SERAPHINA ROSE P.O.V Parang hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko, pakiramdan ko ang bigat ng katawan ko at hindi ako makagalaw. Pero pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit nahihirapan ako dahil pakiramdam ko ay ang tagal kong natulog. Puting kisame ang bumungad sa'kin at nakaramdam din ako ng uhaw, binasa ko ang mga labi ko gamit ang dila ko dahil tuyong tuyo ito na parang hindi nabasa ng ilang buwan. Habang pinipilit kong basain ang bibig ko gamit ang dila ko ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa'kin si Rowan. Doon lang bumalik sa'kin ang nangyari, nilatigo ako ni Miguel. Labi na takot ang bumalatay sa mukha ko ng makita kong palapit sa'kin si Rowan. Hindi ko alam pero simula ng latigong 'yon lagis ang naramdaman kong takot ngayon. He just ordered Miguel to give me