Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkatapos kong manood ng TV bumangon ako at inayos ang sarili bago lumabas ng silid at bumaba ako ng hagdan. "O seniorita magmemeryenda napo ba kayo?" Tanong ng katulong na nakakita sa akin. Tumango ako. "Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko dito. Habang naglalakad kami napalingon ito sa akin. "Ako po si Talia" Sagot nito sa akin at nahihiyang ngumiti sa akin.ngumiti din ako dito. "Matagal kana dito?" Tanong ko uli dito. Tumango ito. "Lahat ba kayo matagal ng kasambahay dito?" Tanong ko uli dito. Tumango na naman ito. "Bakit ba puro tango lang ang Sagot niya sa akin. Wala ba akong kwenta kausap?" Bulong ko. Saka napaisip. "Pero matalino naman ako at top nuch pa sa school." Bulong ko uli. Hindi na ako nagsalita kasi napansin ko na naiil