Chapter 6

669 Words
Chapter 6 Arranged Marriage NAGDAAN ang isang buwan ng pagiging personal nurse ko ay nahulog na ang loob ko kay Craize. Siguro ang dali pero di ko mapigilan ng damdamin ko. Pinilit kong maging civil sa kanya pero lagi niya akong tinatawag at niyayakap. Kaya talagang nahulog na ako. Nasa likod ako ng mansyon ng mga Rio. Dahil nasa tuktok ng burol ang bahay nila at napakatago rin ng hacienda nila. Di parin ako makapaniwala na isang bilyonaryong pamilya ang pinagtratrabahuan ko. Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya napapikit ako at dinama ito. Napangiti ako nang maalala ang nangyari kahapon. Binigyan kasi ako ni Craize ng isang kwintas. Di ko alam pano siya nakabili. Sabagay, mayaman naman siya. Marami din siyang koneksyon. "You're here" Lumingon ako sa likod at nakita ko si Craize na mag-isang tinutulak ang sariling wheelchair. Tumayo ako kaagad at lumapit. "Bakit ka nandito, Craize. Baka anong mangyari sayo-- "Dont worry. I know they ways here in our mansion" Sabi niya at ngumiti ngunit deretso parin ang tingin. "Samahan kita" Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos. Pumunta ako likod ng wheelchair niya at ako na ang tumulak. Papalapit sa bench na inupuan ko kanina. "Gusto mo umupo sa bench?" Tanong ko. Tumango lang siya. Kaagad ko naman siyang tinulungan paupo at tumabi sa kanya. Bigla niya na lang akong inakbayan at pinasandig na sa dibdib niya. Nahugot ko ang hininga ko sa kaba. Ganun parin ang epekto niya saakin. Nakakabaliw na. "Craize, mahigit isang buwan lang tayong magkilala at--- "It doesn't matter. I will tell my parents about our relationship" Nakangisi pa siya habang nagsasalita. Nanlaki naman ang mata ko at sinapak siya sa braso. "Ouch! Wth" Tumikhim naman ako at nag sorry. "Wag muna Craize. Parang ang bilis ng pangyayari" Sabi ko. "Are you ashamed?" Tumingin ako sa kanya. "Huh?" "Are ashamed that I'm your boyfriend? That you're boyfriend is blind and don't have ability to walk?" Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Ano ba pinagsasabi mo, Craize?! Hindi kita ikinahihiya!" Lumingon ito sa dereksyon ko. "But why?" Kita ko ang lungkot sa mata niya. "Did you know that its been a while since I felt this kind of feeling again. No, this what I felt for you is more deep." Sabi niya at kinapa ang mukha ko. Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya. "Craize..." Napapikit ako sa haplos ng malambot niyang kamay. "Do you want me to have a surgery, Veanice?" Sabi niya. "H--huh? Seryoso ka ba?" Tanong ko. Tumango siya. "Yes, I feel like I don't want yo be a burden anymore." Huminga siya ng malalim. "Again, do you want it?" Tumango tango ako. "Oo, gusto kong magawa mo na ang gusto ko sa buhay. I'm sure makakahanap ka ng babaeng sasamahan ka habang buhay--- Natigilan ako sa pagsasalita nang maalala ko ang sinabi ni Maam Crista saakin limang araw nang nakalipas. "Veanice?" Tawag saakin ng isang boses ng babae. Tinignan ko kung saan ito nanggaling at nakita ko naman si Maam Crista na nakangiti saakin at nakatayo sa entrance ng kusina. "Maam?" "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango ako lumapit sa kanya. "Sa opisina tayo" Sumunod lang ako sa kanya. Malakas ang t***k ng puso. Baka paalisin na ako? Pumasok kami sa opisina ni Maam Crista at nagulat ako nang makita si Sir Timothy. "Goodevening po" Bati ko sa kanya. Kahit naman matanda ako sa kanya kailangan ko parin maging magalang. "No need to use opo, Ate Veanice. You're still older than me" Seryosong sabi niya. Umiwas ako ng tingin at umupo. Napakaseryoso naman nito sa buhay. Walang ka-emo emosyon ang mata. Naalala ko tuloy yung kapatid kong si Victoria. Maingay pa naman yun. "As you can see, nandito si Timothy. Actually, kinakabahan akong sabihin to Veanice" Sabi ni Maam na nakaupo sa swivel chair. "Ano po yun, Maam?" Kinakabahang tanong ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. "I-aarrange marriage ko sana itong si Timothy pero ayaw niyang pumayag kahit anong pilit namin...noon. Kaya naisipan namin na si Craize na ang i-aarrange marriage namin." Natigilan ako sa narinig ko. A-ano? Si Craize? "May fiancé na si Craize, si Veanicequa Ford." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Veanicequa Ford isang napakasikat na model ng Victoria Secret. Actually isa siya sa tinatawag na "Angels". A--anong laban ko sa isang Veanicequa? (Bi-ya-nis-sika) Magkaboses din kami at di ko alam kung bakit. Siguro coincidence. "G-ganun po ba" Napalunok ako. "Kung ganun po, anong ugnayan ko?" "Please Veanice,pilitin mo siyang magpaopera at wag mo munang sabihin ang nangyari ngayon sa kanya" Tumango na lang ako habang natulala parin sa nalaman. "Veanice" "Love" "Hey" Natauhan naman ako sa haplos ni Craize sa pisngi ko. Kanina pa ata akong napatulala. At sa mata niya pa talaga. "Hey, are you okay? Kanina ka pa di nagsasalita" Kita ko ang pag-alala sa mukha niya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko. Napayuko at pinigilan ang luha ko. Pano ba yan, pati sa pag-ibig malas ako. "Promise mo yan hah? Magpapaopera ka" Sabi ko. Ngumiti siya saakin. "Yes, for you, Veanice. I want to see your beautiful face" Nilagay niya ang mukha sa leeg ko kaya naramdaman ko ang paghinga niya doon. Di ko namalayan ay tumutulo na pala ang ang luha ko. Nasasaktan ako.  PAGULONG GULONG na naman ako sa kama ko. Nababaliw na ako sa kakaisip kong ano ba ang dapat kong gawin. Ipapaalam ko ba kay Craize na may fiance na siya o hindi. Pero ayaw kong sirain ang tiwala ni Maam Crista saakin. Pinagkatiwalaan niya ako. Hindi, hindi ko na sasabihin. Bahala na. Ang importante ay napapayag kong magpaopera si Craize. Napapikit ako at napangiti. Naiimagine ko na nakakalakad na at nakakakita si Craize. Malaya na siyang gawin ulit ang gusto niya. Pero nasira ang imagination ko nang makita si Veanicequa. Nakita kong hawak kamay silang naglalakad ni Craize. At sa kabilang kamay ni Craize ay ang anak nila...pucha. Makatulog na lang nga. [AN: Thanks for reading, lovelies!]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD