Chapter- 1

2463 Words
“PAPA, no!” sunod-sunod na iling niya sa ama. “Hindi maaari, gagawa po ako ng paraan kaya pakiusap, huwag mong ibenta ang buong hacienda.” “Paano, Eloiza? Ano’ng kaya mong gawin? Hindi ka pa naka-graduate at hindi biro ang halaga na kailangan para maisalba ang buhay ng iyong mama!” “Papa, kung kinakailangan ay titigil ako sa pag-aaral at maghahanap ako ng trabaho.” “Akala mo ba sapat ang magiging suweldo mo sakaling makapagtrabaho ka?” “But, Papa.” “No buts, Eloiza. Walang ibang paraan para mabuhay ang mama mo!” At nagmamadaling iniwan niya ang anak. Sumakay ng paborito niyang kabayong si Love ang dalaga at mabilis na kumaripas ng takbo. Tumigil siya sa pinakatuktok ng burol saka bumaba at nahiga sa makapal na damo. “Love, ano’ng maaari kong gawin para hindi mawala sa atin ang lugar na ito?” Nangingilid ang luha niya habang kinakausap ang kabayo. Umungol naman ito na akala mo’y naiintindihan siya nito. Pagkaraan ng tatlumpung minuto ay namumula ang mga mata niyang bumangon at itinaas ang mahabang buhok. Sinuot niya ang sumbrero at agad na sumakay ng kabayo. Mabagal silang naglakad pababa ng burol ng kanyang pinakamamahal na si Love. Naulinigan niya ang boses ng mga tauhan na tila may kaaway. Kaya imbes na kumaliwa ay lumiko siya sa kanan at naabutan niya ang mga ito na hindi maganda ang kalagayan dahil sa apat na lalaking nakatayo. “Who are you?” Pero walang sumagot na parang wala siya roon kaya lalong uminit ang kanyang ulo. Dahil problemado siya ay tila lumabas ang kanyang sungay kaya’t pinalapit pa niya nang konti si Love dahil gusto na niyang manakit. Agad siyang bumaba at nilapitan ang sa tingin niya ay pinakapinuno ng apat. Pero teka, bakit magkamukha ang mga ito? Ngayon niya lang din ito napagmasdan nang mabuti. Walang itulak-kabigin sa apat na nang magsabog yata ng magagandang kaanyuan ay nasalo ng mga lalaking ito. Naipilig niya ang ulo saka agad na binunot ang .45 pistol at tinutukan ang lalaki. “This is my property at hindi ko pinapayagan ang mga trespassing dito! Now, aalis kayo o pasasabugin ko ang ulo mo?!” Napansin niyang tila kumindat pa ang kaharap na lalaki na ikinatawa pa ng tatlong kasama nito. “Aba’t sasagot ka o . . .” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil segundo lang ay nahawakan nito ang baril at kasabay n’on ay nalaglag ang mga bala. Sinubukan niyang kumawala sa mahigpit na hawak nito sa braso niya pero hindi man lang niya ito maigalaw at sa kawalan ng maisip ay dinuraan niya ang mukha nang nabiglang lalaki. Ngunit sa halip na bitiwan siya nito ay hinaklit nito ang kanyang leeg at plano pa yatang baliin iyon nang biglang malaglag ang sumbrerong suot niya. Hindi nakawala sa paningin ni Eloiza ang pagkatulala ng lalaki dahil siguro nakita ang mukha niya pati na ang tatlo pa nitong kasama. Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon at malakas na sampal ang pinakawalan niya na ikinapaling ng mukha nito. “How dare you to touch me?!” Ngunit biglaan ang pangyayari, nakalapat na ang labi ng lalaki sa mga labi niya. Marahas siyang hinalikan nito na halos mapaluha siya sa sobrang dahas. Gusto niya itong itulak pero agad na nagbago ang pamamaraan ng halik na ’yon, naging maingat at mapang-angkin. Kasabay ng pagsinghap niya ay ipinasok nito ang dila sa kanyang bibig. Nalasahan niya ang mint sa dila nito at napaungol siya sa masarap na sensasyong dumaloy sa kanyang kaibuturan. “Son!” Napaiyak siya sa sobrang kahihiyan nang bigla siyang bitiwan nito at kulang na lang ay itulak palayo. Hiyang-hiya at pulang-pula ang mukha na napatingala siya sa nagsalita. Isang may-edad na lalaki. Napansin din niyang magkakamukha ang mga ito. Bigla ang realidad at hindi napigilang naglaglagan ang mga luha niya. Nakatitig ang lalaki sa kanyang mukha at umangat ang kamay nito palapit sa kanyang pisngi. Hindi na niya muling hinintay na lumapat pa ang palad nito sa kanya, agad siyang lumayo rito. Sumakay na siya ng kanyang kabayo saka malakas na sinipa iyon. “Let’s go, Love!” ***** TULALA pa rin si Josh habang mabagal na naglalakad ang sinasakyan niyang kabayo. Panay naman ang kantiyaw ng mga kakambal niya na tila nang-iinis pa hanggang dumating sila ng kanilang bahay. Nasa loob na sila ng Hacienda Montemayor nang sumigaw si Dark. “Wew . . . Kuya, matindi ka! Masarap ba ang labi ni Ganda?” “Ang ganda no’n, Kuya, jackpot ka! Dura, sampal then halik! Whoa!” segunda naman ni Drake. “Sexy and hot, Kuya.” Sabay sipol ni Delta. “Akin na lang siya kahit nahalikan mo na!” At malakas silang nagtawanan. Sinamaan lang ng tingin ni Josh ang mga kapatid. Hindi maalis sa isip niya ang magandang babaeng ’yon. Kakaiba ang electricity na dumaloy sa kanyang katawan nang magkadikit sila. Ang mga labi nitong mapula at napakasarap halikan ay hanggang ngayo’y nagpapainit ng kanyang pakiramdam. Napangiti siya nang maalala ang pagganti ng dalaga sa halik niya. Sayang nga lang at wrong timing ang daddy nila. Nabitin tuloy ’yong masarap na pakiramadam habang ginagalugad niya ang malambot na labi ng dalaga. “Tinamaan yata ni Kupido si Kuya, Drei.” ’Yon ang narinig niya sa mga kakambal habang nakaupo sa terasa. Nangingiti na lang siya nang palihim at naiiling sa mga tsismosong kapatid, kaya ang ginawa niya ay umakyat na lang siya sa kuwarto niya at nag-shower. Habang nakatapat sa pumapatak na tubig ay binalikan niya sa isipan ang dalaga. “Sa susunod na magkita tayo, sisiguraduhin kong magiging akin ka at wala nang ibang puwedeng humawak sa ’yo. Lalagyan kita ng tatak Montemayor.” “Kuya!” malakas na sigaw sa labas ng pinto ang nagbalik ng huwisyo niya. Agad niyang binuksan ang pinto at sumilip. “Ano’ng kailangan mo, Delta? Hindi mo ba naririnig na naliligo ako?” “Kuya, tawag ka ni Daddy, saka kakain na rin kaya bilisan mo na diyan." Nang makababa siya ay inulan siya ng hirit ng mga kapatid. “Magsitigil nga kayo, nasa harap tayo ng pagkain!” seryosong sabi niya sa mga ito. “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo, Kuya?” singit ng kararating lang na si Samantha Soffy, ang bunsong kapatid nila. “Soffy baby, huwag ka nang makisali, kumain ka na lang diyan,” agad na utos niya rito. Nananahimik na ang mga kapatid ’pag gano’n na ang tema ng pananalita ng kanilang Kuya Josh. Alam nilang malapit na itong magalit kaya zip mouth na sila. “Daddy, ano po ang sasabihin mo daw sa akin?” “Come to the library, may mahalaga akong sasabihin sa ’yo.” Nang matapos silang kumain ay agad nitong tinawag ang isang kasambahay. “Bring coffee for me. And you, son?” “Green tea please.” Saka siya sumunod sa ama. “Sit down, son. A week ago, nabalitaan ko na gustong ibenta ng may-ari ang katabi nating hacienda. Tatanungin kita kung interesado ka.” “Saan banda, Dad?” “Kung saan kayo nag-trespass, sakop iyon ng Hacienda Madrigal. At kung hindi ako nagkakamali, ang dalagang iyon ay ang nag-iisang anak ng mga Madrigal.” Bigla ang pagbangon ng ideya ni Josh. “Sige, Dad. Kung interesado ka ay okay lang po sa akin at after our graduation, uuwi agad ako para i-manage iyon.” “You need to go in Madrigal house, isama mo ang family lawyer at mga kapatid mo. Ikaw ang makipag-usap sa matandang Madrigal. Balita ko maraming may gusto sa lupaing iyon kaya dapat maunahan mo sila, anak. Ayaw kong magkaroon tayo ng kakompetensiya sa negosyo kaya mas magandang tayo ang makakuha ng lupain.” ***** KINABUKASAN maaga silang gumayak sakay ng kanya-kanya nilang kabayo at pinuntahan nila ang tanggapan ng mga Madrigal. Hindi naman sila nahirapan at agad na natunton ang mansiyon ng mga Madrigal. Hindi rin sila natagalang maghintay dahil agad silang pinapasok ng mga guwardiya dahil may mga tao nang mas nauna sa kanila, sa katunayan ay mukhang katatapos lang ng mga ito na makausap ang matandang Madrigal. At hindi lang ilan, mas marami na ang mga tao na galing sa loob. Maaaring mga buyer din ang mga iyon. Agad silang inestima ng matandang Madrigal nang malamang mga Montemayor sila. Nag-prepare pa ito ng pagkain para sa kanila. Palihim namang nagmasid si Josh sa kabahayan. May gusto siyang makita pero nabigo lang siya dahil ni anino yata ng dalaga ay wala. “Mr. Montemayor, I need to talk to you personally. Follow me.” Agad namang tumayo si Josh at nagpaalam saglit sa mga kapatid at sa kanilang lawyer. “Have a sit, hijo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kung gusto mo ang lupain ko, I have personal request.” “Yes, go ahead. Kung kaya ko po, bakit hindi?” Saka iniabot sa kanya ng matanda ang papel. “Read it carefully. Kung sang-ayon ka ay pirmahan mo at mapapasa iyo ang buong lupain ko.” Matapos basahin ang buong nakasulat sa papel ay walang alinlangan na dinampot ni Josh ang ball pen at mabilis na pinirmahan agad iyon. “Ibibigay ko sa ’yo ang kopya nito kasama ng title ng Hacienda Madrigal after ma-settle ang mga papeles.” Tumayo na si Josh at nagpasalamat sa matanda, gano’n din ito sa kanya at magkasunod na silang bumalik sa kanilang lamesa. Tinawag ni Josh ang kanilang lawyer. “Talk to Mr. Madrigal at ikaw na ang bahala sa lahat.” At nagpaalam na sila kasama ang mga kapatid. **** LUMIPAS ang dalawang linggo at nailipat na sa pangalan ng mga Montemayor ang Hacienda Madrigal. Silang dalawa lang ng ama ang nakaaalam ng tungkol sa kasunduan at sa personal request ng matandang Madrigal. Ayon sa isang tauhan ni Josh na tauhan din ng mga Madrigal ay nasa Maynila pala ang dalaga. Doon nito tinatapos ang kurso nitong Business Ad. Nalaman na rin ni Josh kung saang eskuwelahan ito pumapasok pati na ang condominium na tinitirhan nito. Kailangang naka-monitor siya sa dalaga. Hindi siya makapapayag na may makasasalisi sa kanyang ibang lalaki. Naging abala ang mga Montemayor sa paghahanda sa nalalapit na silver wedding anniversary ng kanilang mga magulang. Gusto ng daddy nila na ma-surprise ang mommy nila kaya kahit anong pangungulit ng mommy nila kung bakit hindi siya puwedeng sumama sa hacienda, nanatiling tikom ang bibig nilang apat. Naaawa na nga si Josh sa kanyang ina, hindi siya sanay na naglilihim dito. Pero alam niyang ilang panahon lang naman iyon kapalit ng kaligayahan sa araw na iyon. Matuling lumipas ang mga araw at dumating ang pinakahihintay nila. Maaga pa ay gumayak na silang magkakapatid. Ang daddy na nila ang bahala sa mommy nila. Nag-car silang magkakapatid. White Ferrari kina Dark at Delta, Red Ferrari kay Josh, at Audi kina Drake at Soffy. Exactly 5 AM ay umandar na sila dahil lima o anim na oras ang magiging biyahe nila para marating ang Hacienda Montemayor kaya maaga silang umalis para hindi abutan ng traffic. Saktong 6 AM ay nakalabas na sila ng Kamaynilaan. Napakaluwag ng highway kaya kitang-kita nila ang isa’t isa. Habang nagda-drive si Josh ay hindi niya maiwasang maisip ang dalaga. Hindi niya akalaing may ganoong request ang matandang Madrigal. Nangingiti siya dahil pabor sa kanya ang kasunduan nila ng ama ng dalaga kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Mahirap na, baka magbago pa ang isipan nito. Ngayon relax na siya. Ang gusto lang niya ay hindi maputol ang pagmo-monitor niya sa dalaga. Hindi na baleng hindi muna sila magkita sa ngayon at hahayaan muna niyang makapagtapos ito dahil gaya nila ay kailangan pa nilang bumalik sa U.S. para tapusin ang natitira pang taon nilang apat. Siyempre kasama rin nila ang bunsong si Soffy. Tatlong taon pa bago makatapos ang bunso nila. Habang nasa Maynila si Eloiza ay may itinalaga siyang apat na bodyguard nito at pinalabas na ang ama nito ang nag-utos n’on. Hindi pa ito ang tamang panahon para magkaharap uli sila ng dalaga. Makapaghihintay naman ng tamang panahon para sa kanilang dalawa. Ang importante ngayon ay alam niya ang bawat galaw ng dalaga. Nag-stop muna sila para mag-breakfast sa nadaanang restaurant. As usual, lahat ng mga mata ay sa kanila nakatutok. Hindi naman sila kumain ng heavy food, sa hacienda na lang sila magbi-breakfast. Nakaupo sila sa isang table nang may napansin silang mga kalalakihan. Nagsenyasan agad silang magkakapatid. “Si Soffy, whatever happen, ipasok mo siya sa car at i-lock,” utos ni Josh kay Drake. Napansin ni Dark na armado ang tatlong lalaki. “Go, Drake! Ipasok mo si Soffy sa sasakyan then lock it!” Agad naman na tumalima si Drake na ipinagtaka pa ng kapatid na si Samantha. “Stay here, baby. Don’t go out, okay?” Binuksan nang konti ni Drake ang bintana saka ini-on ang engine then he locked it saka nagmamadaling bumalik sa mga kapatid. Dumistansiya si Josh sa katabing table. Si Delta ay lumakad sa may gawi ng counter at si Dark ay nagkunwaring pumipili ng pagkain sa hawak na menu. Si Drake ay malapit sa entrance na hindi kalayuan sa mga sasakyan nila. Nakatungo si Josh at nilalaro ang car key nang lumapit ang isang armadong lalaki at agad na tinutukan siya nito. "Ibigay mo sa akin ang susi kung ayaw mong mamatay!” Agad naman niyang iniabot ang key sabay agaw ng baril dito. Ni-release niya ang mga bala at naglaglagan agad sa sahig iyon saka binigwasan ng isang malakas na suntok ang hindi nakapaghandang lalaki. Nakalapit agad sa kanila ang isa pa nitong kasamahan. Delta jumped in the air saka binigyan ng dalawang magkasunod na sipa ang may hawak na baril. Nagkagulo sa paligid, kitang-kita ni Josh ang pagtutok ng isa sa likod ni Delta. Wala na siyang oras kaya ginamit na ni Josh ang the best na kaalaman. Minuto lang ay nakahandusay na ang tatlong lalaki sa sahig. Agad na tinalian ni Dark ang mga kamay ng mga ito patalikod. Biglang nagdatingan ang mga pulis. Ipinakita ni Josh ang kanyang ID at agad na nagpasalamat ang mga pulis sa kanila. Gano’n din ang may-ari ng restaurant. Naglabas sila ng konting statement at agad na lumabas. Nagkaroon ng komosyon ang mga tao pero hindi na lang nila iyon pinansin. “Mga artista ba ’yan? Grabe, ang galing nila, parang shooting lang.” “Sinabi mo pa, kahanga-hanga ang mga ganyang mayayaman. Down to earth sila.” Agad na lumabas si Soffy nang ma-unlock ang car saka niya niyakap isa-isa ang mga kapatid. “Kuya, okay lang kayo?” Sobra ang pag-alaala niya. “We’re fine, baby. Let’s go.” Nag-iisip si Josh kung ano’ng pakay ng mga armadong lalaki sa kanila. Hindi kaya konektado ang mga iyon sa nagtangkang pumatay sa daddy nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD