Chapter 12

938 Words
Chapter 12 Time Passed "Doctor Veanice, pinapatawag po kayo ni Doc Martin" Lumingon ako at nakita ko si Nurse Bianca. Ang kapwa pinoy kong nurse dito sa America. Tumango lang ako at matipid siyang nginitian. Agad akong tumayo sa pagkakaupo at lumabas na sa opisina ko. After many years living here in America. I successfully became a doctor, sa tulong na rin ni Martin. Si Martin ay isang fil-am doctor na nakilala ko dito sa ospital. We became friends. Or should I say bestfriends. Nandyan siya parati sa tabi ko kapag malungkot ako. He became my happy pill for almost 5 years. Kumatok ako sa pinto ng opisina niya. "Come in" Agad akong pumasok at nakita ko siyang may ginagawa sa desk niya. "Veanice, we have important business to do" Napakunot naman ang noo ko. "What business?" "A new hospital wants a partnership with my hospital. He is from the Philippines. Probably next week, we are going there" Napatango na lang ako. "I also missed my family" Malungkot na sabi ko. Parati naman kami nag-skyskype pero iba parin yung kasama mo talaga sila. "We will see your family kapag nandun na tayo. So its lunchtime, lets eat?" Sabi ni Martin at ngumiti. "Yeah yeah, libre mo" Natawa lang siya. Palagi niya naman ako nililibre. Its been 5 years, kamusta na kaya siya? I'm sure may mga anak na siya. I hope masaya siya kasama si Veanicequa. Nakamove-on na ako. Alam ko iyon.  Wag mo na siyang isipin, Veanice! "Lets go" Hinawakan ko ang braso niya at pumunta na kami sa parking lot. Martin Smith Dela Fuente, siya ang nagmamay-ari ng hospital. Isang hospital na napakasikat dito sa America. Isa siyang bachelor dito sa America. Sa edad na 35 wala parin siyang asawa. Sabi niya pa na may hinihintay raw siya. Di ko nga lang alam kung sino. Malihim din siya sa lovelife niya. Kahit bestfriend ko siya, alam kong may tinatago din siya. "Where do you want to eat?" Tanong niya habang nagdridrive. "Steak house, please" I'm craving for steak. And I just finished my work earlier. Ilang oras akong nandoon sa Operating Room bago natapos. Nakakapagod din pero worth it kapag alam mong naligtas mo ang isang tao. "You look spaced out. You okay?" "Nah, namiss ko lang sila Nanay" Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa labas. Di nagtagal ay nakarating na kami sa isang steak house. Dahil sa pagod at gutom ay naka dalawang steak ako. Kahit matakaw naman ako, napapanatili ko parin ang figure ko. Kaso nga lang, wala na ako sa kalendaryo pero wala parin akong jowa. "You're pouting? Seriously?" Tinawanan niya pa ako. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. "Kasi namomoblema ako. 33 na ako pero wala parin akong boyfriend" Napabuntong hininga ako. Baka tatanda akong dalaga nito. "Nandito naman ako" "Pardon?" Tanong ko. Agad siyang umiling. "Nah, may dadating din para sayo" Sabi niya. Napatango na lang ako. "By the way, I'm giving you a two days break. You successfully did a great job for 5 heart operations, Veanice. Napakagaling mong doctor" "Parang ikaw hindi?" Nakangisi kong sabi. "Parehas tayong magaling, Veanice" Ngumisi rin siya saakin. Napailing na nalang ako at natawa. Isa akong Cardiologist at isang Neurologist si Martin. Isa siya sa pinakamatalinong Neurosurgeon dito sa America. At maraming babae ang humahabol sa kanya pero wala naman siyang pinapansin. "What should I do for my 2 days break?" Kunot noong tanong ko. "Secret. I have a surprise for you, Veanice. Talagang magugulat ka" "Oh, okay then" Sabi ko. Nakangisi parin siya na parang aso. "Tama na nga yang kakangisi mo!" Umirap ako sa kanya. "Why?" He chuckled "I'm just excited to show you my surprise tomorrow" "We are not aging backward, Martin. May plano ka na bang mag settle down?" Tanong ko. Iniba ko ang topic dahil naiinis ako kapag ngumingisi siya na parang aso. Nakita ko namang napahinto siya. "I don't have any plans yet. I'm still waiting for her" Sabi niya. "Sino ba yang her na yan?" Kunot noong tanong ko. "Wag mo ng alamin" Tumahimik na lang ako. Uminom ako ng tubig at tumikhim. "We should go. Baka may mga bagong pasyente" Sabi ko. "Oh, let's go then" Tumayo na ako at lumapit naman saamin ang waiter. Agad binayaran ni Martin ang expenses at agad na kaming umalis. NAPAPIKIT AKO habang nakasandig sa swivel chair ko. Kakatapos ko lang mag-opera ng isang pasyente. Its tiring but I'm really happy that its successful. Nagbihis na ako ng damit at kinuha ang bag at car keys ko. Nagpaalam na ako kay Martin at Bianca. Agad akong umuwi sa apartment na tinitirahan ko. Hindi ako bumili ng bahay. Its still useless. Alam kong sa Pilipinas parin ako uuwi. Its already 2am when I got home. Agad akong nag shower at nagbihis ng pantulog. Bukas na ang simula ng 2 days break ko. Umingos ako. Nagbreak pa eh 2 days lang din naman. Kuripot talaga yang si Martin pagdating sa dayoff. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang skype. Habang nagcacall ay pumunta ako sa kusina para makakuha ng snacks. Kumuha ako ng lays at isang tumbler ng tubig. Umupo na ako sa kama at humarap sa laptop. Napangiti ako nang makita ko si Venice at Veronica. "Ate!" Kumaway sila saakin. "Kamusta na?" Sabi ko. Ngumiti si Veanice at itinaas ang kaliwang kamay niya. "I'm engaged!" Masayang sabi niya. "Kanino? Anong engage pinagsasabi mo, Venice?!" Kunot noong tanong ko. "Ate....joke lang! HAHAHA. Bigay saakin ni Tristan atsaka di kami engage no. Excited much" Napatango na lang ako. As of now, masaya naman ang dalawang kapatid ko sa dalawang Rio. Ayaw ko ng magkaroon ng ugnayan sa mga Rio. Pero alam kong di ko mapipigilan sila Venice at Victoria. Mahal nila ang dalawang Rio na yun. Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang mukha ni Craize sa utak ko. Parang flashback na lumabas sa utak ko ang mga nangyari. Agad akong napapikit at napailing. "Ate okay ka lang ba?" Tanong ni Victoria. "I'm okay" I'm really okay. - RHEAlisticFantasy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD