. Sa halos tatlong linggo kong pag-aalaga kay Craize. Mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Umiling ako, no, hindi tama. Boss ko lang siya. Impossibleng manyare iniisip ko. Sinabunutan ko buhok ko at nagpagulong gulong sa kama. "Grrr bakit ko ba to iniisip. Alis alis!" Tumayo ako at tumingin sa salamin. Ang gulo na tuloy ng buhok ko. Inayos ko na lang ito. Kinuha ko na lang ang dalawang bag na naglalaman ng damit ko at lumabas na ng kwarto ni Nanay. Nakita ko si Sir na nakangiti habang nag-uusap sila ni Nanay. Buti naman at nagustuhan ni Nanay si Sir. Gosh, ano ba! Tumikhim ako at lumapit na sa kanila. "Nasan sila Venice nay?" Tanong ko. "Lumabas nak. Magpapahangin daw muna sila" Tumango na lang ako. "Sir, nakuha ko na mga damit ko. Baka naiinip na kasi kayo" "Nah, I'm fine. Anong oras na?" Tanong nito. Tumingin ako sa orasan namin. "3PM na po" "Good I have something to show you bago tayo umuwi sa bahay" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Biglang lumakas t***k ng puso ko. Ano kaya iyon? "Nay, bibisita po ako sa susunod. Wag na po kayo mag-alala. Mabait naman sila Maam at Sir na Mommy at Daddy ni Sir Craize" Ngumiti lang si Nanay. "Alam ko anak. Mabait din kasi itong si Sir Craize mo" "Kahit Craize na lang po" Sabi ni Sir. Lumipas ang isang oras nang sinabi ni Sir na kailangan na naming umalis. Nagpaalam na ako kay Nanay at sa dalawang kapatid ko. Niyakap ko sila ng mahigpit ko. "Mamimiss ko kayo, Nay. Tatawag din ako sainyo" Hinalikan ko pisngi ng dalawa kong kapatid. "Ate, bulag po ba si Sir Craize?" Bulong ni Venice. "Oo nga po, Ate. Kasi deretso lang tingin niya habang kinakausap namin siya kanina" Bulong din ni Victoria. "Na-aksidente kasi si Sir Craize" Bulong ko pabalik. "Sige nay, mga kapatid, aalis na si Ate" Kumaway na ako sa kanila. Tinulak ko na ang wheelchair ni Sir. Nasa loob naman ng kotse ang dalawang bag ko. "Sir, papasok na po" Binuksan ko ang pinto ng kotse at tinulungan naman siya ng dalawang guards niya papasok. Tiniklop nila ang wheelchair at inilagay sa likod ng kotse. Pumasok na rin ako, bago yan ay kumaway ulit ako kila Nanay. "Sir, san po ba tayo pupunta" Tanong ko kay Sir. Ngumiti naman siya. "You'll see" Sabi niya lang at pumikit. Halos 30 minutes din ang lumipas bago kami nakarating sa isang burol. Di ko alam kung saan to. "I own this hill. I love watching sunsets but now, I don't know." Bumaba ako at tinulungan ang dalawang guards sa pagbaba kay Sir. "Dun tayo sa swing" Sabi ni Craize. Tumingin naman ako doon sa tinuro niya at may nakita ako pahaba na swing. Tinulak ko ang wheelchair at pumunta kami doon. "Gusto kong umupo, Veanice" "Tulungan na kita" Nilagay ko ang braso niya sa leeg ko at tinulungan siyang makaupo. Di ko sinasadya, kaso ang bigat ni Sir kaya napaupo din ako. Sobrang lapit ko sa kanya. Amoy ko ang mabango niyang cologne. Halos mahinto ang paghinga ko. "C--Craize" Lalayo na sana ako kaso mas hinigpitan niya ang pag-kakaakbay sa akin. Napalunok ako sa kaba. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang matangos niyang ilong. Ang mapupula niyang labi na alam kong sobrang lambot din. Ang mata niyang kulay green. "Look" May tinuro siya kaya lumingon ako. Napahigit ang paghinga ko. Ang ganda ng araw. Lumulubog na ito at ang kalangitan naman ay kulay orange yellow. "Anong kulay niya ngayon?" Tanong niya "Kulay yellow at orange" Sagot ko. "I can remember the last color I watched before the accident. Its blue and violet. Its beautiful. It almost took my breath away" Tumingin naman ako sa kanya. Napalunok ako nang makitang nakatingin rin siya saakin. His eyes. His beautiful eyes is glowing again. "I can't see you, but I know you're beautiful, Veanice" Bigla niyang inangat ang kamay niya at dumapo ito sa pisngi ko. He caressed my cheeks. Ramdam kong ang init na nanggaling sa kamay niya. At ramdam ko din ang pag init ng pisngi ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. I felt his thumb on my lips. Napapikit ako hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Craize, kissed me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD