Chapter 10
Planned
"NGAYON na pupunta sa hospital si Craize, Veanice. Can you accompany him?" Tanong ni Maam Crista.
"Syempre po, Maam. Ako din naman ang personal nurse ni Cr--Sir Craize" Nandito ako sa loob ng opisina ni Maam Crista. Nasa loob din si Sir Charles.
"I already planned everything from the beginning, Veanice." Ngumiti si Maam Crista. Napalunok naman ako.
"Una palang kitang nakita sa Regime Hospital. Alam ko ng ikaw na. Ikaw na ang mag-aalaga sa anak ko. When I heard your voice, I know that you will be the best substitute for Veanicequa" Ngumiti siya saakin at hinawakan ang kamay ko.
"Thank you, Veanice. Nalaman kong napapalapit na si Craize sayo kaya I'm sure magiging madali na lang pag nandito na ang fiancee niya" Natulala lang ako sa sinabi ni Maam Crista. Ginamit niya ako?
"No, Veanice. Don't think that we used you. You're a wonderful woman. Plano ko nga sana ireto ka kay Timothy pero may iba na pala yung bata yun" Tahimik parin ako.
Hindi ko matanggap ang mga narinig ko. Kahit anong nangyari ginamit parin nila ako.
"Please, Veanice. Sa huling sandali, samahan mo muna si Craize sa pagpapagamot. Dadating na din kasi si Veanicequa sa makalawa."
"S--sige po" Tumango ako. Kahit ayaw ko na. Gusto ko nang umalis tumango parin ako. This is for Craize.
PAGSIRADO ko ng pinto ng opisina ni Maam Crista ay di ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na lang. Yumuko ako at naglakad paalis. Gusto ko munang mapag-isa.
Masakit.
Masakit yung mga nalaman ko. Ginamit din pala ako. Pero alam kong walang alam si Craize dito. Huli na to, sasamahan ko si Craize sa pag-papagaling niya. Hanggang sa dumating ang.... fiancé niya.
NAKASAKAY kami sa sasakyan ni Craize. Kasama ko ang mga kapatid niya. Nagpumilit kasi silang sumama kaya pumayag na lang si Craize.
"Kuya, excited na akong makakita ka. Matagal na din simula nang makita mo kagwapuhan ko" Sabi ni Tristan na nakangisi habang may tinitipa sa cellphone.
"Psh, mas gwapo parin ako, Tristan" Nakangisi namang sagot ni Craize. Tumingin ako sa kanya. Kahit deretso lang ang dereksyon ng mata niya. Kita ko ang saya sa kulay berde niyang mata.
Napangiti na lang ako. Makakakita at makakalakad na din siya. Masayang masaya ako para kay Craize.
Di nagtagal ay nakarating na kami sa hospital. Agad naming tinulungan si Craize na maka-upo sa wheelchair niya.
"I feel special. You are careful to me" He chuckled.
"Malamang kuya, magpapagamot ka na rin. Atsaka masaya kami na di na matigas ulo mo" Sabi ni Blaze. Tahimik parin si Timothy. Pero nakikita ko naman siyang ngumingiti. Masaya siya para sa Kuya niya.
"FINALLY, Craize. Magpapagamot ka na" Sabi ni Dr. Fernandez. Kaibigan ata siya ni Craize.
"Yeah, I have reasons now." Sabi ni Craize at ngumiti.
"Let's see. First, ooperahan namin ang mata mo then after the eye operation. You need to take a rest for 1 week. Then we will proceed for your theraphy of your legs" Sabi ni Dr. Fernandez habang tinitignan ang mata ni Craize.
"Your Mom and Dad already found a donor. That's why they are excited for you to take operation. So let's go"
NAKAHIGA na si Craize sa hospital bed, ilang minuto na lang ay magsisimula na ang operasyon niya. Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. Parang ayaw niya ngang bitawan.
"Craize, magtiwala ka. Kaya mo'to!"
Ngumiti siya at biglang hinaplos ang mukha ko. Tulad ng dati ay ginabayan ko ang kamay niya para mahawakan niya ang mukha ko.
"I can't wait to see you, baby" Malambing na sabi niya.
"Me too" Nawala ang ngiti ko. Hindi na pala ako ang katabi ni Craize sa susunod na araw. Mawawala na ako sa tabi niya. At hindi ko na masusunod ang pangako kong sasamahan lang siya sa tabi niya.
Di ko namalayan na unting unti kong nilapit ang mukha ko at hinalikan siya sa labi. Sa paglapat ng labi ko sa labi niya ay nagsimulang tumulo ang luha ko.
Paglayo ko ay pinigil ko ang sarili na wag humikbi.
"Wow, baby its your first time initiated a kiss" Napatawa pa siya at hinawakan na naman ang kamay ko. Kahit lumuluha ay ngumiti na lang ako.
I love Craize so much.
"Let's start the operation. Craize are you ready?" Tanong ni Dr. Fernandez.
"Always" Sagot ni Craize.
Kaagad lumapit ang mga nurse na tutulong sa operasyon at ipinasok na nila si Craize sa Operating Room.
We patiently waited. Nakarating na rin sila Maam at Sir. Nakaupo lang ako sa waiting area habang nagdadasal.
Matapang si Craize, alam kong kakayanin niya ang operasyon.
"Ate..." Itinaas ko ang ulo ko at nakita si Timothy na nasa harapan ko.
"Timothy? Bakit?" Inilahad niya ang kamay niya at may nakita akong box.
"Ano to?" Kinuha ko naman box.
"Promise ring ate. Sinabihan ako ni Kuya Craize na ibigay yan habang nasa operating room na siya" Umupo sa tabi ko si Timothy. Binuksan ko ang maliit na box at napasinghap sa nakita.
Isang simple pero eleganteng singsing ang nakita ko. Infinity ang hugis niya at may totoong crystals ang nakalagay.
Napaiyak na lang ako at nilagay ito sa ring finger ko. Bakit Craize? Bakit mas lalo mo akong pinapahirapan? Di tayo ang dapat magsama. May fiance ka na. At ako? Isang substitute lang. Isang harang.
"Ate, sabi ni Kuya na wag mong walain yan. Mahal daw eh" Ngumiti pa ng nakakaloko si Timothy.
"Joke lang, ate"
"Marunong ka palang magjoke, Timothy" Inaasar ko siya.
"Ah eh" Iniwas niya ang tingin niya saakin. Parang alam ko na sino ang dahilan. Si Victoria.
"Veanice! Timo!" Humagoshos na lumapit si Blaze saamin.
"Bakit, Blaze?" Tanong ko.
"Tapos na ang operasyon ni Craize. Dalawang araw pa bago tanggalin ang nakatakip sa mata niya. Veanice, makakakita na ang kakambal ko" Nagsimulang umiyak si Blaze. Niyakap ko lang siya.
Ito na.
Ito na ang kinatakutan ko.
Ang mahiwalay na ako sa kanya at magsama na sila ni Veanicequa.
-
RHEAlisticFantasy