Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya sa sinabi niya. "Dahil handa na ako sa mangyayari. Handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo Aliah at kahit anong mangyari hindi ako papayag na may mangyari sayong masama. Because you are my queen." Sabi niya. Yumakap ako sa kanya habang umiiyak. "So stop crying, because it hurts me to see you cry." Sabi niya habang hawak niya ang baba ko. Tumango ako dinampian niya ako ng halik sa pisngi ko, Sa ilong ko hangang napunta sa labi ko. Na tinugon ko. Napahawak ako sa braso niya. Dahil pakiramdam ko ng hina ang mga tuhod ko. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko. Napangiti siya ng maghiwalay kami. Namumula naman akong napayuko. Niyakap niya ako. "I love you Aliah. I love you a lot... Alam mo bang sa tuwing nasa malapit ka sa akin at sa tuwing