ISLA WREN P.O.V Hindi natuloy ang pagbibigay ng parusa sa'kin ni Rowan nu'ng isang araw dahil agad kong inuto ang inutil na batang 'yon. Kinailangan ko pang magkunwaring babait na ako para lang pigilan ang ama niya na parusahan ako ngayon nandito ako sa sala at wala si Rowan. May tinapos siya sa kompanya niya. Malaya kong nagagawa ang gusto ko rito sa bahay. Tsaka ini-ingatan kong huwag pagbuhatan ng kamay si Feliz dahil malalagot talaga ako ng husto kay Rowan. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya ng hingi-in ni Feliz na huwag niya akong saktan. "Hindi ibig sabihin na pinigilan ako ng anak natin na huwag kang saktan hindi ko na magagawang saktan ka, dahil sa oras na pagbuhatan mo pa ng kamay si Feliz sisiguraduhin kong dederitso ka sa libingan mo." Kitang kita ko ang talim ng mga mata n