SERAPHINA ROSE P.O.V Hindi natuloy ang balak namin na pagbisita ni Feliz sa lola nito dahil sa pag iyak niya kanina, wala akong nagawa kung hindi ang patahanin siya at dalhin sa kwarto nito. Inabutan na kami ng gabi pero hindi parin niya ako binibitawan sa mga yakap nito. Wala naman kaso sa'kin dahil gusto kong iparamdam sa kanya na kailan man hindi ko siya kayang saktan katulad ng pananakit ng totoong ina nito. Ngayon naman habang yakap ito at ramdam ko ang bawat panghinga nito sa dibdib ko. Alam kong tulog ito pero yung yakap niya ay parang naghahanap ng karamay, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot dahil paano na lang kung bumalik ang totoong Isla? sasaktan ba niya ulit ang innocenting batang 'to? Ang daming pumapasok sa isipan ko na hindi ko kayang masagotan. "ISLA!" Muntikan