Chapter 2 Messed up

1610 Words
Anya Naramdaman ko ang kaunting sinag ng araw na humahaplos sa aming mukha that made me woke up. "Oh shittt, bakit masakit ang ulo ko at sobrang uhaw. Gusto kong uminom ng tubig." Yun ang unang nag-register sa aking utak as I open my eyes. My throat is dry. When I look around, I'm shock. The room is not familiar to me. "Oh my God nasaan ako? Bakit di familiar sa akin ang aking kinaruruonan? The room is big at sobrang ganda. Paano ako napunta sa lugar na ito?" Naguguluhan parin ako sa nangyari. When my eyes landed sa kabilang side ng bed. Nakita ko ang isang bulto ng katawan ng isang lalaking hubad. Napapalaki ang aking mga mata when I realized what just happened. The memories of last night flooded in my mind bit by bit. "God, what I have done?" I look at myself then I realized I am naked too. Dali dali kong kinuha ang aking mga damit at nagbihis kaagad. Ramdam ko ang pananakit sa buo kong katawan pero di ko alintana yun. All I want is makaalis sa lugar na ito baka magising pa ang lalaki na aking katabi. Nakakahiya. Nakalabas ako ng room na di napansin ng lalaki na ipinagpapasalamat ko. Pero di ko akalain na sobrang malaki pala ang bahay nila at di ko alam ang tamang daan pa main door. After few walks I see stairway. Saka ko nalaman na nasa second floor pala kami. Kaya dali dali akong pumanaog. Pero sa aking pagkadismaya nakita ako sa isang maid sa bandang baba ng stairway na may pagtatakang nakatingin sa akin. "Shacks nakita ako, paano na?" Ngumiti ako ng alanganin sa kanya at lumapit. "Hi Manang magandang umaga po. Saan ba dito ang palabas ng bahay?" Magalang kong bati baka akalain niya na bastos ako. Tinuro niya ang malaking entrance na gilid na di nagsasalita. Kaya dali dali akong tumungo sa may entrance. At last makakaalis na ako pero di ko pa inabot ang pintuan ng may narinig akong boses sa aking likuran na tumikhim. "Who are you? Bakit ka narito sa aking pamamahay?" Tanong ng isang baritong boses na seryoso. Base sa tuno niya para siyang strikto na tao. Bigla akong kinabahan, di ko alam kong lilingon ba ako or would I run without turning back. "Answer me lady. What are you doing in my house? Sino ang nagdala sayo rito?" I have no choice kundi harapin ang taong kumausap sa akin. Di ako bastos na tao, may pinag-aralan ako. Baka paghinalaan pa akong magnanakaw. Kaya lumingon ako na nakatungo ang ulo "Good morning sir. Pacensya na kung nakaisturbo ako. Wag kayong mag-alala di ako magnanakaw." Kinakabahan kong saad. Unti unti kong itinaas ang aking ulo para tingnan ang lalaking kumausap sa akin. Pero nabigla ako sa aking nakita. Familiar ang matanda na aking kausap. He looks at me na nangungunot ang noo. I guess he also recognized me. Napalaki ang aking mata ng naalala ko kung sino ang aking kausap. "Tito Jess;" pabulong kong wika, di intensyon ipaalam sa kanya. "Anya, is that you? Paano ka napunta dito? Sino ang kasama mo?" He smiled widely upon recognizing me. "Yes Tito, kumusta na po;" alanganin kong sabi. It's been a while na di ko na sya nakita at nakausap. I guess 5 years ng nakalipas. When I realized the situation. My God nasa bahay ako ni Tito Jess. Kaano ano niya ang lalaking nakasama ko kagabi? Possible kaya na anak niya yun? Alam kong may anak siyang lalaki. Ni nakalimutan ko ang kanyang pangalan. Ganun na ba talaga ako kalasing kagabi? "Answer me Anya, bakit ka narito? Sino ang kasama mo? Bakit di ko alam na andito ka pala?" Di ko alam ang sasabihin sa kanya. Nahihiya ako. "Ah wala po Tito, sige aalis na po ako. Pacensya na kasi nagmamadali ako ngayon eh, may klase pa akong hahabulin." Dali dali akong tumalikod at nagmamadaling umalis. Di ko kayang sabihin sa kanya ang nangyari. Akala ko okay na lahat ng nakarating ako sa may gate coz the guard open the gate smoothly without a hassle. Pero yun ang akala ko kasi when I was out of the gate sumalubong sa akin ang maraming reporters sa labas. "Miss, how are you related with the Romano's? Are you the girlfriend of Jaden Rhinos? Paano ka na-involve kay Jaden kung may girlfriend na siya?" Yun ang sunod sunod na tanong ng mga reporters at napatulala lang ako sa kanila. I don't know what to say, I was caught off guard. Pinalibutan ako ng reporter. Buti nalang hinarangan sila ng guard at pinasakay ako ng taxing dumaan. "What had happened?" Bigla akong nawalan ng lakas sa aking sinapit ngayon umaga. Jaden pala nangalan niya. Ganun ba siya ka kilala para marecognize ng mga reporters? Bakit naruon sila? I still can't gasp with what just happened. My problem is paano kapag nalaman ni Tito ang nangyari? Nakakahiya. He is like a father to me. I just hope di niya malalaman. My mind went back sa nangyari dati, dahilan kung bakit nakilala ko si Tito Jess. That was summer evening, I was 12 years old that time. "Anya dali, ang mga magulang mo nasa ospital?" Natatarantang sigaw ni Tita Milli kapatid ni Papa. "Tita bakit po? Anong nangyari kina Mama at Papa?" Kinakabahan kong tanong. "Di ko pa alam Anya, may tumawag lang sa akin. Naruon daw ang mga magulang mo sa ospital at critical kaya pumunta tayo dun." Pagdating namin ng hospital, the doctor said my parents are still battling with their lives. Grabe ang impact ng aksidente. Maraming sugat at apektado ang internal organs. May pulis na nag-iimbestiga. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa panahon na yun. I am still young. Ni di alam ang dapat gawin, naging sunud-sunuran ako sa mga nangyayari. After two days magkasunod binawian ng buhay ang aking mga magulang. Lungkot, takot at pangamba ang lumukob sa akin sa time na yun kasi paano na kami ngayong na wala na sila? Paano kami mabubuhay? Saan kami pupunta? Nalaman namin galing sa pulis na may bumangga kina Papa na nakamotorsiklo at lasing, dahil matulin din ang pagmamaneho ni Papa nahihirapan siyang bumawi sa manubela. May nakakasalubong sila na isa pang kotse. Papa tried not to hit the incoming car kaya sila bumangga sa gutter ng kalsada. It was a big impact. Walang nakulong kasi patay ang nakabangga sa kanila. Di rin kasalanan ng halos kabanggaan ni Papa dahil nasa tamang linya sila. "Iha ikaw ba si Anya? I'm Jess Romano. I'm sorry for your lost." Di ko siya kilala. "You probably don't know me. Ako ang may-ari at sakay sa kotse na halos kabanggaan ng mga magulang mo. If they don't turn right possible na magcollision kami." Siya pala yung sinasabi ng pulis na iniwasan ni Papa ni di mabangga. "Di ko alam kung paano ko mapapagaan ang sitwasyon nyo but I'm willing to pay for the hospital expenses, funeral ng mga magulang mo at sasagutin ko ang pag aaral mo at ng iyong kapatid hanggang kayo ay makatapos. Kahit yan man lang magawa ko sa iyong magulang." Di parin ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakinig. Kinausap din niya ang tita ko. Sila ang nagkasundo. Yun ata ang pinakamadilim na yugto ng aking buhay. Nangangapa at di alam ang gagawin. Para akong nakalutang sa hangin. During the funeral, nakita ko naman si Tito together with his wife at mga anak nila. May nakita akong gwapong lalaki na di ngumiti at mukhang seryoso. Simula noon pabalik balik na sina Tito sa bahay namin. Kinakamusta kami, binibigay ang aming mga pangangailangan. Si Tita Millie ang nangangalaga sa amin. Ang alam ko sinagot ni Tito pag-aaral namin kung saan kami nag-aaral dati. Patuloy kaming nakapag-aral sa private school. Malimit magkasakit ang aking kapatid at alam kong sila din ang sumasagot sa gastusin sa hospital. Mabait sila Tito Jess at Tita Rica. Minsan nagdadala sila ng grocery sa bahay namin at pinapasyal kami. After 2 years nag-asawa ang Tita Millie ko. Dun na nagsimula ang kalbaryo ng aming buhay. Bininta ni Tita ang bahay namin dahil nagkasakit ang kanyang anak. We transfer sa maliit na apartment. After ilang years minsan ko nalang makita si Tito sa bahay na bumibisita simula nong namatay si Tita Rica, asawa niya. Alam kong patuloy nagsusuporta si Tito sa mga pangangailangan namin. Si Tita Millie ang directang kumukuha sa sustento na binibigay ni Tito Jess. Pero di lahat napunta sa amin. Dahil walang maayos na kita ang kanyang asawa. Alam kong sila ang gumagamit sa pera na bigay ni Tito para sa amin. Wala naman akong lakas na suwayin si Tita kasi pinagbantaan niya kami na palayasin. Kaya ako nagtatrabaho din para sa mga pangangailangan namin ng aking kapatid, lalo na kapag nagkakasakit siya. My sister has a weak heart simula nong ipinanganak siya. Nahihirapan siyang huminga kaya madalas siyang naoospital at may maintainance pa siyang iniinom. Kahit ginastusan kami ni Tito Jess, ayaw kong abusuhin ang kanyang kabaitan. Tama na sa akin na patuloy kaming nakapag-aral ng aking kapatid. Sa totoo lang di naman niya kami obligasyon. Everytime magkasakit ang aking kapatid ako na ang sumasalo. I work double time, different parts time jobs para makaincome at di na kailangan pang humingi sa kanila. At ngayon sobrang nahihiya ako sa kanya kanina. Ni di ko siya kayang tingnan sa mata. Paano na kapag nalaman ni Tito ang nangyari? Baka magalit siya sa akin at putulin ng tuluyan ang sustento niya sa amin. Bakit ba hinayaan ko ang sarili na mawala sa katinuan sandali? I know I messed up big time. Sana it will pass like nothing happens.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD