Cedric
Sa totoo lang ang sarap nyang asarin. Parang pusang gustong mangalmot. I wonder what she's like in bed, Hahaha! Stop it Cedric! May sugat na nga ang paa ay pinag iisipan mo pa ng mga makamundong pagnanasa mo.
Pinili ko talagang maupo sa tabi nya sa lounge noong nasa Maynila pa lang. Pero hindi ko naman akalain na makakatabi ko rin sya sa eroplano. Talk about fate. But I don't believe in fate — I decide my fate.
She looked so serious mukhang hindi masayang magpunta ng bakasyon. I know I have a gorgeous face — pwera yabang. But when I saw her stared at me, biglang bumilis ang pintig ng puso ko. At sa pagka taranta ko ay kahambugan ang lumabas sa bibig ko. Her mouth though, ibang klase. Ano ngang sabi nya? I've seen better yata.
I wanted to wake her up in the plane noong lumapag kami pero baka kagalitan na naman nya ako. Naglagay pa nga ng earphones para hindi ko kausapin noong umupo. She is a challenge and I like a really good challenge. Wala pang humihindi sa akin.
I saw her surf too. She does it gracefully and she surfs like a f*cking pro! I have been watching her from the shore and I already hate the men that were glued watching her earlier this week. Gusto kong pagdudukitin ang mga mata nila isa isa. Her body has the right curves in all the right places. Her bust is not too big but perfect for my hands. Sa isip ko lang iyon at hindi ko nahawakan. Gaaaah! I felt myself hardening just thinking about it and now they're pressed on my back.
Tapos ngayong araw na ito, nakita ko syang naglalakad palayo ng palayo, balak mag swimming lang. Nanawa rin sa pag surf. Nang makita ko syang palayo ay sumunod ako, I have been here many times at sa ganda nya ay hindi malayong may magtangka.
"Why? Puro tikin ba ang mga babae mo?" Ano ba itong mga lumalabas sa bibig ko.
His shoulder shook. "I don't know what tikin means but it sounds funny enough. Ulam ba yun?"
"Kailan pa naging ulam ang mga babae?"
"They are a rare delicacy." Sabi ko sa kanya. I felt her stiffened pagkatapos ay naramdaman ko ang palo nya sa balikat ko. I don't know what is going on in her head right now lalo at hindi ko kita ang mukha nya.
"Tikin is thin you moron hindi ulam!"
Napahagalpak ako ng tawa. "Ooops! My bad. I will add that to my book."
"Dapat kasi tinanong mo na lang kung ano yun hindi yung manghuhula ka." Bumulong bulong pero sa lapit nya ay dinig ko rin. "Such a know-it-all, aish!" She sounded irritated with me. Para tuloy ang sarap nyang lamukusin ng halik. She tasted really good when I kissed her, and her soft moan drove me wild. Kung wala syang stinger sa paa ay baka nakalimutan ko kung nasaan kami kanina. "Malayo pa ba?"
"Malapit na. Ilang hakbang na lang." Naghananap siguro ng hotel na kagaya ng sa kanya. But I like staying in the same place as the locals. Basta malinis, it doesn't have to be grand. It makes me feel normal.
"Where is your hotel?" Inip na tanong nya. "It feels like we have been walking for hours."
"Hiyang hiya naman ako sa iyo prinsesa, kung ako kaya ang buhatin mo?" May sarkasmo ang sagot ko sa kanya.
"Sino bang may sabi na sumampa ako sa likod mo? Hindi ba ikaw? Nag insist akong mag lakad ano!?"
Tamo 'tong babaeng ito, sya na nga ang tinutulungan sya pa ang ma-attitude. But my mind says I bring out the worst in her. Which is 99% true. The 1% is just her bratty self.
Inginuso ko sa kanya. "That one?"
"That shack?" The cringe and shock in her voice tells me she grew up with a silver spoon on her mouth.
"Yeah, you have a problem with that?" Tsk. Prinsesa talaga.
I heard her swallow. "Wala." Nang makarating kami sa harap ng pinto ay inikot ko ang combination ng kandado at pumasok kami sa loob. Inilapag ko sya sa sofa bed na ngayon ay nakatiklop.
"I'm going to call a doctor para matingnan yang paa mo. Then magluluto ako para makakain na tayo. Do you have allergies?" Tanong ko sa kanya.
Nang hindi ako makakuha ng sagot ay tumingin ako sa kanya. She looked fascinated with the place. The place I am staying at is very simple. A minimalist at its finest. I have dinette beside a small kitchen with a 2 burner. A sofa bed in the living room and a small coffee table. The tv is a flat screen but it's not even 30 inches. The bathroom maybe small but is decent with a shower enclosure. There's also a bidet for the toilet.
Naramdaman nya siguro ang pagtitig ko sa kanya kaya napalingon sya sa akin. "Uhhh -- did you say something to me?"
"I said I am going to call a doctor then cook us dinner. Do you have food allergies?" ulit ko sa kanya. Nakakaaliw syang pagmasdan.
Umiling sya. "I don't have any allergies." Hinagip nya ang throw na nasa sofa at ibinalot sa sarili nya. Nakaramdam siguro ng lamig ng buksan ko ang bintana sa may kitchen. Stupid me dapat ay kanina ko pa sya inabutan ng damit.
Tumawag ako ng on call doctor at pinapunta sa bahay ko. He doesn't live far from her. I am sure mayamaya lang ay nandito na. Na-meet ko one time, surfer din sya.
I saw her checking her phone for signal while I was chopping. Gusto kong matawa. Walang signal sa parteng ito. She needs to move a little closer to her hotel if she wants to get a signal.
Namalengke ako kanina at nag marinate ng chicken. I have fresh lettuce, tomato and cucumber for the salad. May nuts din ako at dried cranberries to mix with it at salad dressing. Prinito ko ang chicken at habang ginagawa ko yun ay ginawa ko ang salad. I have never made food for any woman except for my mom and sisters. Sya pa lang. And I don't even know her name!
"What's your name?" tanong ko sa kanya.
"Lexi." maikling sagot nya.
"Do you have a last name?" tinihaya ko pa ang kamay ko para imustra sa kanya ang tinatanong ko.
"Pritzker."
Apelyido pa lang mukhang mayaman na. Kaya naman pala parang prinsesa.
Prinsesa ko. Gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa pader. Kung ano ano ang mga pumapasok sa isip ko simula ng makilala ko sya.