"Good morning, Iha. Kumusta ang tulog mo?" masayang salubong at pagbati ni Aling Salome kay CJ nang napansin ito na lumabas sa silid na tinulugan. "Magandang umaga po, Nana. Okay naman po. Si Johnson po, Nana?" sagot at tanong nito. "Lumabas, Iha, may pinuntahan diyan sa kapitbahay may emergency yata," sagot niya. "Ah, Nana, malayo pa po ba dito ang Paratong?" muliay tanong ng dalaga. "Malapit na anak. Ilang minuto lang ang pagitan mula rito. Kung may kamag-anak ka roon ay magpasama ka kay Johnson kilala rin siya roon. Halika na pala, Iha, para magkape tayo baka---" kaso hindi na niya natapos ang pananalita dahil dumating ang anak niya. Ang luko-luko ay dumiretso pa sa kasintahan at hinagkan sa labi. "Good morning, babe." Pamumutol ni Johnson sa pananalita ng ina saka nilapitan ang no