"Magiingat ka hindi ka nila titigilan lalo nat alam nila na may lahi kang tao. Naamoy nila ang dugo mo noon." Sabi uli nito. Kasalukuyang naghuhugas kami ng kamay sa sink nasa CR kami. May pumasok na mga studyante. Ngumiti siya sa akin saka nauna ng lumabas sa akin. Kagaya ng dati nauna akong lumabas sa kanila. Paglabas ko ng gate Nakita ko si Vlad nakatayo sa tabi ng kotse habang may kausap sa Cellphone niya. Lumingon siya sa akin ng maramdaman ang presensiya ko. Nagpaalam na ito sa kausap at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngin. Namula ako sa ginawa niya. Natawa siya sinamaan ko siya ng tingin. "Kumusta ang araw mo?" Tanong niya sa akin. "Ayos lang naman." Sagot ko sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok ako sa loob, umikot siya sa kabila saka siya pumasok at n