bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET WIFE

book_age18+
738
FOLLOW
2.7K
READ
spy/agent
HE
powerful
drama
bxg
musclebear
love at the first sight
surrender
actor
like
intro-logo
Blurb

Hindi kailanman sumagi sa isip ni Gavrien Michelle El Greco o Mich sa kaniyang pamilya, na maging asawa ng kahit na sinong lalaki na hindi siya kayang ipakilala sa iba. Lumaki siya sa masaya at mariwasang pamilya, bunso at spoiled sa kaniyang mga Kuya.

Ngunit dumating si Ralph Angelo sa buhay niya. Hindi ideal man pero unang kita pa lamang niya rito ay kaagad na niyang naramdaman ang kakaibang pintig ng kaniyang puso. Kay Ralph niya naramdaman ang espesyal na pakiramdam na iyon. Paanong hindi, gayong sa paglipas ng mga araw ay napatunayan niyang napakagaling nitong magparamdam kung gaano siya kaespesyal. Hanggang sa ang espesyal na nararamdaman nila sa isa't isa ay nauwi sa malalim na pagmamahal.

Pagmamahal na naging dahilan para tanggapin niya ang kasal na inaalok nito. Sa una ay masaya, ngunit hindi pala talaga sapat na mahal n'yo lang ang isa't isa kung hindi ka naman niya kayang ipakilala sa iba bilang kaniyang asawa.

Hanggang saan kaya tatanggapin ni Gavriene Michelle ang pagiging secret wife niya sa kaniyang asawa? Mapapagod nga ba siya o mananatili sa piling ng lalaking pinili niyang makasama?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE "Gav, please don't," pakiusap ni Ralph sa akin nang kukunin ko na ang mga bagahe ko. After 2 years of being his secret wife, ayo'ko na. Pagod na pagod na akong itago. Nakakasawa na rin iyong pakiramdam na hindi ka kayang ipagmalaki ng lalaking mahal mo, ng mismong asawa mo. "Ayo'ko na, Ralph," matigas na sabi ko sabay waksi sa mga kamay nitong nakahawak sa akin. "Gav, mahal kita. Akala ko ba naiintindihan mo ako kung bakit hindi ko pa magawang sabihin sa iba na asawa kita?" bakas ang hirap at inis sa mukha nito. "Naiintindihan ko naman, Ralph--" "Naiintindihan? Kung naiintindihan mo 'ko, bakit umaayaw ka na?" "Dahil nakakapagod na! Hindi ko na kaya ang ganitong klaseng pakiramdam, Ralph. Asawa mo 'ko pero hindi ko man lang maramdaman na iyon ang papel ko sa buhay mo. Daig ko pa ang kabit na palaging itinatago sa lahat! Nakakasawa na eh, ayo'ko na, Ralph.." Bahagya akong tumingala para pigilan ang nagbabadya kong mga luha. "Gavriene.." Tangka niya akong hahawakan pero umiwas ako. Ayo'ko nang magpatalo sa pagmamahal ko sa kan'ya. At this point, desidido na akong makipaghiwalay sa kan'ya. "Gavriene, you know that I love you, right?" Mahinang sabi nito. Tumango ako bilang sagot sa kan'ya. "Then why?" Pumiyok ang boses nito dahilan para tuluyang tumulo ang mga luha ko. "Ralph.." "I love you, Gavriene. Hindi pa ba sapat iyon para mag-stay ka?" "I'm sorry, pero ayo'ko na." Pinalis ko ang mga luha ko at tumitig sa kan'ya. "I love you, Ralph, alam mo iyan pero hindi ko na kaya. Ayo'ko na nang ganitong pakiramdam na para akong kabit mo." Pumatak ang mga luha nito habang nakatingin din sa akin. Parang may gusto pa itong sabihin ngunit mas piniling h'wag na lang. "Gusto kong ibalik iyong dating Gavriene Michelle na nakilala mo noon. Mahal na mahal kita but I had enough, Ralph." Hinayaan kong mamalisbis ang mga luha ko. "Hayaan mo na ako, ha? Ibabalik ko lang iyong kumpyansa ko sa aking sarili na nawala dahil pumayag akong maging secret wife mo. Alam kong mahal mo ako, naramdaman ko naman iyon sa loob ng dalawang taon pero hindi lang pagmamahal ang kailangan ko eh. Gusto ko ring maranasan na ipakilala mo ako sa iba na asawa mo ako. Hindi ko hinihinging ipaalam mo sa buong mundo, kahit sa pamilya mo lang sana. Sobrang hirap bang ibigay 'yon?" hinanakit na sabi ko. "Gav.." umiiyak na rin ito. "Don't do this to me, please? I love you so much. And I can't live without you.." Pakiusap nito ngunit sarado na ang isip ko. "Just let me go, Ralph.." Marahas itong umiling at mabilis ang kilos na tinawid ang distansiya namin. Mahigpit niya akong niyakap habang umiiyak. "Don't do this to me, please?" pakiusap nito. "Ayo'ko na.." Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nito. Nang makawala sa pagkakayakap nito ay umatras ako. Kitang-kita ko ang sakit na rumihestro sa guwapong mukha nito. "I thought you love me.." Mahinang sabi nito ngunit sapat na para marinig ko. "I do. Pero hindi na ako masaya, Ralph. Ang dami kong gusto na ayaw mo, hindi mo pa kayang ibigay at hindi ako sigurado kung ibibigay mo pa ba. Gustong-gusto kitang ipakilala sa pamilya ko pero ayaw mo. Gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama ka pero ayaw mo pa rin. Mahal kita, pero nasasaktan na ako." Tutop ang mga labing tinalikuran ko ito at kinuha ang mga bagahe ko. Umiiyak na naglakad ako palabas ng pinto habang hila ang mga maleta ko. Umasa akong pipigilan niya ako at sasabihin aayusin na namin ang lahat ngunit nakalabas na ako't lahat walang Ralph na pumigil sa akin. Doon na ako tuluyang napahagulhol ng iyak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook