*****ALIAH POV#***** Araw araw ng sumasama sa akin si Troy hindi ko alam kung bakit.Siguro natatakot sila na lumayo uli ako. "Hi!" Bati sa akin ni Amara. Lagi na siyang lumalapit sa akin magmula ng Hindi na nagpapakita si Celeste sa school. "Hi!" Bati ko din sa kanya. "Sabay na tayo mag lunch Wala din akong kasabay ngayun." Sabi niya Tumango ako. "Nasaan Yung kasabay mo lagi?" Tanong ko sa kanya. "May importante silang lakad ng ama niya." Sabi nito. Tumango ako. Nalaman ko na lahi pala sila ng wolf. Hindi na ako nagtaka na meron din nun dito. E Vampira nga meron siguradong meron ding Wolf. "Wolf ka naman pala. Bakit natatakot ka kay Celeste?" Tanong ko sa kanya. "Hindi sa natatakot. Ayoko lang ng gulo. Hindi namin ito lugar, lugar ito ng mga Vampira at Hindi ng Wolf." Sabi niya.