Sabado at linggo lang ang araw nang pahinga ko. Iyon lang din ang araw na pwede akong magtrabaho sa misyon ko. Habang nagbabantay sa dalampasigan at pinanonood ang mga naliligo ay hindi ko maiwasang sumagi sa isipan ko ang tunay na misyon.
Pero mabilis ding iwinaglit iyon. Pwede kong gawin iyon mamayang gabi, pero hindi ngayon na oras ng trabaho.
Buhay ang nasa kamay ko sa trabahong ito. Kaya naman hanggat maaari ay focus lang ako rito.
Nakasabit sa leeg ko ang whistle, sa kinauupuan kong patrol car ay abot tanaw ang sakop nang binabantayan ko at ng kasamahan kong si Tudot.
Kompleto rin sa gamit ang patrol car na ito, pati nga ang megaphone ay nakahanda rin in case na kailanganin.
Panay ang kausap ni Tudot sa akin, ngunit wala rito ang atensyon ko.
"Sure ka bang marunong kang lumangoy? Pwedeng turuan kita." Nakangising ani ng lalaki.
"Marunong akong lumangoy, pero marunong din akong manglunod...gusto mo ba?" napangiwi ito sa sinabi ko rito.
"Ang sungit mo naman. Alam mo bang ako ang pinakagwapong lalaki sa buong Isla Garalla. Pinakamahusay rin akong lumangoy."
"Sa trabaho natin, kailangan din may utak...hindi lang paglangoy ang kailangan taglayin." Pambabara ko rito.
"Tsk. Mayroon naman ah! Mukha ba akong walang utak?"
"Oo." Deretsang sagot ko rito.
"Ang sakit mo namang magsalita. Tsk, for sure style mo lang 'yan para mapansin kita." Tumawa pa ito na akala mo naman ay ikinagwapo nito iyon.
Tumawa rin ako.
"Deserve mo naman," ani ko saka nilayasan ito.
Nang igala ko ang tingin sa dagat ay napansin ko ang mga batang patungo sa parte kung saan nakapwesto ang red flag. Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito at 'di pansin ang posibleng danger sa pagpunta ng mga ito roon. Mabilis kong ginamit ang pinto habang mabilis na naglalakad ay pinatutunog iyon. Napansin naman agad ng mga bata, saka bumalik ang mga ito sa safe spot for swimming.
"Masyado ka naman atang maganda para maging lifeguard." Lumapit si Boss Nathaniel David sa akin.
"Good morning, boss." Bati ko rito. Saka muling ibinalik ang atensyon sa pagbabantay sa dalampasigan.
"Grabe, parang ayaw na ayaw mo naman sa presensya ko."
"Oras po nang trabaho."
"Ouch! Parang ipinararating mo na dapat sa mga oras na ito ay nagtratrabaho na dapat ako."
"Gano'n na nga po." Tugon ko rito. Bahagya tuloy itong natawa.
"Ayaw mo bang magpalit ng trabaho. I think mas bagay sa 'yo na nasa opisina ko."
"Mas bagay po ako sa trabahong alam at gamay ko."
"Pero sa ganda mong 'yan, baka mainitan ka lang dito."
"Boss!" hindi naiwasang mairita. Ang kulit kasi ng taong ito.
"Oras po ng trabaho ko."
"I know, I already asked Boning na kumuha muna ng taong papalit sa pwesto mo. Kailangan ko nang kasama sa kabilang parte ng Isla. Baka Kasi malunod ako roon."
"Po?" gulat na ani ko rito. Patience, iyon ang kailangan ko sa taong ito.
"Sumama ka muna sa akin." Hinawakan nito ang pulsuhan ko saka hinila na. Sinalubong naman kami ni Tudot at kinuha sa akin ang mga gamit ko.
"Ako na muna sa pwesto mo." Yumukod pa ito kay Boss Nathaniel.
Nagtungo kami sa parking lot ng hotel. Akmang pagbubuksan ako ng pinto nang unahan ko na ito.
"Hindi n'yo ho ako kailangan pagbuksan ng pinto." Seryosong ani ko rito. Saka ako na ang nagbukas para sa sarili ko.
Nagkibitbalikat lang ang lalaki at mabilis na itong kumilos para umikot sa driver seat. Alam kong malawak ang islang ito.
Nang lumabas sa exit gate ang sasakyan ay hindi na ako nabigla na may konkretong kalsada roon at marami ring kabahayan ang nadaanan.
"Parte ho ba ng trabaho ko ang ganito?" tanong ko sa lalaki.
"Yes." Hindi na ako nagkumento. Kasi alam ko namang hindi iyon totoo. Pero ilang minuto lang, hindi ko rin natiis ang bibig ko na hindi magsalita.
"Bakit ho wala sa kontratang pinirmahan ko? Siguro naman po ay may additional p*****t ito 'no?"
"Hindi pa ba sapat 'yong sahod mo sa resort?" takang ani ng lalaki habang patuloy pa rin itong nagmamaneho.
"Eh, hindi naman po ito sakop ng trabaho ko." Ngayon ay sa bintana na ang tingin ko. Hindi na pamilyar sa akin ang lahat, ang dami nang nagbago rito sa Isla Garalla.
"Pero oras ito ng trabaho mo sa resort..."
"Hay! 'Wag na nga lang." Pabulong na ani ko rito.
"Fine, magbibigay ako later."
"Ano ba kasing gagawin mo, boss, sa kabilang bahagi ng Isla?"
"You don't like me, right?"
"Oo naman."
"You like that girl na nakita mong kasama ko?"
"Maganda s'ya." Cool na sagot ko rito.
"Hindi ka interested sa mga lalaki?"
"Yes." Deretsong sagot ko rito.
"Ikaw ang makipagkita sa babaeng iyon."
"Really?" nakangising tanong ko."Ay, pass mukhang masama ang ugali."
Natawa si Boss Nathaniel.
"Yes, she is. Kailangan ko lang makalusot sa kanya."
"Pwede mo namang sabihin sa kanya na hindi mo s'ya bet."
"Nakailang ulit na, ang ending napapadpad kami sa kasuluksulukan." Gets ko na agad ang ibig nitong sabihin.
"Paano kung mapadpad din kami sa kasuluksulukan?" tanong ko rito.
"What the heck? Are you freaking serious?"
"Hindi ako pumapatol sa lalaki, pero pumapatol ako sa babae. Gets?"
"s**t, for real talaga?" ani ni Boss Nicholas.
"Mas maganda nga roon sa babaeng 'yon 'yong chicks ko eh."
"May chicks ka?" ani ni Boss Nicholas.
"Alangan naman ikaw lang? Of course mayroon din ako." Proud na ani ko rito.
Nagsalubong ang kilay nito. Waring napaisip.
"Ikaw na ang bahala. Basta maidespatsa ko lang s'ya. Kung magkano ang sahod mo sa isang buwan bilang lifeguard ay gano'n ang ibibigay ko sa 'yo mamaya kapag nagawa mo s'yang itaboy." Seryosong ani ng lalaki.
"Okay, deal! Maghintay ka na lang. Tiyak na pupunta muna kami sa gilid-gilid." Nakangising ani ko rito. Napailing si Boss Nathaniel.