"Alae anak. Laging kang tatawag ha para alam namin kung anong nangyayari sayo dun" Sabi naman ni nanay. "Alae nay. Maliligo laang ng dagat yang si ate e. Kung makahabilin kayo Akala niyo malayo ang pupuntahana niyan uli." Sabi ni Rajiemae. "Alae. Ano ka bang Bata ka. Iba ang mayayaman baka akala mo hindi natin masabi kung ano ang mga ugali ng mga kaibigan niyang si Vlad." Sabi uli ni nanay. Alam na niya ang tungkol sa amin ni Vlad. Nung una nagalit siya pero nung pinaliwanag ko ang lahat at nalaman niya na mabait naman sa akin si Vlad hindi na siya nagsalita pa.Pero umiyak siya sinisi niya ang sarili niya "Alae. Baka naman mabait din ang mga kaibigan ni kuya Vlad. Sabi naman ni ate mabait naman siya e." Sabi ni Rajie. "Alae. Sana nga anak e." Sabi uli ni nanay. "Hayaan niyo nay. Ta