PUMUNTA ako sa canteen ng ospital namin, isa rin sa relatives namin ang nag-o-operate ng business sa canteen. “Oh, Watson? Napadaan ka yata? Binisita mo ba ang future Lola Embang mo?” Nag-aayos ng hairnet niya si Lezzia. Kamag-anak ko sa side nina Lola Owing ko. Sa angkan ng mga Lee, kami ang pinakaangat sa buhay ika nga. Pero hindi kami mga classy na tao. Low profile ang pamilya namin. Kaya nga walang gaanong nakakakilala sa akin at sa kung sino ang may-ari ng ospital. “Oo, pabili ng soft drinks at ilang chips diyan.” Nangiti lang ako sa sinabi ni Lezzia. “Ibibigay mo kay Pukay? Naks naman, bakit kasi hindi mo pa ligawan para naman makahigop na rin kami ng sabaw?” makahulugang turan ni Lezzia. “Paano? E, may girlfriend na yata. May tinatawag ng mahal, eh.” Medyo nalungkot ako. Kahi