MATTHEW DEL FRADO’S WIFE

MATTHEW DEL FRADO’S WIFE

book_age18+
405
FOLLOW
3.4K
READ
HE
opposites attract
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Queen Stella Gonzaga

Isang ate na kayang magsakripisyo para sa nag-iisang kapatid. Gagawin niya lahat para mapagtapos ito.

Matthew Del Frado

Isang lalaking happy-go-lucky at babaero. Hindi niya tipo si Stella dahil sa chubby ito at manang manamit pero nang may mangyari sa kanila ay naging dahilan iyon para matali sila sa isa’t isa.

**

Mapapatino kaya ni Stella ang isang Matthew Del Frado kung taliwas siya sa mga babaeng naikakama ng asawa?

Ano ang kayang gawin ng isang Matthew Del Frado para humiwalay kay Stella?

Mapapayag ba niya ang asawa niyang si Stella?

At hanggang saan aabot ang galit ni Stella para kay Matthew Del Frado?

ic_default
chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Skyler, gising na riyan.” Niyugyug ni Stella ang kanyang kapatid para mas madali itong magising. Alasais na kasi at tulog mantika pa rin ito kahit alam nitong may pasok ngayon. “Hmm. Ate, bakit?” sagot nito at bakas pa ritong antok na antok pa. “Aba, lunes ngayon, Sky. Wala ka bang balak pumasok?” tanong niya rito at nameywang sa harap nito. Dahan-dahan itong nagmulat ng kanyang mata at tumingin sa kanya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito. “Highblood na naman si ate. Ang aga-aga, pumapangit ka tuloy,” wika nito at tumawa pa. “Aba’t may gana ka pang mambola?” sabi nito at akmang kikilitiin niya ito nang mabilis itong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto habang tumatawa. Napailing na lang siya sa kapatid niya habang nangingiti. Sinimulan na rin niya ayusin ang higaan nito na madalas niyang ginagawa. Siya si Queen Stella, 25 years old. Nagtatrabaho sa isang karinderya upang may maibigay na pambaon sa kanyang kapatid. Nasa grade 9 na ito at gusto niyang mapagtapos ito sapagkat iyon ang hindi niya nagawa dahil sa kahirapan. Maagang pumanaw ang kanilang ina kaya napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil walang ibang magpapaaral at magpapakain sa kanilang magkapatid. Sapagkat nang pumanaw ang kanilang ina, nagbago ang kanilang ama. Naging lango ito sa alak at sugal na tila nakalimutan na nitong may anak pa ito na kailangan buhayin. Hindi na talaga niya ito maaasahan kaya kumilos na siya para kapatid niya, dahil hindi siya sila mabubuhay kung hindi siya magsasakripisyo. Wala rin siyang balita sa parents ng kanyang ama dahil hindi naman nagkuwento ang magulang niya tungkol doon. Habang sa kanyang mother side naman ay pumanaw na ang kanyang lolo at lola. Ang mga kapatid naman ng kanyang ama ay itim ang budhi at gahaman sa pera kaya ayaw ng kanyang ama na humingi ng tulong doon. Minsan, naiisip niya na baka kaya ganoon ang kanyang ama ay dahil din sa mga kapatid nito. Noong nabubuhay kasi ang kanilang ina, madalas itong sermonan ng mga kapatid nito na kung sana raw pumayag magpakasal sa isang babaeng mayaman noon na hindi raw sana ganito ang buhay ng kanyang ama. Nang mamatay ang kanyang ina, walang kapatid nito ang pinapunta niya dahil sa galit nito. At pagkatapos mailibing ang kanilang ina, ang dating masayahin at mabait niyang ama ay nagbago. Naging sugarol, manginginom at palaging galit. Hindi niya ito magawang iwanan o talikuran dahil minsan itong naging mabuting ama sa kanilang magkapatid at alam niyang babalik pa ang dating ugali ng kanyang ama. Kaya kahit mahirap, nagtitiis siya dahil alam niyang matatapos din ang problema at paghihirap nila. “Ate, pasuyo po, paabot po ng tuwalya!” sigaw ng kapatid niya mula sa banyo. Mabilis na lumipad ang kanyang mata sa sarili nitong tuwalya na nakasampay saka niya kinuha at lumabas ng kwarto. “Hay naku, Sky! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa ’yo na kapag maliligo ka dalhin mo na ang tuwalya,” sabi niya habang naglalakad palapit sa banyo. “Nakalimutan ko po,” sagot nito. Iniabot niya ang tuwalya rito. “O siya, bilisan mo na at kumain na rito bago pumasok. Nasa bag mo na rin ang lunch box mo,” saad niya at nagtungo sa kanilang kusina. Hindi ito sumagot, marahil ay nagbibihis na ito sa kwarto. Napangiti siya habang kumukuha ng pera sa kanya pitaka. Pababaunan niya ito ng singkwenta. Malapit lang naman ang school nito, walking distance lang kaya alam niyang sapat ang baon na ito. Dinamihan na rin niya ang baon nitong kainin para hindi ito magutom. Mayamaya ay lumabas na rin ito at nakabihis na ng uniform kaya pinaupo na niya ito para pag-almusalin. “Kumain ka na,” sabi niya habang ipinagtitimpla ito ng kape. “Ang sweet naman talaga ng ate ko, siguro may ipapakilala na ’tong boyfriend sa amin,” sabi nito kaya napatingin siya sa kapatid. “Ano ba ’yang sinasabi mo, Sky? Kumain ka na nga lang. Puro ka kalokohan,” suway nito habang magaksalubong ang kilay. “Biro lang, ate. Ang ganda mo kasi para sumimangot palagi,” sabi nito at nagsimula nang kumain. “Naku, puro ka talaga biro, Sky. Kahit ano ang pambobola mo riyan ay hindi magbabago ang baon mo,” saad niya at ngumiti saka inilapit ang kape sa tapat nito. “Ahh, akala ko makakalusot,” sagot nito at humalakhak kaya sinamaan niya ito ng tingin. Naku, kung hindi niya lang mahal ang kapatid niya baka binangasan niya na ito. Pero alam naman niya na biro lang iyon dahil ganoon talaga silang dalawa tuwing umaga. Gusto nila ng positive sa umaga kahit mahirap ang buhay kailangan may dahilan pa rin para tumawa at maging masaya. “Siya, tama na ang biro. Tapusin mo na ’yan para makapasok ka na at aalis na rin ako papunta sa trabaho ko. Ito ang baon mo, lalagay ko muna sa bag mo, okay?” sambit niya at tumango naman ito. Umupo muna siya para humigop ng kape. Hindi na siya kumakain dito at sa karinderya na lang nag-aalmusal. Inaagahan din talaga nila ang kilos dahil kapag ganitong oras ay tulog pa ang kanilang ama. Ayaw niyang papasok si Sky na maabutan ng kanyang ama dahil kung ano-ano na naman ang sasabihin nitong negatibo. Patapos nang kumain si Sky at paubos na rin ang kape niya kaya napangiti siya. Hindi na siya mag-iisip dito kung busog ito habang nasa trabaho siya dahil alam niyang busog ito. “Salamat, ate. Aalis na po ako,” paalam nito at tumango lang siya. “Sige, huwag kang tatakbo, ah. Maaga pa naman kaya maglakad lang para exercise na rin,” bilin niya rito. “Opo,” sagot nito at isinukbit nito ang bag. Hinatid niya ito sa bukana ng pintuan at kumaway na lang siya nang makalabas ito. Nang makalayo na ito, bumalik siya sa kusina para ligpitin ang pinagkainan nila nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ng kanilang ama. Tumingin ito sa kanya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagliligpit. “Kakain ako,” sambit nito. “Ipagtimpla mo ako ng kape,” utos nito. Hindi siya nagsalita at sumunod na lang. Mabuti na lang, may fried rice at tuyo pa para sa umagang iyon. “Ulam, tuyo? Bagong sahod ka nang sabado tapos ito lang ulam?” tanong nito kaya hindi na siya nakapagpigil na sumagot. “’Binayaran ko po ang mga utang kay Aling Lydia, ’Pa. Bumili rin po ako ng bigas noong sabado para ngayong linggo at baon pa ni Sky,” sagot niya sa ama. Pagkatapos niya magtimpla ng kape ay ipinatong niya ito sa mesa sa gilid ng plato nito at akmang aalis na siya nang pigilan siya nito. “Nasaan na ang perang para sa akin?” tanong nito. “Wala na po, ’pa. Pambaon na lang po ito ni Sky hanggang biyernes,” sabi niya pero hinablot nito ang pitaka niya. “Papa, huwag, kay Sky 'yan!” sambit niya pero nabuklat na nito ang pitaka at kinuha ang perang laman. “Ito pa, ah. Dami pa nito pero pinagdadamutan mo ako!” sigaw nito sa kanya pero umiling ako. “Hindi po pa, 300 na lang ’yan pang-ulam at pangbaon pa ni Sky. Pakiusap po, ibalik ninyo na,” wika niya pero parang bingi si papa na ibinulsa ang pera at marahas na itinapon ang pitaka niya sa mesa. “Nawalan na ako ng ganang kumain. Baka swertehin ako ngayon dahil kagabi pa nangangati ang palad ko,” sabi ng kanyang papa at naglakad palabas ng kanilang bahay. Napabuntonghininga siya bago dinampot ang pitakang wala nang laman. Magsusugal na naman ito, imbes na hayaan na lang sana ang pera sa kanya dahil sa para sa pagkain naman iyon gagastusin pero kinuha pa. Napailing na lang siya bago itinago ang pitaka. Minsan, hindi rin niya mapigilan makaramdam ng inis sa ama at question-in kung bakit ito ganoon. Pero sa tuwing sasagutin niya ito at hindi nito nagustuhan ang sinabi niya, sinasaktan siya nito kaya mas pinipili na lang niyang manahimik. Mahal niya ang kanyang ama kaya nirerespeto niya ito kahit minsan napapagod na rin siya. Niligpit na lang niya ang pinagkainan ni Sky at dinala iyon sa lababo. Pinunasan din niya ang mesa at bumalik sa lababo para hugasan iyon, upang mamaya pag-uwi ni Sky hindi na nito kailangan trabahuhin iyon at magpapahinga na lang. Pagdating niya sa karinderya, naroon na sina Aling Perla at Mang Tomas. Ang mag-asawang may-ari ng karinderyang pinagtatrabahuhan niya. Parehong mabait sa kanila ang mag-asawa. Tatlo silang katuwang sa karinderya at sila rin ang may-ari nitong karinderya. Siya, Jenny na ahead sa kanya ng limang taon at si Maris naman na halos kasing-edaran lang niya. All around ang trabaho nila, tagahugas, taga-serve, tagabili o kahit anong trabaho na available gawin mo sa karinderya. Apat na daan isang araw nila doon dahil iyon ang gusto ng mag-asawa. Tinanggap talaga sila roon para tulungan kaya malaki ang pasahod ng mga ito. Mayaman din naman kasi ang mga ito at parang dagdag na lang ang kinikita ng karinderyang iyon. Maedad na rin ang mag-asawa kaya hinahayaan na lang ng mga anak para may pagkaabalahan. Hindi rin naman mahigpit sa kanila ang mag-asawa kaya nakakapahinga sila kapag walang customer pero kung maraming tao syempre kumikilos sila. “Stella, mag-almusal ka na muna.” Pero baka umalis na muna siya roon upang maghanap ng ibang trabaho. Hindi na kasi sumasapat ang sahod niya roon para sa pang-araw-araw nilang gastos dahil sa kanyang ama. Ayaw naman niyang tumigil si Sky kaya kailangan na niyang maghanap ng trabahong may mas malaking sahod. Kahit maayos ang trabaho niya roon, kailangan pa rin niyang pakawalan. “Huy, Stella, tawag ka ni Aling Perla.” Kinalabit siya ni Jenny kaya napalingon siya kay Aling Perla. Nakangiti ito sa kanya. “Pasensya na po. Bakit po?” tanong niya nang makabawi. “Nakatulala ka na naman. Sabi ko, mag-almusal ka muna habang wala pa masyadong customer,” sabi nito sa kanya kaya ngumiti siya at tumango. Masyado siyang problemado ngayon na pati sa trabaho ay nadadala na niya. “May problema ka na naman? Si Gerry na naman ba?” tanong ni Aling Perla sa kanya. Hindi siya sumagot dahil alam na nila ang sagot. Kilala rin kasi ang kanilang ama bilang manginginom at sugarol sa barangay nila, lalo na at hindi naman malayo ang karinderya na ’yon sa bahay nila. Kilala ng mga ito ang kanilang ama dahil madalas ito magpunta roon ng lasing para lang manghingi ng pera sa kanya. Kaya napipilitan siya mag-advance p*****t kay Aling Perla para may maibigay sa ama pagkatapos hahanapan pa siya kapag sahuran na. “Naku, 'yang tatay mo kaya kailan magbabago?” sabi ni Jenny. Hindi siya umimik dahil hindi rin niya alam ang sagot. Nakakuha na rin siya ng kanin at adobo na lang kinuha niyang ulam. “Baka hindi na siya magbago, bakit kasi hindi na lang kayo umalis magkapatid. Kaya mo naman buhayin si Sky, ah,” suhestiyon ni Maris sa kanya. “Mabait si Stella kaya hindi niya iyon gagawin sa kanyang ama. Dahil kung hindi, matagal na sana niyang ginawa iyan. Maswerte nga si Gerry sa anak niya kaso hindi naman niya nakikita,” sambit ni Aling Perla kaya napangiti siya dahil sa sagot nito. Kahit papaano nababawasan ang bigat ng problema niya kapag nakakausap sila. “Salamat po. Hindi ko na talaga alam gagawin kay papa. Napapagod na rin ako intindihin siya pero kung susuko ako mas lalo siyang mawawalan ng pag-asang magbago,” sagot niya sa mga ito. “Lakas makahatak ng positive aura,” sambit ni Jenny kaya nagtawanan sila. Hindi na rin siya muling nagsalita pa at nagsimula nang kumain pero ang utak niya ay nag-iisip na kung paano magpapaalam kay Aling Perla. Desidido na siya, aalis muna siya sa karinderya para maghanap ng ibang trabaho. Iyong malaki ang sahod, kung kailangan niya mamasukan ng katulong gagawin niya para sa kapatid niya. Pagkatapos niyabkumain ay hinugasan na na rin niya iyon. Sakto naman na may mga dumating na customer kaya nagpasya siyang sa kusina na lang muna para maghugas ng plato. Dahil nasa labas naman si Jenny at Maris para mag-served ng pagkain. Habang naghuhugas siya, naramdaman niya ang pagpasok ni Aling Perla sa kusina. Lumapit ito sa gripo at naghugas ng kamay. Si Aling Perla ang tumatayong cashier at si Mang Tomas ang tagapagluto ng masasarap na ulam kaya talagang dinadagsa ang karinderya lalo na tuwing hapon at weekend. “Stella, ayos ka lang ba? Para iba ang pagtahimik mo ngayon. Parang ang dami mong iniisip,” saad ni Aling Perla sa kanya. Nagpakawala siya ng buntonghininga at tumingin dito. Siguro ito na ang pagkakataon na hinihintay niya para magpaalam sa ginang. “Ah, Aling Perla, magpapaalam po sana ako sa inyo,” sambit niya. Napatitig ito sa kanya. “Tungkol saan?” marahang tanong nito. “Baka po hanggang ngayong linggo na lang ako. Maghahanap po ako ng ibang trabaho na mas sapat po ang sahod para sa amin. Alam ko po malaki ang sahod dito at malaki na rin naitulong ninyo, pero hindi na po sumasapat sa amin. Dahil ang laki po ng utang lagi ni papa sa tindahan bago kumukuha pa ng pera sa akin. Sana po maintindihan ninyo ako. Pasensya na po,” sabi niya. Nagpaliwanag na siya kahit hindi ito nagtatanong dahil nahihiya siya sa mag-asawa. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. “Ano ka ba, hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Naiintindihan ko. Lumalaki na si Sky kaya lumalaki na rin ang gastos. Ayos lang, pwede ka pa rin dito kapag wala ka pang nahahanap na ibang trabaho. Tutulungan din kita maghanap kung may makita ako,” sambit nito. Tila gumaan ang dibdib niya dahil sa naging sagot nito kaya napangiti siya. “Salamat po, Aling Perla. Napakabait ninyo po talaga. Salamat po,” saad niya. “Wala ’yon, hija. Isa lang ito sa maitutulong ko sa ’yo. Basta huwag kang susuko, makakaraos din kayo,” wika nito. Tumango na lang siya at ngumiti dahil lumabas na rin ito ng kusina. Nagpatuloy na rin siya sa paghuhugas habang nakangiti. Sa totoo lang, gusto siya pag-aralin ni Aling Perla noon pang bago pa lang siya, sagot nila allowance niya at lahat ng kailangan sa school. Pero hindi niya tinanggap dahil kapag nalaman iyon ng kanyang ama ay baka abusuhin nito ang mga perang pang-allowance. Isa pa, walang mag-aasikaso sa kapatid niya kaya mas pinili na lang niyang tanggihan kahit gustong-gusto niyang bumalik sa pag-aaral. ** Pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho niya nag-uwian na rin sila nang pumatak ang alasingko. Hanggang alasingko lang kasi ang karinderya nila Aling Perla dahil gusto rin ng mga ito na maaga makapagpahinga. Naglalakad na lang din siya pauwi at iniisip niya kung ano ang ginagawa ni Sky. Baka kasi mamaya nakauwi na ang kanilang ama at pagalitan ito. Sa shortcut na siya dumaan para mapabilis ang pag-uwi niha dahil magluluto pa siya ng sinaing para sa hapunan nila. Mabuti nga at pinabaunan sila ni Aling Perla ng ulam. Wala talagang natitira sa tinda pero pinagtira talaga sila nito para raw may maiuwi sila sa kanilang bahay, tunay ngang sobrang bait ng mga ito. Pero hindi pa man siya nakakarating sa kanila ay naririnig na niya ang pagsigaw ng kanyang ama kaya kumaripas na siya ng takbo papasok sa loob. Naabutan ko niyang nagsisisigaw ito sa sala nilang maliit habang may hawak na bote ng alak. Nagkalat din doon ang mga lumang pitaka na walang laman at ang ilang sling bag niya. Marahil ay naghahalungkat na naman ito ng pera. “Malas! Malas! Bwisit na buhay 'to oh!” “Wala man lang kapera-pera sa pamamahay na ’to!” Pagpasok niya, agad niyang hinanap si Sky pero wala roon. Napansin niyang sarado ang kwarto nilang magkapatid kaya alam niyang nandoon ito. Kapag nagwawala ang kanilang ama ay nagkukulong lang ito sa kwarto para hindi mapansin at mas gusto niya iyon. “Lasing na naman po kayo,” sabi niya at dumiretso sa kusina. Inilapag niya sa mesa ang ulam nang hindi tinatanggal sa plastic. Iinitin niya pa kqsi iyon mamaya sa sinaing. Naramdaman niyang naglakad ito papunta sa kanya kaya umalis siya at pumunta sa sala para ligpitin ang kalat. “Nandito na pala ang donya kong anak. Baka naman pwede makahingi ng pera sa ’yo,” wika nito na sumunod pa sa kanya. Hindi pa ito lasing at mukhang kakakuha lang ng alak. “Wala na po akong pera, kinuha ninyo na lahat kanina,” sagot niya at tiningnan ang alak. “Nakautang na naman kayo ng alak,” dagdag niya pa. “Ano’ng sabi mo?” sigaw nito at ibinato ang bote ng alak. Napatalon siya sa gulat nang mabasag iyon at may tumalsik pa sa binti niyang bubug kaya nagkasugat iyon. Napalingon siya sa kanyang ama. Nakita niyang masama itong nakatingin sa kanya. “Ang yabang mo porket may pera ka! Para kang mga kapatid ko, mayabang kapag may pera! Sumama ka sa kanila. Bwisit ka! Bwisit kayo at bwisit na buhay ’to!” sigaw nito at lumabas ng bahay. Napahinga siya ng malalim at napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat. Napailing na lang siya. Marahil ay natalo na naman ito sa sugal kaya mainit ang ulo. Ganoon ang ugali nito kapag natatalo sa sugal, kukuha ng alak para magpakalasing. Huminga siya ng malalim bago dinampot ang mga pitaka na nagkalat sa sala hanggang sa lumabas si Sky ng kwarto. “Ate, ayos ka lang?” tanong nito. Tumango siya at ngumiti sa kapatid niya. “Oo naman. Nagulat lang ako pero okay lang ako. Ikaw ba, hindi ka ba niya pinagalitan?” tanong niya. Umiling naman ito. “Hindi po ako lumabas ng kwarto nang marinig si papa. Natakot ako, ate, baka masaktan ako kasi narinig ko sa mga kapitbahay na talo raw si papa sa sugal,” sagot nito sa kanya. Mapait siyang napangiti dahil minsan talaga sa mga chismosa na lang din niya malalaman ang balita. Kaya minsan kahit ayaw niyang marinig o malaman, malalaman at malalaman pa rin niya. Daig pa nila dyaryo kung sumagap at magkalat ng balita. “Mabuti naman, kapag naulit iyon. Magkulong ka lang palagi sa kwarto o kapag nasa labas ka huwag ka munang uuwi, okay?” sabi niya. Palagi niya naman iyon pinapaalala sa kapatid para hindi nito makalimutan. “Opo, ate. Alam ko po iyon. Ako na po magligpit nito,” sabi nito. “Sige, liligpitin ko lang ’tong bubog at magsasaing na ako para makakain na tayo,” sagot niya at tumayo. “Ate…” Aalis na sana siya nang tawagin siya nito kaya nilingon ko siya. Nakaupo ito dahil dadamputin nito ang pitaka. “Bakit?” tanong niya. “May babayaran sa school mo?” tanong pa niya. Napansin niya ang pagkabahala sa mukha nito kaya nagtaka siya. “Wala po. Magpapaalam lang po ako na kung pwede mag-working student ako para kahit paano may panggastos ako para sa pag-aaral ko. Ayoko na kasing maging pabigat pa, ate. Narinig ko, kinuha na naman pala ni papa ang pera sa ’yo. Mamomroblema ka na naman sa akin kaya—” Mabilis niyang pinutol ang sinasabi nito sa pamamagitan ng pag-iling. “Kaya ko naman basta mag-aral ka lang ng mabuti. Hindi mo kailangan magtrababo, Sky. Kaya nga ako nagsasakripisyo para sa ’yo kasi gusto kong mapabuti ka. Ayokong may sagabal sa pag-aaral mo kaya ko ’to ginagawa. Huwag mong isipin ang narinig mo dahil kaya kong gawan ng paraan,” sabi niya kaya natahimik ito at napayuko. Ayaw niyang pati kapatid niya ay pasanin ang problemang ito. Kaya siya nagtatrabaho dahil ayaw niyang maranasan nito ang hirap ng buhay. “Sabihin mo na kung may babayaran ka sa school para magawan ko ng paraan,” sambit niya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Wala naman po. Kailangan ko lang ng load, ate, dahil may ise-search po ako,” sagot nito. Tumango siya at dinukot ang pitaka niya. Nakahiram siya ng 200 kay Maris kanina para pambaon nito sa mga susunod na araw pero ibibigay na niya iyon lahat ngayon. “Oh.” Iniabot niya sa kanya ang dalawang daan. Tumayo ito at kinuha iyon. “Sobra ’to, ate,” wika nito. “Hindi, kulang pa ’yan dahil ’yung matitira riyan pambaon mo na. Dadagdagan ko pa ’yon baka sa isang araw. Ibibigay ko na ang kulang, hindi ko na iipunin sa akin para hindi makuha ni papa,” sambit niya. Napansin niyang nagtubig ang mga mata nito kaya ngumti siya. “Bakit ka naiiyak?” tanong niya. Hindi ito sumagot, bagkus ay yumakap lang sa kanya. “Ate, salamat. Pag naka-graduate na ako masusuklian ko rin ang sakripisyo mo,” wika nito. Hinaplos niya ang buhok nito. “Hindi ko hinihinging suklian mo ako. Ang gusto ko lang makapagtapos ka at maabot ang mga pangarap mo, doon pa lang sukling-sukli na,” saad niya. “Basta, ate, salamat po sa lahat,” sagot nito. “Oo na. Sige na, tapusin na natin ’to para makapagluto ako,” wika niya at bumitaw na sila sa yakap. May luha pa ito sa mata kaya natawa itong pinunasan iyon. “Nagdadrama pa ang bunso,” biro niya pero ngumiti lang ito. Hindi na siya nagsalita at kinuha na lang ang dustpan saka walis para mawalis ang bubog. Pagkatapos niyang gawin ’yon, dumiretso na siya sa kusina upang magluto para mamaya kakain na lang sila. Dahil sinaing na lang naman ang lulutuin niya ay kumain na rin agad sila pagkaluto no’n. Wala pa ang kanilang ama at hindi nila alam kung nasaan ito pero tiyak siyang nasa inuman iyon. Hindi na nila ito hinintay at kumain na sila pero ipinagtatabi niya ito ng pagkain para kung magutom ito ay may makakain sa pag-uwi. Kumain silangg dalawa ni Sky habang nagkukwentuhan. Kapag ganito sila, nakakalimutan niya pansamantala ang mga problema nila. Kaya masaya siyang naroon ang kapatid niya dahil naiibsan din nito kahit paano ang lungkot na nararamdaman niya. ** Naalimpungatan naman si Matthew Del Frado sa malakas na pagyugyug sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang kanyang ina na nakatayo sa gilid ng higaan niya at nakatingin sa kanya pagkatapos ay sinulyapan ang katabi niya. “What?” tanong niya sa ina. “Get up, dress yourself and we’ll talk outside,” sabi ng mommy niya na si Elvira at saktong nagising ang nasa tabi niyang babae. “Ma'am…” sambit nito nang makita nito ang kanyang ina sa loob ng kwarto. Mabilis nitong hinanap ang damit nito pero nagkalat iyon sa sahig kaya binalot nito ang sarili gamit ang kumot sa katawan. “Sorry po, sobrang—” Itinaas ni Elvira ang kamay nito para pigilan itong magsalita. “Get dressed and leave. You're fired!” sigaw nito at tiningnan siya ng kanyang ina. “At ikaw, magbihis ka na dahil mag-uusap tayo!” sabi nito at tinalikuran sila. Napabuntonghininga siya habang nakangiti. “Ma'am, sandali po, huwag ninyo po akong sisantihin,” wika ni…wait what's her name again? He doesn't know her name! “Sir, tulungan mo ako,” sabi nito sa kanya habang nagbibihis. Bumangon siya at nagkibitbalikat. “Hindi kita matutulungan, Mica, nagdesisyon na si mommy,” sagot niya na parang wala lang at saka nagsuot ng short. “Hindi Mica ang pangalan ko, kundi Janice!” sigaw nito sa kanya. Tiningnan ko niya ito at nginitian. “Sorry, I forgot,” wika niya at kinindatan ito saka nagsuot ng tshirt. Aalis na sana siya nang lapitan siya nito. “Tulungan mo ako, kailangan ko ang trabahong ’to at hindi mo ba ako pananagutan?” sambit nito na ikinakinot ng noo niya. Inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. “What? Pananagutan? Are you insane? Hindi kita type,” sabi niya nang tingnan ito mula ulo hanggang paa. “Ha? Eh, ano 'yong nangyari sa atin? Wala lang?” tanong nito na parang gulat sa nangyari. “Ginusto mo rin naman ang nangyari. Nagpakita ka ng motibo kaya pinatos ko. Palay na ang lumalapit sa akin, tatanggihan ko pa ba?” sambit niya. Lumipad ang kamay nito sa pisngi niya kaya tumabingi iyon. Napangiwi siya sa sakit na dulot no’n. “Ang g*go mo!” sigaw nito. Humarap siya rito ng nakangisi. “I know! Isa pa, trabaho pala ang hanap mo bakit ako ang trinabaho mo? Umalis ka na lang, swerte ka nga kasi natikman mo ako. Maraming babaeng ang gustong mapunta sa sitwasyon mo,” saad niya at tuluyang nang lumabas ng kwarto. Iniwan niya itong hindi makapaniwala sa sinabi niya. “You're a jerk!” Narinig niya pang sigaw nito pero ngumisi lang siya at hindi iyon pinansin. Pagkatapos nilang masarapan sa kama magrereklamo sila ng ganiyan. Ano ba ang akala nila, seseryosohin sila ng isang Matthew? Si Matthew Del Frado. Twenty seven years old. Hindi siya gumagarahe sa isang babae dahil masaya siyang makita ang mga ito na nagkakandarapa sa kanya. At maraming babae na rin ang nag-away dahil sa kanya. Mga nagseselos kahit pare-pareho namang walang karapatan. He’s not proud of it but his enjoy it. Basta sexy at maganda nag-park sa kanya, sasakyan agad niya lalo na kung maganda, sexy at kapag nagpakita ng motibo. Tapos siya pa sisisihin? Hindi niya na ’yon kasalanan dahil pinagbigyan lang naman niya ang gusto nito. Napailing na lang siya nang himasin ang pisngi niya. Masakit ang sampal pero ayos lang, magaling din naman iyon sa kama kaso hindi na siya nag-uulit ng babaeng natikman na niya. Mabilis siyang magsawa o hindi lang talaga niya magawang ulitin dahil sa hindi ito sapat para ma-satisfied siya ng sobra. Pagpunta niya sa kanyang ina na nasa kusina ay tiningnan siya nito. “Matthew, what have you done? Pati katulong hindi mo pinapalampas? My goodness, son,” sambit nito. “Sexy and pretty mom. Ang hirap tanggihan ng ganoong katulong,” sagot niya. Napahawak ito sa batok dahil sa sagot niya. “Magpapalit na naman tayo ng katulong and I’ll make sure na hindi mo sila magagawang landiin,” wika nito kaya ngumiti siya. “Correction, mom. Sila ang lumalandi sa akin, pinagbigyan ko lang sila,” sagot niya. Napailing na lang ang kanyang ina sa sagot niya bago siya naupo upang sumabay rito sa pagkain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
85.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
144.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
191.2K
bc

His Obsession

read
93.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook