UMAGA na sila nakarating ng bahay. Ang sabi ni Daddy Luther, mauna na ako sa loob at i-parking niya lang ang sasakyan.
Hindi siya sumagot pero idinaan niya sa tango. Bago bumaba ng sasakyan ay nilingon pa muna ni Cariza, ang stepdad niya. Ang hindi niya inaasahan ay nakatingin din pala ito sa kanya. At ang mga mata nila ay nagsalubong kaya hindi na niya tuloy magawa pang bumaba ng sasakyan.
Kundi pa ito nagsalita at sinabing sige na umuna ka na sa loob. Hindi pa sana siya kikilos para bumaba.
“Opo, Daddy Luther.” Sagot niya bago tuluyan bumaba at naglalakad papasok sa loob ng bahay. Suballit sinalubong siya ng malakas na sampal kaya ikinatulig niya.
Hindi lang yon, mahigpit siyang hinawakan sa buhok ng kanyang ina bago kinaladkad. Dahil sa matinding sakit ay napaluha siya. Ang pakiramdam niya ay matatanggal lahat ng buhok niya sa anit.
“M-Mommy, masakit po.”
“Malandi, haliparot, wala kang delikadesa at sa Motel pa kayo natulog ng Stepdad mo!” malakas na sigaw ni Mommy, bago malakas siyang itinulak nito. Sa puntong yon ay na pasubasob siya sa semento. At ang mukha niya ay kumayod sa matigas na bagay.
“Stop!” narinig pa ni Cariza, ang galit na boses ng stepdad niya. Ngunit hindi siya lumingon dahil sa matinding kirot na nararamdaman. Ang hapdi ay nagmula sa kanyang mukha. Saka lang niya napansin ang dugong umaagos sa kanyang pisngi. Nang tumulo na iyon sa semento.
“A-Ang mukha ko!” sigaw niya ng hindi sinasadyang nakapa ang kanyang kabilang pisngi. “D-Daddy Luther.” Tawag pa niya dito habang patuloy sa pag iyak. Agad naman siyang umangat sa ere at napapikit na lamang si Cariza. Dama niya ang mabilis na hakbang nito patungo kung saan. At namalayan na lang niya nasa loob na siya ng sasakyan.
“Hold on baby, dadalhin kita sa ospital.” Nang marinig ang sinabing iyon ng stepdad niya ay unti-unti siyang nagmulat ng mata bago tumingin dito. Nakita niya ang matinding galit nito at hindi malaman kung para kanino iyon. Hindi na rin mapigilan makaramdam ng takot. Lalo pa at ang panga nito ay naggagalawan sa sobrang galit. At ang kamao ay mahigpit na nakahawak sa manibela.
“Simula ngayon wala ng makakapanakit sayo.”
Hindi niya pinag-ukulan ng pansin ang huling sinabi ng kanyang stepdad. Dahil ang nasa isipan ay ang galit ng kanyang ina. Unang beses na galit at sinaktan siya nito ng ganun katindi.
“Baby, huwag ka muna mag-isip ng kahit ano. Ang dapat mong gawin ay sikapin ma-relax ang isipan.”
“D-Daddy Luther, ang mommy ko po galit siya sa akin.” Sumbong niya dito kahit alam naman yata nito iyon. Dahil kanina ay pinatigil pa nga nito si Mommy sa pananakit sa kanya.
“Alisin mo sa isipan ang tungkol sa kanya. Wala kang dapat pagtuunan ng pansin kundi ang gagawing operasyon sa iyong mukha.”
“B-Bakit po ooperahan ang aking mukha?” hindi niya mapigilan ang takot bakit kailangan siyang operahan?
“Baby, kailangan natin gawin yon upang maibalik sa dati ang nasira mong mukha. At huwag kang matakot hindi mo naman yon nararamdaman.” Ani Daddy Luther, ganun pa man ay muling tumulo ang kanyang luha. Bakit nagawa siyang saktan ng ganito nang kanyang ina. Natulog lang naman sila sa Motel, at hindi naman nila yon ginusto.
Napatingala siya ng madama ang haplos ang kanyang buhok. Muling naghinang mga mata nila ng kanyang Stepdad. At kahit pilitin nito na maging kalmado ay nakikita pa rin niya ang galit sa mga mata nito.
Hindi napigilan ni Cariza, yumakap siya ng mahigpit dito. pakiramdam niya ay ligtas siya sa bisig ng kanyang stepdad. Tanging dito lang siya nakakaramdam ng ganitong kapanatagan.
Pagdating nila sa ospital at sinalubong sila ng mga doktor.
“Master Luther, dito po tayo Sa emergency room.”
“Nasaan si Dra. Anjaneth Jones?”
“On the way na, Master Luther. Pakihiga mo muna siya dito habang hinihintay si Dra. Anjaneth Jones”
“Tawagan mo sabihin mo bilisan!”
“Yes, Master Luther.”
Nakikinig lang si Cariza, bakit ganun makipag-usap ang stepdad niya? Bakit kung umasta parang ito ang may ari ng ospital?
“Baby, ayos ka lang ba konting tiis pa parating na si Doktora.”
“Ayos lang po ako, Daddy Luther, medyo mahapdi lang pero kaya ko naman tiisin.”
“Master Luther, malapit na raw si Dra. Jones.”
“Okay, salamat.” Bago muling bumaling kay Cariza. At habang nakatitig si Luther sa mukha ng dalagita ay muling bumangon ang galit niya. Hindi niya ito magagawang palampasin, binalaan na niya ang babaeng yon. Pero hindi nakinig bagkus ay sinaktan pa ang kaisa-isang taong mahalaga sa buhay niya.
“Daddy Luther, si M-Mommy, hindi po ba niya ako pupuntahan dito?”
Hindi siya sumagot pero niyakap niya ako. At ayon na naman ang kakaibang pakiramdam ni Cariz. Ang dibdib niya ay napaka lakas ng kaba. Halos naririnig na niya ang t***k ng puso sa lakas ng pintig. At hindi nga siya sigurado kung nagmumula ba yon sa dibdib niya. O baka naman mula sa dibdib ng kanyang stepdad?
“Hindi siya pupunta dito dahil takot yon. Kaya kalimutan mo muna ang tungkol sa kanya.”
“O-Opo.” Tipid na sagot ni Cariza, at lihim niyang dinadasal na sana huwag nga magpunta ang mommy niya. Dahil sigurado sasaktan na naman siya nito.
“Sorry, na traffic ako, kumusta siya?” Agad na lumayo si Cariza, sa stepdad niya. Nakaramdam siya ng hiya nang marinig ang boses ng isang babae.
“Please, gawin mo ang lahat upang maibalik ang dati niyang mukha.”
“Kung hindi naman malalim ang sugat madali lang yon gamutin at walang magiging problema. Ang mabuti pa ay lumabas ka muna at susuriin ko ang sugat niya….”
“No! I stay here, nais kong malaman agad ang tunay niyang sitwasyon.”
“Fine!” Bago nagsimula sa pagsusuri, at hindi mapigilan ni Cariza, ang mapaluha. Lalo pa at hinawakan ng kamay nito ang sugat niya sa mukha. Nakasuot naman ng medical gloves si Dra. Anjaneth Jones. Kaya sigurado safe ang mukha niya sa bacteria na maaring makuha.
“Medyo malalim ang sugat niya, but don’t worry makakaya naman ibalik sa dati ang mukha niya. Yon nga lang medyo matatagalan ang treatment. At kakailanganin ng mahabang pasensya.”
“What do you mean?” Salubong ang kilay na tanong ni Luther, kay Dra. Anjaneth Jones.
“Alam ko busy ka lagi sa trabaho mo, pero kailangan mo siyang bigyan ngayon ng atensyon. Meron akong ibibigay na mga gamot after surgery, at kailangan mong mag stay sa tabi niya. Ang sabi mo ayaw mo ng private nurse, so, ikaw ang mag aalaga sa kanya. Hindi siya maaaring pumasok sa eskwelahan o maexpose sa labas.”
“Paano ang pag-aaral niya?”
“Kailangan niyang huminto, dahil ang mukha niya ay hindi maaaring alisan ng benda.”
“Gaano katagal?”
Kapag plastic surgery sa mukha, probably will take 6 months or more to see the final result. Pero hindi naman pare pareho ang balat natin. Meron mabilis ang recovery at meron din mabagal. Kapag ganun umaabot ng isang taon.”
“So, kailangan talaga niyang huminto sa pag-aaral?”
“Yes, to make sure, ligtas siya sa sa kahit anong infections.”
Hindi sumagot si Luther, iniisip niya kung dalhin na lang sa ibang bansa si Cariza. Baka mas mapabilis ang recovery niya doon.”
“Maiwan ko muna kayo at hintayi ang staff na kukuha sa kanya.
“Okay, pero kasama ako sa loob ng surgery room.”
“Whatever! Sundin mo ang sadbaihin ng nga nurse. Meron silang ibibigay sayo na dapat mong suotin. Maiwan na kita magkita na kang tayo sa loob.”
“Salamat.” Ani Luther.
“Wala yon.” Ani Dra. Jones.
UMABOT ng 2 to 5 hours, bago natapos ang facelift surgery. At nauna ng lumabas si Luther mula sa operating room. Ngunit nang makita ang mommy ni Cariza, nais niyang kaladkarin ito palabas ng opsital.
Ayaw lang niyang gumawa ng eksena kaya hindi na lang ito pinansin. Subalit hinabol siya nito kaya ang ginawa ay lumabas na lang siya sa exit.
“Luther, kauspain mo ako!” Malakas nitong hiyaw sa kanya. At sa pagkakataon na yon naputol ang pagtitimpi ni Luther. Humakbang siya palapit sa babae at malakas itong sinampal.
“Binalaan na kita pero hindi ka nakinig!”
“Walanghiya ka bakit mo ako sinampal ha? Gusto mo ibuking kita kay Cariza, kung sino ka talaga?”
“Gawin mo kung nais mong mamayang gabi rin ay paglamayan ka!” Bago ito tinalikuran at nagpupuyos sa galit na tumungo sa parking area.
Sumakay sa loob ng sasakyan pero hindi iyon inaandar. Nanatili lng siya sa loob habang nag iisip kung tuluyan na bang aalisin sa landas niya ang babaeng yon.
Sumandal muna siya sa upuan at pumikit sapagkat bigla na lang sumakit ang kanyang ulo.